58: Gatecrasher

674 15 0
                                    

Sugar's POV




"Saan niyo balak magpakasal? Madaliin na natin gusto ko na magkaapo!" Napalunok na lang ako sa sinabi ni Nanang, akala ko hindi siya papayag ng malaman niyang magpapakasal kami ni Pepper pero, halos magtatalon sila sa tuwa ni Mommy Perry kanina at ayan nga apo agad ang naiisip. Hay nako!

  


"I agree with Cecilia, gusto ko na din magkaapo. Kaya magpapakasal na kayo nextweek! Tapos saan niyo gustong maghoneymoon?"



Kung kay Nanang napalunok lang ako kay Mommy Perry halos mapatakbo na ako sa takot, nextweek?! Nagbibiro ba sila saka.. Honeymoon? Kung alam lang nila, nauna na ang Honeymoon pero syempre hindi pwedeng sabihin baka mamaya bukas na agad kami ipakasal! Jusko naman ayoko ng madalian!




"Mom.. Tita Cecilia, we need to prepare. Aside from that why not ask Sugar first, baka masyado na siyang nabibilisan sa mga pangyayari. Right sweetie?"




Imbis na suklian ang matamis na ngiti ni Pepper ay binigyan ko siya ng pamatay kong pag irap. Ewan, gwapo naman siya pero naiinis ako sa mukha niya, hanggang ngayon kasi naaalala ko pa ang pambabalewala niya sa akin kanina. Idagdag pa ang pressure dahil sa sinasabi ng mga nanay namin, kakainis!"Baka po pwedeng next month na lang? Mahirap din po kasi 'yung biglaan. Mas maganda po kung mapaghahandaan talaga natin ng maayos." Nananantiya akong tumingin kay Nanang at Mommy Perry, ang mga Tatay naman kasi namin ay tahimik lang na nakikinig. Ayaw din siguro makidagdag pa sa kaguluhan ng mga asawa nila.




"But-- mabilis lang naman natin magagawa ang preparation Sugar, i can contact all my friends to help us." Maganda sana ang ideya ni Mommy Perry pero.. Ayoko talaga ng madalian.




"I agree with Sugar."




"So do i." Nakahinga ako ng maluwag dahil nakisali na sila Daddy Damien at Daddy Bernard,hindi ko na kasi alam kung paano pasusubalian ang sinabi ni Mommy Perry. Ayoko namang isipin nila na parang hindi ko gusto magpakasal, baka sumama pa ang loob nila pati ni Pepper."Wag natin silang madaliin, let's just be thankful for now dahil sinabi nila sa atin ang tungkol dito. Let them decide, when and where they want to get married. I believe naman na hindi nila tayo paghihintayin ng matagal. Right Pepper?"




"Yes Uncle Bernard." Tinaasan ko lang ng kilay si Pepper, pumayag ako magpakasal sa kanya pero hindi ibig sabihin noon ay kinalimutan ko na ang pambabalewala niya kanina. Tignan lang natin, napangisi ako sa naiisip ko.




"Uh.. Pwede po ba kaming mag usap sandali?" Nginitian ko silang lahat samantala si Pepper naman ay mababakas ang pagtataka sa mukha.




"Sure, go ahead. Maghahanda lang kami ng meryenda." Nauna na akong tumayo at nagderetso sa labas, ramdam ko naman na tahimik lang nakasunod sa akin si Pepper.



Pagkarating sa garden ay agad akong napangiti  ng makita ang swing nila,"nandito pa pala 'to.." Mahina kong usal habang dahan-dahan na naupo sa swing, marami din kasi akong alaala dito. Medyo nagbago din kasi ang interior ng buong mansion nila,hindi ko makita ang mansion na tinirhan namin noon. Bukod tanging itong swing lang ang makakapagsabi na minsan ay tumira ako dito..




"It's my favorite spot. Also it reminds me of my childhood kaya hindi ito pinabago nila Mommy.."
 




"Ah.." Napatango na lang ako sa sinabi ni Pepper, childhood.. Masaya sana ang childhood ko kaya lang may nang-- ays! Ayokong isipin pa ang masalimuot na pangyayari na 'yon. Baka masira lang lalo ang araw ko."Siya nga pala ikaw bak--"




Sugar coated Pepper (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon