Lois*
Ano ginagawa ng bakulaw dito? Loljk, may respeto din naman ako kahit papano no. -_______-
"O? Panglan ko yun." Sabi niya at umupo lang sa sofa na katapat ng higaan ko. Gusto sanang tumawa sa sinabi niya kaso may mas importante pa dapat akong gawin este tanungin.
"Bakit po ko nandito?" syempre, po po din lols
"Nag kaanxiety attack ka daw na sobrang lala, kaya ayun, may sakit ka pala." Sabi niya sabay ayos ng buhok niyang maayos na. Sino ba pinopormahan nito? Baka yung doctor kanina o kaya yung nurse, tapos lalaki sila no? BWAHHAHAHAA.
"Ahhh, e pano ako napunta dito?" tanong ko nung naalala ko kung ano na nangyari sakin kanina, naalala ko kasi yung mga nang yari sa HOM noon. Pero nag tataka ako grabe kasi makareact ulo ko, dati naman malaya kong naiisip ang pinag daanan namin noon, adik utak ko, nakainom -___________-
"Ah, hmmmmm...k-kase...edi napadaan ako sa bahay mo kasi yung....aso ko kasi nag tatakbo edi hinabol ko...tapos ayun kami sa tapat ng bahay mo...at ahhhh...ayun narinig kita sa loob." Sumigaw ba ko? Ay ewan siguro, hindi ko na maalala e, malamang nga siguro na sumigaw ako, alangang yung pag bagsak nung mansanas yung narinig niya, katalas naman ng panrinig nito xD
"Ahh, ganun ba, thank you." sabi ko, kasi siya din naman ang nag dala sakin dito e, baka malay mo mamatay ako kung hinde, pero alam ko naman kapag may anxiety disorder hindi naman napakalala e, kinakabahan ka lang na na parang natatae tapos walang mahanap na cr xD
Tumango lang siya at tumingin na sa kung saan saan. Para namang may magandang makikita sa kwartong to -___________- makagala ng tingin e parang natingin mula sa mount pinatubo.\
"Kung mag papatayo ka ng shop ano gusto mong ibenta?" Hala? Ano to survey? Biglaang tanong ng ganyan e
"Uh, bakit papagawa mo ko?" sabi ko.
"Tingin mo?" mataray niyang sabi
"Waaahh papagawa mo nga ko! Akalain mo yon!" sabi ko at nag papalakpak na parang timang.
"Hindi kita ipapagawa -_________- o ano ibebenta mo kung sakali?" makulit din to no? Pano kung wala -____________- sige ibenta natin sahig at kisame ng tindahan naten.
"Hmmm gusto ko Waffle Shop na may Cup Cakes at Cookies na binebenta" sabi ko.
"Ahhhh, ano gusto mong ipangalan?" tanong nya
"Aylo's Treats." sabi ko. Bilis ko ba sumagot? Mehehe, syempre sumayad na din sa isip ko yan noon ^___________^ kaya nga kung mag kakatrabaho ako gusto ko maging chef nalang.
"Oh. Paniguradong luge ka." sabi niya tapos ngumisi.
"Kaya lang siguro ako naluge dahil ginayuma mo ang mga tao na wag kumain sa shop ko." sabi ko.
"Hindi ko na kailangan gayumahin mga yon, isang utos ko lang sa mga yon ni hindi na nila titingnan shop mo,." sabi niya, edi ikaw na gwapo kasi nagagawa mo yon -__________-
"Kung ano man. Kelan na ba ko pwede lumabas? Kalakas lakas ko tapos dinadala niyo ko dito." Sabi ko, sa totoo lang kasi malakas resistensya ko, hindi ako basta basta nag kakaubo at sipon, ohaaaa ako na talaga :>
"Ah, pwede na ngayon saglit didischarge na kita tapos kakaladkarin kita palabas." sabi niya,
Inirapan ko nalang siya at kung pwede lang gawing sobrang nakakapaso ng door knob ginawa ko na para umirit siya na parang bading bago lumabas -__________- at dahil hindi ko naman kaya yon kasi ang nagagawa ko lang naman ay kidlat at ilaw.....ay teka? Edi kuryentehin ko to? MWAHAHAHAHHAHAHAHA! Pag balik niya nalang nakalabas na e
BINABASA MO ANG
House of Magic Season 1 - HOM Season 2 ( Louis Academy )
FantasyMakikiuso lang ho, madalas kasi dito sinasabi yung mga copy right ganun ganyan e hindi ako marunong nun, kaya wala nalang gagaya ha? or kukuha ng kung ano man dito. Wala tong kinalaman sa kung sino, kung ano at kung saan, lahat imahinasyon ko lang...