LA #1 - Introduction, nakanang gumaganon ulit xD

738 6 5
                                    

Lois*

"Good morning Aylo." sabi sakin ng karoomate ko na si Ariana. Siya lang kaibigan ko, nag tataka nga ako e, pero dahil nga naman ka room mate ko siya nakipag kaibigan na din ako kahit hindi ko ugali makipag kaibigan.

Kasi pansin ko, simula nung nawala mga kaibigan ko, talagang hindi pala ako lapitin, kasi nagiging lapitin lang naman ako kapag kasama ko sila. Kaya parang wala lang pala ako, normal lang din, pero buti nalang naging kaibigan ko tong si Ariana para kahit papano may isa akong kaibigan.

Ang pangalan niya ay Ariana Grande. "Good morning din Ariana." sabi ko at nginitian siya tapos tumayo na at inayos ang kama ko.

"Ikaw na unang maligo." Sabi ko, salo lang din kasi kami sa banyo eh.

"Ako na talaga! Ikaw kasi kabagal mong maligo!" sabi niya habang kinukuha twalya niya at mga gamit pang ligo.

"Wahahaha, gagawa na ko ng waffles ah! ilan gusto mo?" tanong ko.

"Ayoko na ng waffles! Sawang sawa na ko! Ikaw nalang!" Sabi niya pa sigaw niya sa cr. "Cereals nalang ako!" sabi niya.

At dahil ang normal na routine namin ay habang siya naliligo ako naman nag hahanda ng makakain namin, may waffle maker kami dito sa maliit naming kusina e, kumuha ako ng gatas at cereals at bowl at spoon. Pero hindi ko muna nilagyan ng gatas kasi baka lumambot.

Habang kumakain ako ng waffle si Ariana nag bibihis na, bihira lang kami mag kasabay ng bfast kasi may kanya kanya kaming dapat gawin mehehe.

Pag tapos niya sa cr, lumabas na siya, kakatapos ko lang kumain nun, kumain na siya at nag pasalamat sa pag hahanda ko tapos naligo na ko.

Pag labas ko ng banyo, wala na siya, sabi ko kasi mauna na siya sakin sa school, kasi palagi nga akong mabagal. Nag bihis na ko at tumapat sa salamin at nag polbo. at nag ayos ng uniporme at buhok. ang uniporme ng day class ay dark blue. Mahilig kasi yung author nito sa dark blue kaya pag bigyan na! Tapos sa night class kulay puti. Arte e no? Paiba iba pa -_________-

Nung ayos na ko, kinuha ko na bag ko at lumabas na ng dorm, ang dorm namin puro day class students lang, tapos kung ano ang nakita niyo sa kwarto namin ni Ariana yun din kanila, pareho lang lahat ng mga gamit.

pag ka labas mo ng dormitory, nasa harap mo na ang school pero may nakaharang na parang park, tambayan kapag walang magawa, tapos sa kabilang side ng school don naman yung dormitory ng mga Night Class. 

Nag lakad na ko, hmmm medyo maaga pa pala kaya medyo may tao pa sa park, e ako naman e invi lang sakanila kaya bahala na kung ano man. XD August na nga pala ngayon, nag simula ang klase nung June. at... *yawn* antok pa ko -__________-

PANO! Yung isang tiga bantay sa gabi e kesyo nag kasakit daw ganon, kaya ayun ako pumalit! Tae e, imbis na ang pag babantay ko lang ay after school hanggang hating gabi, nadagdagan hanggang 3 AM, mga pahirap! Poncio!

Ay nasabi ko na ba na tiga bantay din ako? Kasi sabi nung Vice Principal na principal na ngayon ng school na to kulang daw yung mga tigabantay na Day Class at dahil magaling na ko sa self deffense edi ayun dinagdag ako. 12 kami sa day class tapos 12 din sa night class e dahil nga nag kasakit yung isa aba ako pumalit -_____________- kaya eto puyat

At dahil antok pa nga ako, hindi nawala ang antok ko sa pag ligo e, nawala nung nakain ako ng waffle pero para sa recess ko tong baon ko!! Bat kasi isa lang nagawa kong extra, buhuhuhu. T_________T

"WAH!" sabi ko nung bigla nalang akong may nakabangga. Muntik ko ng murahin pero pag tingala ko si White. OMY. Putek buti hindi ko namura.

"W-Wah, K-Kuya White este! M-Master White! Sorry po!" sabi ko sabay bow, siya kasi yung nag turo sakin ng self deffense, at oo isa siya sa guardians pero tuwing gabi kaya nga nag tataka ako, anong ginagawa nito dito?

House of Magic Season 1 - HOM Season 2 ( Louis Academy )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon