54: Happy

607 15 0
                                    

Sugar's POV


Wala pa din tigil sa pagbuhos ang luha ko. Kung alam ko lang ganito ang mangyayari, hindi na sana ako tumakbo noon. Sana hinarap ko na si Nanang.. Pero hindi na 'yon mahalaga, basta ang importante magkasama kami ngayon ni Nanang..



"Wala nang makakapaghiwalay sa atin anak.. Wala na.."




"Opo Nanang.." Mas isinubosob ko pa sa kanya ang mukha ko, tama siya.. Wala ng makakapaghiwalay sa amin, ito na ang simula ng pagbabago ng mga buhay namin.



"Ladies, we know how much you missed each other. But could you please sit down first?"



Kumalas si Nanang ng yakap sa akin at hinarap ang nagsalita. Hindi ko siya kilala sa pangalan pero parang alam ko kung sino siya..




"Sorry Bernard. Also Perry and Damien. You know how much i longed for this moment, i can't help it!" Namangha ako sa galing mag english ni Nanang.. Daig pa ako! "Look at my daughter napakaganda!"


Nag init ang mukha ko sa sinabi ni Nanang.. Hindi naman kasi ako sanay na pinupuri sa harap ng maraming tao. Saka nasanay ako na panget ang tingin ng mga tao sa akin..




"I agree to that, Sugar is really beautiful." Dumagdag pa 'tong si Pepper, nako naman talaga!




"May gusto lang akong malaman ngayon.." Naupo na kami ni Nanang, pero hawak pa din niya ako sa kamay. Parang mawawala na naman ako 'yun siguro ang pakiramdam niya.




"What is it Cecilia?" Tanong ni Mommy Perry.




"Anak.. Bakit ka nawala? Anong nangyari sayo?"



Napabuntung hininga ako sa tanong na iyon. Kami lang ni Nanay Carlotta ang nakakaalam ng nangyari, dahil hirap na hirap akong ungkatin ang pangyayari na 'yon. Maging kay Pepper hindi ko din masabi. Pero mukhang kailangan na talaga..



"Iniwan ako ni... Ni ate Sally sa palengke."




"What?!" Napatingin ako ng sumigaw si Mommy Perry. Kita ko naman ang pagkagulat sa mukha ni Daddy Damien at uncle Bernard, maging si Pepper ay natigilan din. Samantalang si Nanang ay seryoso lamang.




"Halos isang linggo po akong nagpalaboy noon." Napangiti ako ng mapait dahil sa alaalang iyon."isang linggo na puno ng takot at pangamba. Walang tigil  sa pag iyak habang umaasa na baka isa sa inyo ang makakita sa akin pero.. Wa--walang naghanap sa akin.." Napahagulgol na naman ako dahil doon. Parang kahapon lang nangyari ang lahat, ramdam ko pa din ang sakit..





"Sugar, that's not true. God knows kung gaano kami nagpursigi para mahanap kayo ng Nanang mo.." Ngumiti ako sa naluluha ng si Mommy Perry.




"Alam ko.. pero hindi niyo maaalis sa akin ang masaktan noon. Bata lang ako, iniwan. Nawalan ng Nanay.." Tumingin ako kay Nanang habang puno ng luha ang mga mata. "Inabandona ako sa hindi ko alam na dahilan. Dinanas ko lahat, ang magutom.. Magmakaawa para lang sa tulong ng iba. Nung iniwan ako ni Ate Sally, pinagkaitan na niya akong  maging masaya at magkaroon ng pamilya.."




Napangiti ako ng maalala si Nanay."pero sa kabila ng lahat alam ko na napakabuti ng diyos. Sa hindi inaasahang pagkakataon binigyan niya ako ng isang taong magpupuno sa mga sakit at hirap na pinagdaanan ko." Nababaliw na yata ako, sobrang bilis ko magpalit ng emosyon. Naiiyak na naman ako ngayon."binigay niya sa akin si Nanay Carlotta, minahal ako ni Nanay na higit sa tunay na anak.. Pero--kinuha din siya sa akin. Nam--namatay si Nanay."


Sugar coated Pepper (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon