Sugar's POV
Matapos kong makipag usap kay Salt ay pumasok na ako para hanapin ang kambal.Kinakabahan ako.. Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanila ang totoo, bata pa din ang mga anak ko. Ayokong sumama ang loob nila sa akin, pero.. Hay! Panginoon patnubayan mo po ako.
Pagpasok ko sa loob ng bahay ay nakita ko si Cream at Cookie na magkatabi sa sofa, may pinag uusapan sila. At base sa nakikita kong reaksyon ng kambal ay mukhang seryoso 'yon kaya dahan-dahan akong lumapit para pakinggan ang usapan nila..
"Why are you mad?" tanong ni Cookie sa nakabusangot na si Cream.
"I felt guilty.." - Cream
"Why?" -Cookie
"About my attitude. It's just.. Hays! You won't understand Cookie." halata sa mukha ni Cream ang frustration, naaawa ako na natatawa dahil hindi mo iisiping four years old lang sila dahil sa mga pag uugali.
"Is it about.. Da--err.. Uncle Salt?" napakunot noo ako sa sinabi ni Cookie, Dad kasi ang tawag niya kay Salt pero ngayon Uncle na ulit. Parang ako ata ang napufrustrate sa kanila..
"No." seryosong sagot ni Cream. Saan ba pupunta ang usapan nila..
"Then.. It's about our Dad." nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi ni Cookie, may alam din ba siya?
"You knew?!" gulat na napatingin si Cream kay Cookie, ibig sabihin wala siyang sinasabi pero.. Paano nalaman ni Cookie?!
Gulong-gulo na ako kaya lumapit na ako sa kanila,"Kids.. Mama wants to tell you something, is it okay?"hindi sila umimik at pareho lang nakatingin sa akin kaya sinamantala ko na, lumuhod ako sa harap nila at nagsalita,"galit ba kayo kay Mama?"
"No we're not." nakangiting sagot ni Cookie kaya nginitian ko siya, pero ng bumaling ako kay Cream ay nakatungo lang siya.
"E ikaw Cream.. Galit ka ba kay Mama?" nalulungkot ako, ayokong magkaroon kami ng gap. Kaya hangga't maaari ay gusto kong maayos agad ito.
"No." sagot niya na hindi pa din tumitingin sa akin.
"Hindi.. E tampo ka ba kay Mama?" hindi naman nila magagawang magalit, siya na din ang may sabi na maiintindihan niya ako.
"A bit. But--" nakabusangot na tumingin siya sa akin,"Why'd you have to do that?"
BINABASA MO ANG
Sugar coated Pepper (Completed)
RomanceHow can something sweet like Sugar can turn out to be something bitter and full of spice. Mababalik pa kaya ang sweetness?