HOM #9 - Bangin.

723 10 6
                                    

LOIS*

Nagising kaming lahat dun sa may walong pinto. Alangan, san kami matutulog diba? Edi sa sahig -_____- nakaunan naman ako sa dalawa kong kuya kaya okay lang.

"Oh anong pinto gusto nyo?" Tanong ni Kuya South

"Teka para namang lahat na to e nakakatakot." Sabi ni Ate Yuna.

"Alin dyan pinakahindi nakakatakot?" Tanong naman ni Yoh.

"Siguro yung bangin na." Sabi ni Ate Yuna.

"Ano Kuya sa bangin na?" Tanong ko kay Kuya South.

"Hayyy. Oo mukhang yun na nga muna pinakamadali." Sagot nya at nag tanguan kami at pumasok na.

Pag pasok namin nasa dulo lang naman kami ng isang bangin tapos halos siksikan na kami pero nakakagalaw pa naman ng konti, parang yung kahapon lang, pero ngayon may bilog sa gitna namin.

"Kuya Hanhan, ano yun?" Sabay turo ko dun sa bilog na ewan

Kinuha nya at inikot ikot. "May nakasulat sa likod, nakalagay Play This Game. Only 8 of you will survive, and the loser will die."

(>人<;) ano ba yan, edi talagang araw araw may mababawas samin?

"Tss gawin nalang natin!" Naiinis na sabi ni Kuya Lay. Sumunod naman si Kuya Hanhan na may hawak nung bilog. Binuksan nya yung bilog at lumabas ang mga buttons tapos may arrow sa gitna. Parang paiikutin mo yung arrow tapos pag umano dun sa button ewan ko na.

"O teka pano na to?" Tanong ni Kuya Hanhan.

"Try mong paikutin yung arrow." Sabi ni Kuya South, sinunod naman ni Kuya Hanhan at umikot na yung arrow. Tumama dun sa isang button na kulay blue.

House of Magic Season 1 - HOM Season 2 ( Louis Academy )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon