HOM #16 - Monster.

636 6 1
                                    

Lois*

So ganon, ako crush niya? Pero ayun, wala na siya, patay na, grabe naman! Napaka ponciong kalapate naman ng may gawa nito!!!! GRRRR.

"Nakanang, ang kapatid ko pala ehhh." sabi ni Kuya Clohann sakin, andito kami sa kwarto na may dadalawa nalang na pinto. Naakaakbay siya sakin habang ako nakasubsob lang sakanya, e sa wala kaming magawa eh.

"Tssss, sana pala kuya ikaw nalang yung nahulog don." sabi ko "Pero syempre jok lang, mehehe, hindi ko alam gagawin ko kapag kaming dalawa nalang dito."

"Bwahahaha, pero nakakapag taka din yung letter e, sabi kapag daw hindi sinabi ang crush mahuhulog siya, e sinabi niya naman ah?"

"oo nga e, madadaya talaga." Sabi ko.

"So ano nga gagawin mo kapag ako yung nahulog tapos kayong dalawa nalang dito?" tanong niya habang inaano ano buhok ko.

"Ewan, awkward siguro. Kasi kahit naman sa pinakamalawak kong imahinasyon hindi ko naisip yun." sabi ko, e talaga naman.

"Hahaha, pero hindi mo siya crush?" Tanong niya

"Hinde, hindi ko ipag papalit si Baekhyun no." sabi ko.

"Ewan ko sayong babae ka, puro nalang mga kung sino sinong inchik at koreano sinasabi mo." sabi niya

"HOY KUYA! FYI, 10 lang po ang gusto ko, apat na inchik at anim na koreano." pag dedepensa ko, e talaga naman!

"Ona ona!" sabi niya

"E ikaw kuya sino nga ba crush mo?" Tanong ko.

"Wag mo ipag sasabi ha?" sabi niya

"Yes po."

House of Magic Season 1 - HOM Season 2 ( Louis Academy )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon