HOM #14 - Claw.

633 3 1
                                    

Lois*

Wala na si Yoh..Habang hindi pa umaga, pinag lalaruan muna namin mga kapangyarihan namin. Ako pailaw ilaw lang, tapos si Kuya South pagawa gawa lang ng apoy, si Kuya Clohann pabasa basa lang ng kamay tapos si Effex nag papahangin lang.

---------------

Pag dating ng umaga, nag tayuan na kami at pinagpag mga pajama namin. "Ano, tara makikain muna?" tanong ko.

"Ay onga, tara." at pumasok kami sa pinto na may magic wand.

Pag pasok namin, ganun pa din naman itchura, nakita naming nakatayo lang ulit sa isang tabi yung kausap namin kahapon na babae at lalaki. Na parang hinihintay ang pag dating namin.

"Ehem." pag ubong kunwari ni Effex para mapansin kami, napaharap naman kagad yung dalawa na parang naiinip tapos nawala na din.

"Buti naman at nakabalik kayo, tara na at kumain" pag yaya sakanila nung babae at binuksan na ulit nung lalaki yung lupa at bumaba na ulit sila, pero ngayon wala nang gaanong tao pero maraming pagkain, siguro kasi maaga pa.

Umupo na kami sa mahabang lamesa at kumain. Habang kumakain kami may naririnig akong parang kaboses nina Jo...pero imposible, patay na sila eh.

Pero nakikinig pa din ako, hindi ko naman ugali makinig pero sadyang rinig na rinig ko mga boses nila, siguro kasi nasa likod ko yung mga kaboses.

"Oh pre, tapos ano ginawa mo?" Tanong ni Boses number 1

"Wala, nagulat din ako eh! Akala ko talaga grabe." sabi ni Boses number 2

"Tindi nga nung mukha mo nung nakita mo kame eh! BWAHAHAHA! Para kang manganganak!" sabi ni Boses number 3

"Eh sa nakakagulat eh!" sabi nung isang boses, aba malay ko na rumble rumble na sa utak ko eh!

-------------------

House of Magic Season 1 - HOM Season 2 ( Louis Academy )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon