LA #9 - kulong sa room.

556 7 1
                                    

Aylois*

"Adrianna, paki bigay to kay Devin, hindi kamo kasi ako makakaattend ng klase nila mamaya, may aasikasuhin sa agency." Sabi sakin ni Sir Fantasy at inaabot sakin ang isang folder na project daw ni Kuya Devin na kailangang baguhin kasi may maling spelling daw. E bukas na daw deadline kaya iaabot ko daw -_____-

Tapos bukod sa pagiging teacher agent din tung si Sir. "Okay po sir. Pag katapos ko po magbantay ibibigay sakanya" walang buhay kong sabi pero puno ng respeto.

"Thanks. Maaasahan ka talaga." Sabi nya at ginulo pa buhok ko kaya lahat ng bangs ko na nakaclip nakabusangsang na sa mukha ko -_____- masyado na kasi mahaba, papagupit ko sa sabado.

Nginitian ko nalang si Sir at lumabas na ng room, hinihintay na ko ng buong WAFFLES e, mag babantay na kami.

Pag dating ko sa rooftop, pinatong ko muna sa upuan yung folder, pero kinuha ko ulit at kinalikot -_____-

Ahhh parang syang report, na tungkol sa shape shifters.....kasi yung ginawa niya parang draft muna, checheckan ni Sir kung may mali tapos ipapabago, e siya pala huling nagpasa ng draft kaya ngayon palang ibabalik sakanya.

Hmmm ahhh ayun yung wrong spelling...siguro naduling lang siya sa pagtatype, kasi napakadali naman ng iiispell -_____- mysterious lang naman e napagpalit nya y at s. e syempre kapag totoohanang report na dapat ni isa walang mali.

Tiningnan ko yung outline na handwritten lang hindi printed. Waaahhh ganto pala to magsulat...maganda na maliit. Pareho kami...HUWAT!?!?!?!?!?!? OM OM PAREHO KAME?! Ay -_____- yaan mo na Lois kapareho mo lang naman ng sulat e, okay lang yan.

"Hoy babaeng tinitingnan ang...." Sabay tingin nya sa front page ng report. "Omayyy, patingin din ako nyang report ni Kuya Devin!"

"Wag na! Dapat kay Kuya Lulu tinitingnan mo hindi kanyaaa!" Sabi ko.

"E bakit ikaw? Di naman kay Kuya Twix yan wah?" Sabi nya na nakapameywang pa.

"Kasi pinapabigay to sakin ni Sir, kaya wag mong isiping kinuha ko to para lang matingnan." -_____-

"Ona onaaaa." Sabi nya.ヽ('o`;

At pinanuod lang namin ang buwan habang nakaupo sa semento, hinihintay ang pag labasan ng Exo.

---/------

"Hey. Thank you for your service." Sabi ni Kuya White saaming WAFFLES. Nag bow lang kami at tumango.

Teka asan si Kuya Devin? Bat di nila kasama?

"Kuya White, si Kuya Devin?" Tanong ko, sinamaan ko nga ng tingin si JN na tinititigan ako ng nakakaewan.

"Ooohhhh." Sabi ni Kuya Twix sabay batok kay kuya White.

"Woy loko loko" sabi ni Kuya White sabay batok sa aking kras. "Nasa room pa, nag eexam." Sabi niya. "Bakit?"

"May ibibigay lang po, saglit lang!" Sabi ko at nag lakad na palayo sakanila.

"Ah Lois pwedeng ako na magbigay nyan----"

"Eh! Ako na po!" Sabi ko kay Kuya Emillion, na nagsabing siya na daw magbibigay. Pumasok na ko sa building ng Night Class at hinanap room nila.

Kumatok ako nung nakita ko na yung pinto, bigla naman akong kinabahan. Bakit nga ba ako pa magbibigay? Pwede nga namang si Kuya Emillion na, eh baka pagalitan ako ni Sir!

Kuh yun nga ba talaga? Che! Si Kuya Twix crush ko tantanan niyo ko!

"Pasok" sabi ng pinakamalamig na tao sa mundo. Mas malamig pa siya kay Kuya Series na kahit anong panahon kayang walang jacket. Kahit gano kalamig hindi nilalamig. Grabe nga yon eh.

House of Magic Season 1 - HOM Season 2 ( Louis Academy )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon