8: Left Behind

844 17 3
                                    

Gareng's POV

Natapos ko na lahat ng drawing, at kahit alam ko na hindi naman sobrang ganda ng mga nagawa ko ay masaya pa din ako kasi gawa ko 'to e!

Apat na drawing ang ginawa ko, una ay kami ni Nanang na masayang magkahawak kamay. Hindi ko maiwasan hindi mapangiti kasi masaya naman talaga ako kapag kasama ko si Nanang. Hinawakan ko naman 'yung pangalawang drawing, kung kanina masaya ako ngayon naman bigla akong nalungkot. Si Tatang kasi ang nasa drawing. Sobrang miss ko na siya, maswerte ako kasi siya ang Tatang ko. Masipag, masayahin at mapagmahal si Tatang. Palagi niya kami pinapatawa, kaya sobrang lungkot ko ng mamatay si Tatang..


Bago pa ako maiyak ay hinawakan ko na ang pangatlong drawing, si Tebong naman ang kasama ko nakaupo kami sa tabing dagat, sa likod naman namin ay nandoon ang punong acacia. Miss ko na din si Tebong, pero dahil may pangako kami sa isa't isa ay hindi ako malulungkot.

At ang huling drawing ko naman ay kasama si Sir Pepper, nakakatawa kasi nakasimangot siya drawing ko. Ganyan naman talaga siya palagi, pero mabait 'yun. Masaya din ako na magkaibigan kami.. Magkaibigan? Bigla ko naalala 'yung sinabi sa akin ng batang maganda..


Dito kami dumiretso sa garden pero saglit pa lang kami ay bumalik muli si Sir Pepper sa loob, may nakalimutan daw itong kunin kaya eto ako ngayon kasama ang batang maganda. Nahihiya akong tumabi sa kanya kaya naupo ako sa may mga bato.

"Hey!" Napaigtad ako ng hamapasin niya ang balikat ko, hindi naman masakit nagulat lang kasi ako.

"Ba--bakit po?" Kinakabahan kong tanong ng magsalubong ang mata namin. Natatakot ako sa kanya.


"Stay away from Pepper!"


Hindi ko naintindihan ang sinabi niya kaya nagtanong ako.. "Bakit po?" Pero mali ata ang ginawa ko dahil mukhang nagalit siya..


"Bakit po? Yan lang ba ang alam mo sabihin? How cheap." Namaywang pa siya pagkatapos sabihin iyon at tinignan ako mula ulo hanggang paa.


Cheap daw ako. Pangalawang beses na niya iyon sinabi sa akin, hindi naman ako magaling sa english. Kay Sir Pepper nga nahihirapin na ako umintindi tas dumagdag pa itong maganda na 'to. Ang hirap pala maging mayaman kailangan magaling mag English..


"Listen ugly and poor creature." Tumingin ako sa kanya ng muli siyang magsalita, "Layuan mo si Pepper. Ayokong dumating sa punto na pati ako e kailangan din makipagkaibigan sayo para lang mapasaya si Pepper. I don't like you. You're.. Uhggh! Gross!"


Gross? Baka Cross? Ano ba kasi sinasabi niya. Hindi ko naman siya inaano, saka maalam naman pala magtagalog nag english pa. Teka-- ugly? Poor? Yun ang tingin niya sa akin. Sabagay.. Totoo naman.

Kung ikukumpara sa kanya wala naman talaga ako ibubuga e. Maganda at maputi siya, mahaba din ang alun-alon niyang buhok na may ribbon, tapos maganda din ang suot niyang bulaklakin na dress na tinernuhan ng puting sapatos.. Prinsesa, yan ang tingin ko sa kanya.

Samantalang ako.. Payat at maitim, wala naman magagawa mainit sa isla e. Ang damit ko pinaglumaan lang ng kapitbahay at kupas pa. Nakasuot lang din ako ng gomang tsinelas na mas malaki sa akin, sabi kasi ni Nanang maganda na daw ang malaki para kung humaba man ang paa ko kakasya pa din. Mahaba din naman ang itim na itim kong buhok 'yun nga lang panay patay ang buhok ko. Di ko nga alam kung may kuto pa ako, kaso may nakuha kasi akong isa kagabi..

Sugar coated Pepper (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon