LA #25 - Hmmm

470 5 3
                                    

Devin*

"Alam ko na kung nasan siya." Sabi samin ni Cannon.

"O asan?" Tanong ko. Gabing gabi na andito kami sa agency at hinahanap siya.

"Dun sa hide out na sinasabi ni Luke." Nasapo ko noo ko, bat sa dinami dami ng lugar don pa?

"Ano ano nakita mo dun?" Tanong ni Leada kay Cannon.

"Maraming SS tapos may mga magagandang anyo at sobrang papanget."

"Tara kay Luke." Sabi ni Leada, sumunod kami at pumasok sa kulungan ni Luke.

"Luke!" Ayun mabuti gising,grabe gabing gabi na ah?

"O?" Tanong nya.

"Si Lois nakidnap,andon siya ngayon sa hide out nyo, tapos may nakita daw siyang mga panget at magaganda." Sabi ko. Habang nakaturo kay Cannon.

"Ahh yung magaganda yun yung mga demonyo, yung mga panget yun yung mga reaper." Sabi nya

"Pano sila talunin?" Tanong ni Snow.

"Kaya nyo silang talunin gamit ang mga kapangyarihan nyo,ang inaano ko lang ay yung bilang nila,"

"Ahhh, edi sa tingin mo pwede na ba kami makapunta dun?" Tanong ni Xember

"Hinde,at paniguradong taob kayo,kasi may mga kapangyarihan din sila tulad nyo tapos marami din sila."

"E pano na si Lois?!" Sabay na sigaw namin nina Onyx at Twix, teka?!

"Shhh ganto ganto, kung lokohin ko kaya sila na babalik na ko..pero kukuhanin ko sakanila si Lois?" Sabi nya

At dahil yun lang nga ang paraan..."sige" sabi ni Leada. "Ngayon na pumunta ka na ngayon." Utos ni Leada

"Palabasin niyo kaya muna ko no?" Natatawang sabi ni Luke.

Pinindot ni Leada yung button at nakalabas na si Luke."o kukuhanin ko lang siya tapos babalik na kami." Tumango kami at nawala na siya ay naging lamok pala.

-------

"Kasama ko na siya." At nasa harapan na namin si Luke at Lois. "Hindi siya nag sasalita, trauma siguro."patuloy ni Luke at hinayaang mag lakad papunta samin si Lois.

Niyakap naman agad ni Leada si Lois at Niyakap din ni Ariana, edi ehe niyakap ko na din -/////-

"Let's get you inside." Sabi ni Leada at pinasok na si Lois tapos pinag gawan ng hot choco.

Grabe umaga na,linggo. Medyo natagalan si Luke e pero pasalamat na din kami at nabalik na si Lois.

"Pag okay ka na mag tetraining na tayo ah?" Sabi ni Leada, tumango lang siya at nag kanya kanya na silang ano pero ako tinititigan lang siya,tapos ngumiti siya sakin

May mali dito.

--------

Lois*

Pag gising ko nasa isa akong kwarto na maayos naman tapos may katabi ako.

Gumawa ako ng ilaw napakadilim kaya. Tapos nakita ko yung kidnapper ko pala katabi ko aba langya.

"Wag ka ngang mag pailaw,nakakasilaw," sabi nya

"Edi sana hindi mo ko dinala dito kung ayaw mo ng ilaw." Sabi ko -____- aba kung mamamatay na rin lang ako dito, sagut sagutin na ng masama si kuya.

"Manahimik ka, gusto kong matulog." Sabi nya, ah gabi nga pala.

"Edi sana kinidnap mo ko pag may araw na para tapos kana matulog." Sabi ko

"Aish! Bakit ba sakin kapa pinakidnap?! Napadaldal mo!" Sabi nya

"Edi sana hindi ka pumayag na kidnapin ako." Sabi ko nagulat nalang ako nakasandal na ko sa dingding tapos sinasakal nya ko,

"Manahimik ka nga" sabi nya na halatang naiinis na.

"Ona, matulog ka na." At bigla akong parang nahulog tapos nag shoot sa kama, so kisame pala yung nasandalan ko? Woah.

At narinig ko nalang siyang humihilik. Edi lumabas ako ng kwarto at nag gala gala muna, parang nasa isa akong lugar na basurahan na ewan magulo.

Tapos nakakarinig ako ng bulungan.

"Yan pala ang pinakidnap ni Pinuno." Sabi nung isa, tapos paulit ulit lang yung sinasabi nila, mga sirang plaka e, ngayon hmmmm pano ako makakatakas?

At mukhang imposible akong makatakas, kasi pag liko ko sa mahabang corridor, parang may pyesta ng mga SS tapos may napakapapanget na ano at magaganda, Alin kaya dyan mga demonyo at reaper?

At bakit nila ako kinidnap?!?!?!?!?

"Oy dadating na si Pinuno!" Sabi nung isa.

"Ahh oo yun nga pala sunod sa plano...ahhh..kikidnapin siya,.tapos dadating siya na mag papaka super hero tapos mag uuwi ng isang kakambal yap yap." Sabi nung isa ano daw?

At bigla nalang nag agusan sa utak ko ang mga kung ano anong pangyayari. Sabay nginig, ngatal, kaba-----

------

Uso bang mahimatay?! Anak naman ng tokwa! At andito na naman ako sa higaan -_____-

Hayy ano kaya ginagawa nila?

-----

Devin*

Sabado na ulit ngayon pero hindi siya nag sasalita at napasok. may mali talaga e.

"Oy pagong bat himala parang ang galing mo ngayon?" Tanong ko sakanya

Hindi siya sumagot.

Tsss tama nga kaya hinala ko? Matesting nga. Imposibleng hindi siya mag rereact.

"Pagong mahal ka ng habagat na to." Sabi ko.

.

.

.

Wala siyang suot na singsing...hindi sumagot...at omyfckinggawd. Wig...may wig...may lumipad na balat...teka nag pahangin lang ako bat ganto na?!

At naging SS siya. "Fck!" At wala nang sabi sabing pinatay ko siya.

"Luke!!!!" Malakas kong sigaw at sinugod siya sa kulungan nya.

"Bobo! Naloko ka! Hindi si Lois nakuha mo! Isang...yak...SS!" Sabi ko,nanlaki naman mga mata nya.

"H-Hala, sorry pre, kasi pag dating ko dun nakita ko na siya kagad tapos hinila ko na siya..." Sabi nya.

"MALI NAHILA MO!"

"LEADA!!!!" Sigaw ko. Sapat na naman siguro pag tetraining namin.

"PUMUNTA NA TAYO SA HIDE OUT NILA!HINDI YON SI LOIS AT NAKAKULONG PA DIN SIYA DON!"

House of Magic Season 1 - HOM Season 2 ( Louis Academy )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon