LA #5 - Date

539 4 5
                                    

Lois*

"Gusto ko ng waffle." sabi ko kay JN habang nag lalakad kami sa mall, actually paikot ikot lang kami e -____________-

"Hindi ka ba nag sasawa dun?" tanong niya sakin na natatawa

"Hindi." Sagot ko at hinila ko siya sa isang waffle stand at bumili ng Caramerl na flavor na waffle. Si JN naman hindi na bumili, nasawa na kasi yan palaging baon ko e, hahaha e diba palagi kaming nag titikiman.

"O san na tayo punta?" tanong nya

"Actually ang sadya ko dito, mamimili ako ng damit tapos ikaw tiga bitbit. Payag ka?" tanong ko.

"Hayy, sige, tutal wala din namang magagawa." sabi niya at hinila ko siya sa Specs isang store na kumpleto na ang lahat galing kasi ng author nito mag isip ng pangalan lol

Pag pasok namin dun inubos ko na kagad yung waffle at tinapon sa basurahan yung balot non. at nag tingin tingin na ng mga pantalon at tshirt at sapatos habang siya nakaupo lang sa sofa nung store.

Kumuha ako ng tatlong pantalon at mga tshirt na ipapares don tapos tatlong pares ng sapatos. Tapos sinukat ko lahat sa fitting room at tiningnan ko kung bagay. Ayun at bagay naman. Dinala ko na lahat sa counter at binayaran gamit ang aking magic card. ^______________^ at binigay na ang mga paper bags.

"Akin na." sabi ni JN at binitbit lahat ng bags, BWAHAHAHAHAHA.

"Ice cream tayo JN." sabi ko at hinila ko siya sa isang ice cream parlor.

"Ako na bibili, umupo ka nalang diyan." sabi ko, haha, baka nakapgod kakabitbit ng mga ari arian ko e lol. 

"Ano gusto mong flavor?" tanong ko.

"Chocolate nalang." Sabi niya at ngumiti, tumango nalang ako at pumunta na sa counter at bumili ng chocolate sundae tapos ako naman cookie berry na ice cream, yung may cookies siya tapos may syrup na strawberry, tapos ayun may stick o hahaha

Dinala ko na ang mga order namin sa lamesa namin at kumain na kami.

"Sino crush mo?" nagulat naman ako sa tanong niya, pano bigla bigla XD

"Ako? Hmmmm, secret lang ah? Si Ariana lang nakakaalam." sabi ko sakanya

"Hahahaha, sige sige."

"Pramis? Pag to pinag kalat mo, kakalbuhin ko ulo at ilong mo." Sabi ko.

"Oo oo. HAHAHAHA."

"Si..Kuya White." sabi ko at  sumubo na ulit ng ice cream

"O? Akala ko si Kuya Devin." sabi niya

Muntikan ko ng mabuga ang kinakain ko kasi sa dinami dami ng aakalain niyo si Kuya Devin pa?! Ay anak ng tokwang panis.

"Pano mo naman nasabi ha? Sana manlang ang inakala mo si Kuya Lulu o kaya si Kuya Onyx, grabe ka."

"Ahh, minsan kasi pag kunwari uuwi na tayo galing sa pag babantay, makikita ko nalang na kung makatitig siya sayo wagas, kaya baka kako crush mo siya." sabi niya

"Sira ulo, hindi ba dapat siya may crush saken?" natatawang sabi ko.

"Ay oo nga no?" sabi niya at napakamot sa batok nya

"MWAHAHA." at kumain nalang ulit kami.

At pag tapos non hinatid niya na ko sa bahay ko.

"Babay JN!" sabi ko at nakipag handshake, mwahaha, gumawa kaming buong WAFFLES ng kakaibang handshake e para pag nabatian o diba.

Kumaway na siya at nag maneho paalis. Pumasok na ko ng bahay at umupo muna sa isang silya. Tapos dali daling tinawagan si Jo,

"Hi Joooooo." sabi ko sakanya at kumaway kaway ako sa harap ng screen.

"Heylooow." sabi niya at kumaway, nag kawayan kami na parang mga timang hahaha.

at kinwento ko lahat sakanya nangyari at kung gano kagwapo si Kuya White mwehehe, hanggat sa gabi na at sabi ko sakanya good night na, nakihalo pa kasi sina Yoh kaya medyo natagalan ang pag vivideo chat.

Nung binaba ko na yung tawag, inayos ko na yung mga pinamili ko at dinala sa kwarto ko. Nag linis ako ng katawan at bumaba munang saglit para kumain ng mansanas. at nag gala gala sa bahay lol

Naisipan kong bisitahin ang pintuan ng HOM, pero hindi ako papasok no, ano ko baliw -_______-

Tiningnan ko lang yung pinto, mukha lang namang normal na pinto pero kapag pumasok ka maraming kabaliwan. Hinawakan ko yung door knob at biglang tumibok ng mabilis puso ko.

Nagulat naman ako dun kaya binitawan ko na tapos napahawak ako sa puso kong nag hihisterical, nag tataka nga ako e bakit kaya?

Tapos bigla nalang nabaliw ang utak ko, maraming iniisip na kung ano ano, pero lahat may konek sa kamatayan, yung namatay sina Kuya ganun.

Napaupo naman ako bigla sa sahig at naramdaman kong umiiyak na ko, ano ba nangyayari sakin? Bat parang may sariling mundo utak ko? Kung mag isip ng nang yayari at mga nangyari na?

Pag titingin ako sa paligid may makikita nalang akong napakaraming pinto, tapos may signs tapos mag iiba magiging puro dugo, tapos mag iiba ulit magiging mga patay na tao.

3rd Person's POV

Nanginginig na nakaupo si Lois sa sahig. Kinakabahan na at natatakot, ang mansanas niya kanina pa gumugulong sa sahig, nag papanic siya na ewan, tapos hinahabol ang hininga niya, Paulit ulit siyang palingon lingon sa kaliwat kanan, bumabalik sa utak niya ang mga nakakatakot na nangyari noon sa HOM. Napapakagat siya sa mga daliri niya, pangalawang beses niya palang to naramdaman, una yung mag tetake siya ng exam, yung kabang kaba siya halos himatayin na siya, pero iba to ngayon, may kaba, na may halong takot na may halong pag kataranta.

Hanggat sa naramdaman niyang hinimatay na siya.

--------------------

Lois*

"Meron siyang anxiety disorder, pwedeng bigla nalang siyang mag ka anxiety attack, sa sobrang kaba, o kaya bigla nalang natakot, o kaya sobrang taranta, tapos minsan bigla nalang siyang mag memental breakdown o mental block, yung wala na siyang maisip, natutulala nalang, o kaya naman katulad ng nangyari sakanya, masyadong maraming iniisip ang utak, masyadong nabigla ang utak sa biglaang dami ng iniisip na hindi maganda, kaya siguro hinimatay na."

"Kapag siya mag kakaanxiety attack, manginginig siya, pag papawisan, at hihingalin, dahil sa kaba takot at tarantang nararamdan." sino ba tong salita ng salita? -__________- antok pa ko e kaingay 

Dinilat ko mga mata ko at nakita kong nasa ospital pala ako, ano ginagawa ko dito? Dito ko ba napag isipang ituloy ang pag gagala ko sa bahay? -___________-

Napatingin ako at nakita ko ang doctor na may kausap na tao na nakatalikod.

"Kelan pa po siya nag simulang mag karon ng gantong sakit?" Tanong nung lalaking nakatalikod, sino ba pinag uusapan nila?

"Inborn siya, pero natrigger lang kaya naging kumbaga active na yung sakit ngayon na dati e hindi, kaya kunware...hmmm...may nakita siya o nakausap na nag paalala ng isang hindi magandang pangyayari, pwedeng bigla niya nalang maramdaman ulit ang kaba at takot na naramdaman niya noon, manginignig siya at hihingalin, kasi parang nararanasan niya ulit. Yun na yung anxiety attack, siguro may nakita siyang nag paalala sa isang bagay na hindi maganda." mahabang sabi ng doctor.

Kulay dark brown yung buhok nung lalaki, teka may kilala ba kong ganon? Hmmmm marami pala, engot mo talaga Aylo.

"Ah sige po, may gamot po ba dun?"

"Wala na, kasi sakanya yung pinakamalala kaya ang gamot lang dyan hanggat maaari wag niyo nang pag usapan yung nangyaring masama, dapat wala siyang makita na ikaaalala niya dito. Kasi hihimatayin siya ulit sa takot at kaba. Kasi masyadong hindi maganda yung pangyayari."

"Ah ganon po ba sige thanks." at umalis na yung doctor, pinikit ko mata ko at nagkuwaring tulog, ewan bigla akong kinabahan sa kung sino tong kasama ko e.

"Alam kong gising ka." sabi niya, tsss huli na din naman e edi dumilat na ko.

"K-Kuya Devin?!"

House of Magic Season 1 - HOM Season 2 ( Louis Academy )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon