Sugar's POV
Pagkatapos ilibing ni Nanay dito agad ako pumunta. Sa lugar kung saan payapa akong makakapag isip kasama ang gitara. Si Nanay ang nagturo sa akin maggitara at kumanta, sa kamalasan talagang paggigitara lang ang natutunan ko..
Di ko maiwasan hindi mapangiti kapag naaalala ko kung paano ako pinapagalitan ni Nanay kapag di ko inaayos ang pagigitara.."Musika ang paraan para malaman ng tao ang nararamdaman mo. Kagaya ng puso, wag mo din paglaruan ang musika anak.. Parang pinaglaruan mo na din kasi ang nararamdaman mo at ng kapwa mo."
Yan ang laging sinasabi sa akin ni Nanay kapag nilalaro ko ang pagkanta at gitara. Kaya mula noon talagang minahal ko ang musika kagaya ng pagmamahal ko kay Nanay. Pero iilan lang ang nakakaalam, ayoko naman ipagmalaki dahil hindi naman ako ganoon kagaling.
Nagsimula na akong tumugtog at sabayan ang musika na unang pumasok sa isip ko..
** it's been a long day,
without you my friend..
And i'll tell you all about it
when i see you again..
we've come a long way,
from where we began
Oh, i tell you all about it
when i see you again,
when i see you again***Huminga ako ng malalim matapos ang kanta, naaalala ko pa din kasi si Nanay. Pero alam ko masaya na siya kung nasaan man siya ngayon. Tutugtog pa sana ako ng isa kaso natigilan ako ng may biglang sumulpot na ice cream sa harap ko..
"Anong.." Dahil sa pagtataka ay dahan-dahan kong tinignan ang taong may kapit noon.."Pepper?""Yeah, want some?" Nakangiti niyang alok sa akin habang kumakain din ng ice cream. "Hey ayaw mo ba?" I saw his worried face kaya agad ko ng kinuha ang inaalok niya at ngumiti.
"Salamat Pepper.." Maraming ibig sabihin ang Salamat ko para sa kanya, napakabuti kasi niyang tao..
"No worries, lakas mo sakin e."
Napangiti ako sa sinabi niya, "ikaw talaga. Pano mo nalaman na nandito ako?" Wala naman kasi ako pinagsabihan na pupunta ako dito sa Luneta.
"Uh-- instinct." Sagot niya habang kumakain pa din ng ice cream, nakakatawa kasi para siyang bata. "You're smiling.."Napalis ang ngiti ko dahil sa sinabi niya, nakakahiya nakita pala niya. "Uh-- salamat pala." Sabi ko para maiba ang usapan, bigla kasi akong nahiya..
"Kanina ka pa nagthank you. Uulitin ko, wala 'yon. Lakas mo sakin e.""Hehe." Napakamot sa batok kong sagot, wala na kasi ako masabi. Ang awkward lang talaga.
"I'm glad you finally smile. A genuine one."
Ngumiti ako sa kanya, hindi ko na ata alam kung ilang beses na akong ngumiti mula ng dumating siya dito.. "Wala na naman akong magagawa, ang mahalaga hindi na mahihirapan sa sakit si Nanay.."
"Now you're seeing things on it's brighter side huh?" Tumango ako sa kanya, yun naman ang dapat gawin diba? "Im proud of you.." He pat my head kaya natawa ako, gawin ba naman akong aso.
"Hindi ko din naman makakaya 'to kung wala ka. Salamat kasi hindi mo ako iniwan na mag isa.." Sincere ko na sagot, kasi hindi naman talaga siya umalis. Pwera na lang kanina na hindi siya nakapunta sa libing, naiintindihan ko naman kasi may buhay din siya na dapat unahin.
"Ikaw lang naman ang nang iiwan."
"Ano?!" Napatayo ako sa pagkagulat dahil sa sinabi niya. "Anong pinagsasabi mo? Hoy! Para sabihin ko sayo hindi ko ginusto na iwan ka non! Hinahanap kaya kita." Nahahapo akong naupo sa ulit sa bench. Pinagsasabi kasi nito.
BINABASA MO ANG
Sugar coated Pepper (Completed)
Roman d'amourHow can something sweet like Sugar can turn out to be something bitter and full of spice. Mababalik pa kaya ang sweetness?