Lois*
"Ready?" Tanong ni Kuya South saming lahat, andito na kami sa mga pinto, specifically sa tapat ng pinto ng exit papunta na sa bahay namin. Palabas ng WOM.
"Yeah." At pumasok na kami sabay sara ng pinto sa likuran namin, lumabas kami ng bahay at nakitang lumulutang pa din ang bahay namin sa tubig. Na parang talagang hindi siya lulubog kasi magical.
"Inexplain nga pala samin ni Pinuno na kahit anong mangyari hindi masisira ng pintuan papuntang WOM kung lumubog man to, may makakapasok pa din talaga." Sabi ni Kuya South sabay sakay namin sa jet na ginawa ni Damian, kaya nila gawin yun remember?
Kung nabasa nyo na yung A Bloody Romance mas maiintindihan nyo hahaha.
"Kaya natin to!" Sabi ng dalawang kontrabidang Avan at Seton.
"Kayang kaya!" Sabi namin.
"Pahawak muna sa mga buhok nyo." Sabi ni Kuya Cannon at hinawakan na ulit mga buhok namin, para makuha lahat ng mga napuntahan at mga mapupuntahan.
"Okay na." Sabi nya, nag tanguan lang kami at nag relax muna.
"Pagong pag tapos nito, gagawan na kita ng Waffle Shop at may isa pa kong surprise sayo." Sabi ng katabi ko.
"Ano naman?" Tanong ko.
"Isang bagay na di mo akalaing kaya ko,katulad nalang ng rubiks." Sabi nya.
"Oy ang rubiks kinaya mo, hindi akalaing kaya mo." Pag lilinaw ko, teka luminaw nga ba?
"Basta!" Sabi nya at natulog muna.
"Okay, natrack ko na ang mga SS tama kayo,nasa kabilang isla lang sila." Sabi ni Samuel
"So mga 10 minutes andon na tayo." Sabi naman ni Willow na katabi nya,pilot sila pareho e hahaahha
"Sigi." Sabi naming lahat at napapabuntong hininga nalang, medyo confident naman akong mananalo kami, lalakas ng mga kakampi ko eh! FIGHTING!
-------
"We're here." Sabi ni Wave pag kababa ng jet.
"Yep yep." Sabi namin at bumaba na, mukha pa namang normal ang isla,siguro nag pa plano palang sila. O kung ano man -_____-
"Alam nyo, panigurado, pag pasok na pag pasok natin don, hindi tayo pag papawisan, patay na kagad sila." Sabi ni Crush.
"Wah?! Pano?" Tanong naming mga inosente.
"Isang titig lang kaya na naming pumatay,kaya kahit wag na nga kayong gumalaw e." sabi naman ni Halo.
"Ay onga, sana pala hindi na tayo nag training." Sabi ni Diamond.
"Kasi paniguradong panalo tayo." Sabi naman ni Axinite.
"Hayy sana nga." Isip isip ko.
"San ba sila naka tira kumbaga?" Tanong ni Kuya Series.
"Hmmmm teka, dito sa ilalim ng lupa." Sabi ni Onyx habang napadyak padyak ng paa.
"O e pano tayo mapupunta dyan?" Tanong ni Ariana.
"Edi ganto." Sabi ni Crush at isang kisap mata nasa ilalim na nga kami ng lupa.
"Waaah! Pano yun?!" Tanong ni Kuya Cannon.
"Teleport din pero maramihan." Sabi ni Crush.
"Waaahh." Sabi ni Kuya Cannon na parang nainlove na hahaahha.
"O e asan kaya sila?" Tanong ni Kuya White
"Baka tulog? Madaling araw pa e." sabi naman ni Yoh.
BINABASA MO ANG
House of Magic Season 1 - HOM Season 2 ( Louis Academy )
FantasyMakikiuso lang ho, madalas kasi dito sinasabi yung mga copy right ganun ganyan e hindi ako marunong nun, kaya wala nalang gagaya ha? or kukuha ng kung ano man dito. Wala tong kinalaman sa kung sino, kung ano at kung saan, lahat imahinasyon ko lang...