Kabanata XXII

83 5 0
                                    

Iniisip ko pa rin ang tungkol sa nalalapit na pagpapakasal ng kapatid ko. 

Bakit nga kaya hindi pa rin sumasagi sa isip ko na lumagay sa tahimik? Ilang ulit na rin ako niyaya ni James na magpakasal pero hindi ako pumapayag.

Si Laila ay may tatlong anak na. Si Lory naman ay natagpuan na ang lalaking nagturo sa kanyang magmahal nang totoo, at sa susunod na taon ay ikakasal na sila.

Dagdag pa nga pala rito ang nalalapit na kasal nina Katrina at Carlos sa Boracay,  beach wedding kasi ang gusto ni Katrina. Sa Sabado na iyon. Pupunta ako, hindi naman daw makakasama si Lio.

Si Lio.
---

"Almira, malapit nang matapos si Liza," paalala ni Laila.

"Okay."

Nagtatrabaho pa rin ako sa istasyon ng radyo kung saan ako nakilala, kahit pa nakagawa na ako ng pangalan bilang isang manunulat.

Pumunta na ako malapit kay Liza.

"Nandito na po si April Rain," sabi ni Liza bago ko siya tuluyang palitan.

"Magandang gabi po sa lahat ng mga tagapakinig na hanggang ngayon ay nakaantabay pa rin sa akin! Narito po muli ang inyong lingkod na si April Rain para pakinggan ang inyong mga kuwentong pag-ibig, mapa-sweet man iyan o lonely," simula ko.

"Maaari na po kayong tumawag sa numerong *** at malay ninyo ay kayo na ang kausap ko sa aking pagbabalik pagkatapos ng isang awitin. Narito na po ang awiting Like a Rose na ni-request ni Justine Laurel ng Quezon City."

Pagkalipas ng ilang sandali ay nakakuha na kami ng kakausapin ko. Nagpakilala siya bilang Edwin, dalawampu't siyam na taong gulang.

"Hello?" bungad ko sa tumawag.

"Hi!" sagot niya. Medyo kaboses siya ni James, ganito rin ang boses ng kasintahan ko kapag nasa telepono.

"Edwin, right?"

"Ako nga."

"Ano'ng maipaglilingkod sa 'yo ng programang Sweet and Lonely?"

"Ikaw!"

Tumawa ako. "Palabiro ka pala."

"Ikaw nga!"

Tumawa ako ulit. "Panindigan ba talaga?"

"Ikaw nga talaga."

Bahagya na akong nairita. "Ngayon na lang kita tatanungin ulit, sayang ang oras kung gagawin mo lang katatawanan ang programang ito. Ano'ng maipaglilingkod ko sa 'yo?"

"Si James 'to!"

Natigilan ako. Nagtawanan ang mga katrabaho ko.

"What's the meaning of this?"

"Hindi namin alam!" Natatawang sagot ni Laila.

"Ako nga ito!"

"Laila!"

"Si James nga iyan."

"What--"

"Kausapin mo lang 'yong caller mo."

"Okay," baling ko kay James kahit hindi ko naiintindihan ang nangyayari. "Ano ang maipaglilingkod ko sa 'yo?"

"Ikaw mismo."

"Ha?"

"Will you marry me?"

Naghiyawan ang mga katrabaho ko. Hindi ako nakapagsalita.

"Will you marry me, Maria Almira Rivera?"

"Mamaya na tayo mag-usap. Oras ng trabaho ko ngayon."

Nagbalik na AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon