2 months later..
Sugar's POV
"Nandito na ako Nay." Pasalampak akong humiga sa kama namin. Nakakapagod, halos dalawang buwan na akong nagtatrabaho sa PepperMint Cafè at sobra kong naeenjoy ang bawat araw doon. Hindi kasama doon ang pagbuntot lagi sa akin ni Salt ha?
Mula kasi nung ipinangalandakan niya na liligawan niya ako ay hindi na talaga siya lumayo sa akin. Akala ko joke lang pero tunay pala. Pagkagising pa lang namin noon pinagsibihan na niya ako. Nakakahiya nga kasi panay ang kantiyaw nila Taroy sa akin. Idagdag pa na sobrang sakit ng ulo ko nun. Dala siguro ng nainom ko na alak.
"Mukhang pagod na pagod ka ah.."
"Medyo po. Marami kasing tao lagi, kaya talagang todo kayod kami."
Mula ng mawala na talaga si Chef Liza ako na ang gumawa ng tungkulin niya, nakakapanibago nga pero masaya naman. At sa isang linggo si Chef Abel naman ang aalis, kailangan niya kasing mas bantayan si Chef Liza dahil maselan ang pagbubuntis nito. Dapat nga nung isang buwan pa nagresign si Chef e. Kaya lang wala si Sir Pepper kaya hindi siya makaalis. Simula kasi nung pagkatapos ng despedida ay hindi na namin nakita si Sir Pepper. Nasa ibang bansa daw ito at may inaayos para sa negosyo.
"Kamusta na pakiramdam mo Nay?" Tanong ko, kasi hindi ko na naiintindi si Nanay gawa ng trabaho.
"Mabuti naman ako. Sarili mo ang intindihin mo anak.. Baka magkasakit kana dahil sa sobrang pagod."
"Ako? Mapapagod? Naku! Malabo 'yun Nay. Kita mo 'to?" Pinakita ko sa kanya 'yung kunwaring muscle ko, natawa tuloy siya na nagpadurog sa puso ko. "Hindi ako mapapagod Nay, para sayo hindi ako mapapagod."
Masaya ako na nakikita kong masaya si Nanay kaya lang hindi ko din maiwasan masaktan kasi alam ko na malapit na siyang kunin sa amin. Kahit yata ilang ulit sabihin sa akin na talagang ganoon ang kapalaran ng tao hindi ko pa din matatanggap 'yon. Bakit kasi kailangan niya pang mawala? Bakit hindi na lang 'yung mga walang kwentang tao diba?
"Salamat anak.. Kasi minahal mo ako ng higit sa tunay na ina."
Natigalgal ako sa sinabi niya, "Nay! Ano bang pinagsasabi mo? Ikaw ang Nanay ko. Ikaw nagpalaki sa akin, ako nga dapat magpasalamat sayo e." Agad na may namuong luha sa mga mata ko, masyado pading sensitive para sa akin ang topic na ito. "Inalagaan at minahal mo ako kahit hindi naman dapat. Utang ko sayo buhay ko, kung wala ka. Baka wala din ako sa kinatatayuan ko ngayon.. Salamat Nay, mahal na mahal po kita." Tuluyan ng bumuhos ang mga luha ko. Ang bigat pa din para sa akin ng mga pangyayari, hanggang ngayon hindi pa din naghihilom ang sugat ng kahapon.
"Mabuti kang tao Sugar, kahit sino mamahalin ka talaga.."
Niyakap ko si Nanay, hindi ko na kasi mapigilan ang luha ko. Natatakot kasi ako na mawala ang nag iisang tao na nagmahal sa akin. "Natatakot ako Nay.."
"Natatakot saan?"
"Natatakot akong mawala ka.. Pag nawala ka, wala nang magmamahal sa akin." Umiiyak pa din na saad ko, pero agad naman pinahid ni Nanay ang mga luha ko at kinulong ang mukha ko sa kanyang palad.
"Anak.. Mawawala ako sa ayaw at sa gusto mo. Pero sana wag mo isipin na wala ng magmamahal sayo..' Garalgal na din ang boses niya tanda na kahit anong oras ay bubuhos na din ang pinipigilang damdamin."mabuti kang tao, hindi ka mahirap mahalin. Alam ko, maraming gusto magmahal sayo. Wag mong isarado ang puso mo anak.. Dadating ang panahon kakailanganin mo din ng makakatuwang sa buhay. Gusto ko maging masaya ka pagdating ng panahon na iyon."
BINABASA MO ANG
Sugar coated Pepper (Completed)
RomanceHow can something sweet like Sugar can turn out to be something bitter and full of spice. Mababalik pa kaya ang sweetness?