Epilogue
"For the first time you enter everyone will return to their world, safe and alive, but on the second time only one shall return, the rest will stay but not die." Pag basa ko dun sa tabi ng pinto ng basement namin. Kaya naman pala hindi namin napansin natabunan ng alikabok -______-
Dumiretso akong cr at naligo, iniisip lahat ng nangyari sa sandaling yon, panigurado sa school mga dalawang araw lang kami nawala o isa, kaya nga, naalala niyo yung sabi nila na baka daw maging sunog na basurahan ang school dahil sa pag kawala namin? OA lang sila.
Pag tapos kong maligo nag suot ako ng uniform, panigurado naman may pasok ngayon, kumuha ng waffle sa ref at ininit sa microwave, baka kasi malate na ko, anong oras na ba...hmmm 7:30 AM at teka bat parang tatlong araw kami nawala? Grabe pabago bago hahaha! Malay ko baaa, ano baaaa, pwede ba wag akooo. Noon kasi sina kuya isang araw lang ba o dalawa? hindi ko na maalala e pero ang tagal daw nila sa loob, kung ano man! Basta ang importante hindi sila namatay at pwede pa kami mag kita sa pamamagitan ng cp! xD
Habang nag lalakad ako papuntang Louis Academy, iniisip ko kung pano ko kaya papasirain yung pinto papuntang World of Magic? Kapag kasi pinag sabi ko pa sa mga police o kung sino man, edi malalaman nila yung tungkol dun? E gusto ko secret lang. Pero pano kaya yung tv na pinanoodan ni Effex nung tungkol sa HOM? Hala? Yung sa gabing klase namin noon baka kasi nakakalimutan niyo na don nag simula ang lahat, nung kinwento samin ni Effex.
Kaya tumigil muna ako at tinawagan si Kuya South. "Kuya pano pala yung tv sa gabing klase namin na nakitaan ni Effex ng mga impormasyon tungkol sa HOM?" tanong ko.
"Ah yun, bago tayo non umalis nakwento niya na sakin yon kaya pinasira ko na yung tv na yon tutal ako naman principal kaya wag mo na alalahanin."
"Ahh sige sige babay kuya thanks." at binaba ko na at nag patuloy nang mag lakad.
Ehhh pano nga yung pintuan?! Edi wag ko nalang muna sirain no? Kapag matanda nalang ako, ako na, gigibain ko yun gamit ang.....kung susian ko nalang kaya ano?! Ang dami ko pang kaponciohan e, bahala na mamorblema ang titira sa bahay na yon kapag patay na ko....o kaya bago ako mamatay pagiba ko na yun! Onga ganun na lang.
Dumiretso ako sa office nung Vice Principal at sakanya ko na ieexplain lahat. Okay kaya mo yan Lois, umiyak ka muna para effective at pumasok na kagad ako.
"Mam mam!" *Habang umiiyak*
"Yes Lois?------Oh? Bakit ka umiiyak?" Sabay lapit niya sakin at pinaupo ako.
"Y-Yung dalawa ko pong kuya...tsaka po sina Effex, Yoh, Xyrix at Jo at Kuya Tam, Kuya Lay at Ate Yuna. P-Patay na po." sabi ko.
"HA?! Pano mo naman nalaman?!" Gulat niyang tanong.
"Nakita ko nalang po ang mga katawan nila na nasusunog sa isang tambakan ng basura tapos nung nag tawag po ko ng tulong abo nalang po sila." Sabi ko, omay mother father gentleman, san ko nakuha yon? XD
"Hala, e tingin mo sino may kagagawan nito?" tanong niya sakin
"Hindi ko po alam mam." sabi ko habang humihikbi.
"Tsk tsk tsk, sabi ko na nga ba dadating din tong araw na to." Nagulat naman ako sa sinabi niya
"Po?"
"Kasi ang katabi nating bansa, ang bawat school nila, palaging ganyan may namamatay na maramihan. Kaya ang plano ko, hatiin na lahat sa Day Class at Night Class, kung may klase ka man sa umaga at sa gabi, iibahin na para sa isang ano ka na lang mag kaklase, at lalagyan ko na lahat ng tiga bantay tong school, at lahat kayong mga estudyante dito na titira, papagawa ako ng dorms at higit sa lahat....ang mga bantay ay sina------" Bigla naman naputol ang sinasabi ni Mam na parang ibigsabihin niya bakit ko to sakanya kinukwento e secret lang to?
"Sina?" pag papatuloy ko
"Ay wala wala, sige Lois ako ng bahala sa lahat, pumunta ka na sa klase mo."
"okay po mam." hindi ko na inintindi ang mga pinag sasabi niya at pumunta na sa klase, wala akong pinansin muna.
--------------
Day Class. yun ang klase ko, wala nang Royal Bestfriends, Kahit kaibigan wala na din ako, ewan ko ba, kung bakit parang hindi na ako approachable ngayon, pero wala akong pake, okay na sakin ang nakakausap ang mga kaibigan ko at kapatid sa pamamagitan ng cp.
May bago nang Royal Bestfriends, sila na palaging incharge, kung dati ako at si Jo, wala na.
Tapos may lumipat saming 12 na guardians, na sila daw bahala sa mga Night Class at Day Class pero sa Night Class lang sila umaattend kasi may iba na silang inaasign sa pag poprotekta sa Day Class. Pero minsan makikita mo silang umaaligid.
Isang araw lumapit sakin ang Vice Principal na sinasabi itetrain daw ako ng mga martials arts lahat ng self deffense kasi yun daw ang bilin ni Kuya South sakanya kung sakali daw mawala siya.
Kaya nung isang gabi tinawagan ko si Kuya at kinwento na lahat, alam niya na naman yung mga plano ko at yung success na nagawa ng plano ko, pati yung acting ko nakwento ko na! mehehe, tapos tinanong ko sakanya yung tungkol sa self deffense thingy tapos sabi niya matagal niya ng pinaplano yon at buti naman daw at natupad na ngayon kaya araw araw may napuntang tiga turo sakin ng mga kung ano anong self deffense. Na isa pala sa mga guardian ng school kaya magaling.
At dahil parang palayo na tayo ng palayo....
Ang pinakatatandaan niyo lang ay...wag basta basta papasok sa isang pinto ha?
Babasahin muna lahat ng babala, kasi hindi mo alam kung ano ang nasa likod non.
---------------
AN- Grabe tung epilogue na to, nag pa ikot ikot pa, tapos ang sasabihin lang wag basta basta pumasok sa isang pinto xD I am sorry no mehehe :> Idudugtong ko nalang dito yung book 2 para masaya mehehe. Hindi ko na gagawan ng prologue yon, chapter 1 na kagad para mabilis niyahaha.
BINABASA MO ANG
House of Magic Season 1 - HOM Season 2 ( Louis Academy )
FantasyMakikiuso lang ho, madalas kasi dito sinasabi yung mga copy right ganun ganyan e hindi ako marunong nun, kaya wala nalang gagaya ha? or kukuha ng kung ano man dito. Wala tong kinalaman sa kung sino, kung ano at kung saan, lahat imahinasyon ko lang...