Lois*
"Kuya." Paulit ulit kong bulong habang nakayakap sa huli at iisa ko nalang na kuya.
"Shhh." Pag tatahan sakin ni Kuya Clohann. pero sa totoo lang ramdam kong lumuluha din siya.
"Grabe yun, walang kakonek konek sa claw." Sabi ni Effex, kanina niya pa sinasabi yun. "Nawala tuloy ang pinakaleader namin." pag papatuloy niya, napangiti naman ako, si Kuya nga naman kasi ang pinakaboss kumbaga namin. Tapos ayun wala na siya. Porke siya pinakamabigat samin.
"Hayaan mo na." sabi ko habang kumakawala sa yakap ni Kuya Clohann, umiinit na eh, pinunasan ko na ng maigi mukha ko para wala nang basa basa at umupo ng ayos tapos si Kuya Clohann naman ang pinunasan ko ng mukha.
"Hayyy. Malapit na mag umaga." sabi niya nalang at pinalamig konti yung hangin, mainit nga naman kasi. Tapos ako nagawa ng ilaw para hindi kadiliman, tapos nakikiinom kami kay Kuya Clohann ng tubig.
-------------
Pag dating ng umaga, pumunta na kami sa pinto na may magic wand at nakikain ulit.
"Si Kuya South mo na ang namatay ngayon?" Tanong ni Ate Noona, siya yung babae eh.
"Opo." sagot ko at sumubo ng ice cream.
"Ahhh so anong pinto ang pipiliin niyo ngayon?" tanong ni Kuya Oppa, baliw nag pangalan sakanila eh, wala sigurong magawa sa buhay o kaya nalasing habang nasa ospital nung nireregister yung pangalan xD
"Yung napipitchit." sabi ko, yun yung napag usapan namin kanina e bago makapunta dito.
"Ahh nakakatuwa yun." Sabi ni Kuya Oppa na dahilan kung bakit kaming lahat napatingin sakanya, I mean kaming tatlo lang pala nina Effex.
"PO?" naguguluhang tanong ko, nanlaki naman bigla ang mata niya tapos parang mabubulunan na.
"Ay wala wala, nakakita lang ako ng sign board e ayun nakakatuwa." Pautal utal niyang sabi. Ay?
BINABASA MO ANG
House of Magic Season 1 - HOM Season 2 ( Louis Academy )
FantasyMakikiuso lang ho, madalas kasi dito sinasabi yung mga copy right ganun ganyan e hindi ako marunong nun, kaya wala nalang gagaya ha? or kukuha ng kung ano man dito. Wala tong kinalaman sa kung sino, kung ano at kung saan, lahat imahinasyon ko lang...