LA #15 - Isang tanong mo pa, ilalayas na kita.

537 8 5
                                    

Lois*

"To the left! YEAAAH!"

"Uhhhhhh" *Ungol yan*

"Everybody Yeah! To the Right!" 

"Uhhhhhhh" *Mas malakas na ungol*

"Energy Energy! Roll like a fcking barbeque Evreh Bodeh!! Yeah uhuh uhuh!"

"Waaah, Cannon, tigil naa, wala nang energy, kahit ang tiga supply natin ng energy wala na din, AT PUTNGNA MANAHIMIK KA NA!" Sigaw ni Mint.

"hehehe, sorry, pero ang saya gumulong diba?" tanong ni Cannon.

"HINDE!"

"pero sumunod naman kayong lahat no." sabi niya

Hindi nalang kami sumagot, nakahilata kasi kaming lahat sa mat, tinanggal na din lahat ng dividers at lahat kami pagod na pagod kakatraining, tapos pinapag rolyo pa kami ng lakas ng trip na si Cannon. -___________-

"Oh." napatingin naman ako sa katabi ko, luh? Katabi ko pala tong hangin na hindi nag papahangin sa kainitan dito, kesyo pagod na daw -___________-

"Ano yan?" tanong ko dun sa inaabot niya

"Box na may pagkain." Sabi niya

"Ahh, anong pag kain?" tanong ko. habang umuupo na,

"Buksan mo nalang." sabi niya habang nakahiga, tapos yung iba nag kakainan na din, pag bukas ko, may dalawang waffles, tapos alam niyo yung lalagyan ng mga soup? Kasi may divider tung lunch box, tapos may kulay orange na sabaw? Ano to? PInasosyal na tooooot baka madiri kayo e, BWAHHHAHAHA

"Oy oy, ano to?" tanong ko,

"Waffles, babaeng to, adik sa waffles hindi alam, hindi ako makapaniwalang may kilala akong tao na kasing slow mo."

"Slow? Anak ng, slow daw ako sabi nung lalaking nakuryente ko kanina." Sabi ko at kinagatan yung waffle, tapos initcha sa mukha niya yung isa pang waffle, kawawa naman. Baka mamatay sa gutom.

"Salamat." Sabi niya at nakikain na din. TEKA E ANO NGA YUNG ORANGE NA YON?!

"Ano ba to?" tanong ko sabay turo dun sa orange thingy na nilapag ko ngayon yung lunch box sa mat para mas makita niya.

"Orange juice! Isa pang tanong mo ilalayas kita dito." sabi niya.

"Weh? Inumin mo nga!" baka kasi may lason -_______-

"oh!" sabi niya pag ka lagok ng orange juice, grabe kung makainon parang lasenggo napag agawan ng alak e -_____________-

"Ahhhh." at uminom na din ako.

"E teka ano nga pala yung hinihintay mo kanina?" tanong ko.

Nagulat nalang ako tumayo siya, tapos hinila ako patayo tapos sumigaw kayna Kuya White. "SAGLIT LANG! TUTURUAN KO LANG TO NG LEKSYON." at bigla kaming inihip ng hangin palabas.

------------

Ariana*

"Hala? Hindi ba natin susundan yun?" tanong ko.

"hindi na, halata namang talo yang si Devin kay Lois." Sabi ni Kuya Twix, pero si Kuya White, poker face lang at parang galit na pinapatay yung kinakain niyang sandwich.

"Ahh," sabi ko nalang.

"Iba talaga ngayon si Devin." Sabi ni Kuya Lulu na katabi kong nainom ng milk tea. Nasusuka ako don -__________-

"Onga." pag sang ayon ng iba.

"OO NGA E." matigas na sabi ni Kuya White, hala? Wag mong sabihing mahal ni Kuya White si Kuya Devin na higit sa pag kakaibigan? Tapos tapos....bakla siya. WAAAHHHH!

"Bakit kaya?" tanong ko. Kasi nahalata ko ding iba siya

"Simula nung nakulong sila ni Lois sa room, tapos hindi niya binuksan kahit kaya niya, ayun naging ganun na." sabi ni Kuya Lulu.

At nag katinginan kami.

"ALAM NA!"

Pero pano yun? Ang crush ni Lois e si Kuya Twix? At malabo, ayaw na ayaw ni Lois kay Kuya Devin e, Awww wawa, pers taym pa naman ng mokong.

-----------

Lois*

"Hoy hoy! Ano ba?! Tsaka mga yon, lanya pinabayaan ako sayo." sabi ko habang nakaupo kami sa taas ng puno, e hindi naman ako makatakas kase ang lintik na hangin niya binabalik at binabalik ako sa punong to.

"Ikaw dyan e, sabing isang tanong mo pa ilalayas kita don." sabi niya

"Odi tutal nalayas mo na ko dun, ano ba yung hinihintay mo na gagawin kamo ng isang tao at nag ala super actor ka don?" sabi ko habang hinahanap yung waffle ko. "WAAAHH! Yung waffle ko!!!" at nagulat nalang ako sinalpak niya sa bibig ko yung waffle niya, edi kinain ko nalang, waffle to eh!

"Wag. mo. na .ngang . isipin. yon. napaka. slow. mo. kase." patigil tigil niyang sabi.

"Ay grabe tol? Hinihika? Inaatake sa puso? Kailangan patigil tigil?" sabi ko at sinubo na yung huling waffle.

"Ewan ko sayo! Bat ba ganyan ka? Ang alam ko mabait kang tao, nung isang araw nga sa mall nung may kumu-----este bakit ba?!" sabi niya nalang, kagulong kausap no? sarap ipasok sa puno e.

"ginagaya lang kita BWAHAHAHA!" sabi ko sabay tawa at laro dun sa mga sanga ng puno na may konting dahon.

"Anong ginagaya?" tanong niya

"Ginagaya ko pag ka pangit ng ugali mo," sabi ko.

"Waaahh, idol mo na ko ngayon?" nang aasar niyang tanong. "At hoy bumabait na kaya ako." sabi niya pa ulit.

"EWAN KO SAYO."

"Aylo, sino crush mo?" ASDFGHJKL ZXCVBNM QWERTYUIOP

"At bakit mo tinatanong ha? May gusto ka sakin? Nyayyyss kapal." sabi ko.

"Tinatanong lang! Tong babaeng to bwiset. Kitang nakikipag ano lang..tsss..hindi mo ba alam na dahil sayo ako nag kakaganto? Nag papakabait na nga e tapos ay putakte."

"Edi sana hindi mo ko dinala dito!" at nanahimik ang mokong.

"Tsss, panget ugali ko dahil sayo, inaayos ko ugali ko dahil sayo." at nagulat naman si ako sa pinag sasabi nito.

"So ako pa sinisisi mo? Anak ng fotakte, ako na nga ang nahila dito, inihip ng hangin na parang papel, nahulog ang waffle, naiwan ang orange juice na sinong engklong ang mag lalagay sa lunch box imbis na baso tapos ako pa sinisisi mo?" Tuloy tuloy kong sabi.

"Exactly." sabi niya

"tsss ewan ko sayo!"

"E ikaw e." Sabi niya

"Ano na naman baaaaa?" sabi ko sabay ungol.

"Kase may gusto sayo si Leada, tapos ako ay ano din tapos sakanya ka lang tapos magagalit siya kapag aawayin kita kahit ayoko naman talaga ikaw awayin, kaya nag papakabait ako, tapos nag papakabait ako para sa wala kasi hindi ka naman magiging ano, kasi nga kay Leada ka lang, at ano ayoko naman talaga ikaw awayin kaso naaano ako sainyo ni Leada kaya ay ewan ko sayong babae ka binabaliw mo ko." Mabilis niyang sabi, at ang naintindihan ko lang ay ewan ko sayong babae ka binabaliw mo ko -______________-

"Ano kamo?"

"O, nirecord ko at naalala kong may kasama akong babaeng nag palit anyong pagong." sabi niya at inabot sakin cp niya

Binelatan ko nalang at pinakinggan ko ulit. Minsan binabalik ko kasi hindi ko maintindihan, basta pinapaulit ulit ko kasi kung mag salita kala mong nasa paligsahan.

"Anong may gusto leada niyo sakin?"

"Slow ka kase kaya hindi mo magets" sabi niya

"O e ano pa yung sinasabi mo dito?"

"Wala, mag papaalam muna ako kay Leada bago ako mag papaliwanag sayo." sabi niya

"O tapo-----" at bago ko pa matapos sasabihin ko nililipad na naman ako ng hangin. -___________-

House of Magic Season 1 - HOM Season 2 ( Louis Academy )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon