31: Untitled

725 12 0
                                    

Cecilia's POV


"...pero hindi pa din kita mapapatawad hangga't hindi ko nakikita ang anak ko." After saying my last words i hurriedly went out of their mansion trying to avoid the tension.



Kung hindi ako kaagad umalis ay baka napagsisihan ko ang ginawa ko. Dahil nakita ko sa mata ni Peregrine na totoo ang mga sinasabi niya. Nang makita ko ang babaeng kasama ni Sir Pepper ay naalala ko ang pagbabanta noon sa akin ni Eva de Asis, binalaan niya ako noon. Bukod don ay minsan ko siyang nakita na kausap si Sally.


Tama si Peregrine, si Sally lang ang makakasagot ng lahat.. Pero nasaan ka Sally?



"So you're back.."



Pasakay na ako sa kotse ng may magsalita sa likod ko. At ng makita kung sino ay hindi na ako nabigla. "Anong kailangan mo sa akin?"




"Nothing. I just heard na asawa mo na si Uncle Bernard.."



Pinakatitigan ko siya, lumaki siyang maganda kagaya ng tiyahin nito. Pero parehas lang din sila ng personalidad, puno ng kompyamsa sa sarili. "Paano mo nalaman?" Kakaunti lang ang nakakaalam na kinasal kami ni Bernard.
 



"Connections.. Now tell me, bakit ka bumalik?" Nakataas ang kilay na tanong niya, hindi ko naman maiwasang hindi makaramdam ng inis lalo na ng maalala kong nilait niya ang anak ko kanina.




"What is it to you? Kailangan ko pa bang magpaliwanag sayo? Sino ka ba.." Mataray ko din na sagot, kailangan niyang matutong gumalang sa nakakatanda.





"Very well said. Ang galing noh? In a snap! Napikot mo agad si Uncle Bernard. As expected sa mga mahihirap like you.."




Lumapit ako sa kanya at pinakatitigan siya sa mata.. "Hindi ko gusto ang pinupunto mo." Ngumisi ako para inisin siya, "kaya mo ba nasasabi 'yan kasi.. Hindi nakuha ng tita mo si Bernard? Nakakaawa naman pala kayo."




"What do you mean huh?!"




"Wala.. Naisip ko lang kasi, mana ka pala sa Tita mo. Kasi kahit anong gawin mo hinding hindi ka pa din magustuhan ng taong gusto mo.." Tumalikod na ako ng makitang bigla siyang natigilan, mukhang tama nga ako, dahil base sa nakita ko kanina. Walang pakialam sa kanya si Sir Pepper kagaya noon.



"How dare you say that!"




"I'll go ahead. Mas marami pa akong dapat asikasuhin kaysa mag ubos ng oras sa walang kwenta mong sentimyento." Huminto ako sa akmang pagsakay ng may maalala, "ikamusta mo ako kay Eva." Yun lang at sumakay na ako sa kotse, agad naman pinatakbo ng driver.



Sa rearview mirror ay kita ko pa din ang nakatayong si Honey. Malalaman ko din ang totoo, sa ngayon wala pa din akong balak makipag ayos sa mga Andrade. Pwera na lang kung una nilang mahanap si Sugar..


Nasaan ka na ba Anak?




****

Pepper's POV


I didn't expect na ganito madadatnan ko. My mom crying and Yaya Cecilia na halos 15 years nawala is here!

  

"Mom.. Ano bang nangyayari?"



Yaya Cecilia walked out of our house at nakakapagtaka dahil pati si Honey lumabas din. But i don't care, kaya ko lang naman siya kasama is because my sasabihin daw siya importante kay Mommy.





"She's looking for Sugar." Mom said while composing herself, she's not crying anymore pero halata pa din 'yun sa mata niya.



Sugar coated Pepper (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon