HOM #10 - Spikes.

706 6 2
                                    

Lois*

Andito kaming lahat sa pilian ng pinto, nakaupo sa sahig, iba nakahiga, iba nakasandal sa pader. Si Kuya Lay, nakatulalang nagiging waterfalls mata. Grabe, dalawa na nawawala samin, si Ate Yuna at Kuya Tam. Dahil parang wala namang cumocomfort kay Kuya Lay, edi eto ako ngayon kinocomfort siya na parang nakadepende na buhay naming lahat.

Grabe, bat yung mga pinakitang pictures samin noon ni Effex dun sa may duyan sa school e parang ang saya saya? At wala namang gantong ka nakakatakot? Sa totoo lang sa sobrang takot ko palagay ko hindi na ko makakaramdam ng takot, ever.

Tsaka bago kami pumasok dito, excited na excited sina kuya kasi marami daw talagang nangyayaring masaya at dito talagang malaya ka, e bakit ganun? Naging ganto?

--------------------

Katulad nga ng sinabi ko kagabi, hindi ako nakatulog, nakabuka lang mata ko buong gabi, minsan gagalaw ang kamay ko para hagudin ang likod ni Kuya Lay, minsan naman mapapayakap ako sa dalawa kong kuya at kay bespren Jo.

Biglang tumayo si Kuya South at nag salita na parang siya ang leader ng grupong to kung saan lahat nag hihirap para lang makasurvive.

"Tara na, para kahit isa manlang satin makauwi, at pag sabihin lahat ng tao na ipagiba na ang basement ng bahay namin para wala nang makapasok sa pesteng lugar na to." matigas na sabi ni Kuya South. Tumango kami at nag tayuan, mga gutom na, mga pagod na pagod pero hindi nag abalang matulog dahil talagang sinusulit ang huling mga oras na mag kasama. 

"Aling pinto gusto niyo?" tanong ni Kuya South, pero bago pa kami makasagot, napasandal si Yoh sa pinto na ang sign ay spikes at nag bukas ito sabay tumba siya sa loob, no choice, dun ang punta namin ngayong araw na to.

"Kuya Lay. Tara na." napako sa kinatatayuan eh.

Ngumiti siya sakin at nag lakad na. "Salamat." sagot niya at pumasok na kaming lahat. Pag pasok namin, damuhan lang nakikita namin, alam mo yung damuhan na may konting bulaklak na maliliit? Ganto yung masasarap higaan e. Dito din yung lugar na masarap mag day dream tungkol sa pamilya mo, sa crush mo, sa pinapangarap mong gusto mong abutin. Pero ngayon, may isa saming hindi na makakamit yung pangarap na yun.

"O pano dito?" tanong ni Kuya Clohann. May nakita naman ako sa paanan kong isang deck ng baraha. at pinakita sakanila.

House of Magic Season 1 - HOM Season 2 ( Louis Academy )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon