LA 21# - ANO KAMO?

468 7 2
                                    

Devin**

"Hoy, hoy, hoy!" Sabi ko habang nag pipitik pitik sa mukha nya, tulala e, nakuha na nga pala ang cart at safe ang matanda kasi hindi tinamaan, tapos binabayaran ko na lahat ng pinamili ko ngayon.

"ANO KAMO?!" Bigla nyang sabi at napabitaw ako don sa chips ahoy na hawak ko pero nag landing naman sya sa counter at hindi sa sahig kundi durog durog to at patatakbuhin ko sya para kumuha ng bago -_____-

"Ha alin?" Tanong ko.

"Yung pinag sasabi mo kanina!" Sabi nya

"Ah eto nirecord ko ulit." Sabi ko at inabot selpon ko, at pinlay nya na

"Huwah?" Sabi nya lang. At nung bitbit ko na ang dalawang paperbag, nag salita siya ulit. "Si Kuya White may gusto sakin?" Ay grabe. Imbis na sabihin e 'ikaw may gusto sakin?' Tae -______-

"Hindi mo ba halata? Ay nga pala pagong ka." Sabi ko.

"Engot! Pano, para kasing kapatid nya lang ako ganun kaya ganun." Sabi nya. Ay grabe dami kong naintindihan pwedeng pang pageant sagot nya e. kaya kunware nalang naintindihan ko para mapabilis ang topic.

"Ah o tapos?" Tanong ko.

"Odi ayun." Sabi nya

"Ano kamo?! Wala ka manlang reaksyon?!" Ay grabe! Alam nya ba kung ilang galon ng kaba ang tinanggal ko sa sistema ko at pinaltan ng ilang galon ng confidence para lang makaamin?! Anak ng linchak.

"Ikaw meron." Sabi nya binatukan ko nga -_____-

"E ano ba gusto mong ireact ko ha?" Tanong nya.

"Aba umamin lang naman ako sayo at maraming nangyari sakin dahil sayo, kako ba namang mag reak ka na paran baliw, hindi yung parang engot na slow na tanong ng tanong." Sabi ko.

"Ay ehe sorry," sabi nya at nasapo ko noo ko,

"Ay ewan ko sayo, o sino ako o si Leada?" Tanong ko.

"Ah? Wala? Di ko naman kayo crush ah." Sabi nya, at ang kaslowan nya ay walang sinabi sa pag ka straight forward nya, at ako naman pinag bagsakan ng lupa at langit, binaliktad ko para maiba.

"Ngek, odi sino crush mo?" Tanong ko.

"Si Kuya Ony---wala!" Sabi nya, odiba? Straight forward. Na nagkaroon ng konting gewang.

"Kuh, bakit mo naman siya naging crush?" Tanong ko.

"Hayyy kase magaling sumayaw." Sabi nya,hahaha nahuli na e kaya tapusin na nga naman xD kahit ako'y--- -____- tsaka ang galing ko din kayang sumayaw, hindi nya lang alam.

"Tss buti pa si Lulu..halatang magiging sila ni Ariana." Sabi ko.

"Sus e apaka slow ni Ariana hindi nahahalatang halatang may gusto sakanya si Kuya Lulu."

At napanganga ako sa narinig ko. BAT PAG IBA NAHAHALATA NYA TAPOS-----AYSH *sapo noo*"Aba nagsalita yung hindi slow oh." Sabi ko nalang at baka mahigh blood pa ko dito.

"Ewan ko sayo,nga pala bakit ka nga ba punta ng punta sa kwarto ko? Grabe e noon akala ko pinag lololoko na ko ng panaginip ko e." sabi nya, hay salamat at yan ang topic,

"Kase gusto ko bantay kita palagi, at teka pano mo nalaman nga pala hindi na yun panaginip?" Tanong ko.

"Kanina sabi mo diba." Sabi nya.

"Ay oo sakin mo lang nalaman? O baka may nagsabi sayo?" Tanong ko.

"A-Ah oo sayo lang." Sabi nya.

"Ahh tara kunin na natin kotse mo ng makauwi ka na." Tumango lang siya at nanahimik na.

Habang nag mamaneho, nag iisip lang ako kasi tahimik kami pareho at medyo ilang,

Edi wala din ang pag papacute ko kay Leada, kay Onyx naman pala to may gusto e, makausap nalang mamaya si Leada.

"Ogege babay! Punta nalang ako mamaya sainyo." Sabi ko at umalis na din ako. Tapos siya nasa bahay na,sinundan ko lang kotse nya, hindi ko naman hahayaan to no. Tumango lang siya bago ako umalis.

Lahat naman kami e sa dorm padin nakatira, siya lang yung bumabalik sa bahay nya

"Leada." Sabay katok ko sa kwarto nya, karoom mate nya si Mint na ayon nag hahalungkat sa ref.

"Hm?" Tanong nya, nakahilata na siya sa kama.

"Si Onyx naman gusto nya eh." Sabi ko.

"Hayaan mo na Dev. Kung sino man, pero kung sayo man mag kagusto, odi sayo na siya." Sabi nya.

"Wah! Leada!" Sabi ko. Napatawa naman siya sa pag kagulat ko.

"Kase..napag isip isip ko na talagang ikapatid ko nalang siya at iparaya sayo, kasi ikaw bihira ka lang mag kaganyan at mas kailangan mo siya e ako marami pang iba dyan, kaya talagang kapatid ko nalang siya at ikaw yung may chansang maano siya." Sabi nya

"Waahhh leada! Thank youuu!" Sabi ko.

"Hahaha, basta wag kang mag loloko at mwahahaha si Onyx naman gusto nya eh!" -____- ay.

"Ay ewan ko sayo, ge nyt leada." Sabi ko.

"Hahaha gege Nyt Devin-ah~." Napalingon naman ako sakanya,ngayon niya lang ako tawaging ganon ah.

"Mas gusto kita ngayon, nagiging masayahin ka na at isip bata at hindi masungit at snob, nag papacute pa hahaha, sige matulog ka na." Sabi nya.

"Sige Kuya White este Leada." Lumabas na ko ng kwarto ko at pumasok na sa kwarto namin ni Lulu.

"Lulu Hyung~ kamusta kayo ni Ariana?" Tanong ko habang nasa kama na kami pareho.

"Slow din siya eh." Natatawang sabi nya.

"Ahahaha sige tutulog na ko at gigising pa ko ng 2 AM para mapuntahan si Lois." Sabi ko. "Nyt Hyung."

"Nyt Devin~ah." Si Lulu lang naman ang tinatawag kong Hyung tapos si Leada lang ang minsan kong natatawag na kuya,yung iba kahit mas matanda sakin, first name pa din sinasabi ko, ako bunso saming EXO e, pero mag kakasunod lang naman mga bday namin kaya hindi na ko nag kukuya.

Sadyang pinakakaclose ko lang si Lulu tapos leader si Leada kaya ganon.

Ge tutulog na ko at pupuntahan ko pa si Pagong maya maya.

-----

Lois*

Hindi ko na sinabi na si Kuya Onyx nag sabi sakin na hindi nga panaginip yon, kasi mukhang malalagot si Kuya Onyx e hehe.

At may sasabihin ako sainyo...crush ko si...

Kuya Onyx parin, kasi hindi naman porke umamin si Kuya Devin e crush ko na kagad din siya. Ano! mag pakabait muna siya ng mabuti para hindi maging malabo! Porke gwapo siya! Amp -_____-

Natulog na ko at maya maya naramdaman kong may tumabi sa kama ko at nakitulog din sa kama ko.

Binabantayan ba ko nito o nakikitulog lang? Ni hindi manlang nagsalita e. hininaan lang yung tugtog sa kama. -____-

Nga pala walang pasok bukas, baka kasi nag tataka kayo, pero walang pasok bukas kaya dito padin ako natutulog. Sa Tuesday pa pasok.

Sige nyt.

Paggising ko.

"Morning"

"WAH! BAT HINDI KA PA UMAALIS?!" Sigaw ko sa katabi ko.

"Ah, gusto ko kasing makikain sana." Sabi nya na napapakamot ng ulo.

"Bakit sa dorm nyo ba wala?" Tanong ko na nakataas kilay.

"Ehhh sige na! Papagawa kita ng waffle shop." Sabi nya.

"Sige ba! Tara na kumain ng waffle!" At hinila ko siya sa baba at nag gawa ng dalawang waffle na laman lang ay normal na hotdog tapos may bacon.

"Pero," sabi nya habang nakain kami.

"Pero?" Tanong ko na nakataas kilay. Ulit.

"Papangalan natin Oh Aylo. Walang 's o mga shop shop o store, kasi gusto ko yan mismo pangalan, combination ng pangalan natin."

"ANO KAMO?!"

House of Magic Season 1 - HOM Season 2 ( Louis Academy )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon