Sugar's POV
"Goodmorning guys.." Nakangiti kong bati sa kanila, ang gaan kasi ng pakiramdam ko ngayon.
"Wow! Porke maagang umuwi masaya na?" Iniikutan ako ni Taroy, parang imbestigador lang? "Pero.. Parang may iba girl, parang.. Blooming ka!" Nanlalaki ang matang tinuro pa niya ako. Parang akusado lang ah?
"Ikaw talaga kung anu-ano na naman 'yang pinagsasabi mo? Porke nakangiti blooming agad? Hindi ba pwedeng.. Good vibes lang talaga?" Nakataas ang kilay na tanong ko. Pinipigilan kong matawa kasi napanganga si Taroy..
"Wag kang magpalusot! Nagdate kayo.. Nagdate kayo ni sir Salt!! Oh Em Gee!!" Napakunot-noo ako sa sinasabi niya.
"Pinagsasabi mo? Paano ako makikipagdate e may bisita 'yun kahapon." Totoo naman di ba? May bisita siya kahapon. 'Yung magandang babae.
"Aha! Jelly de Belen ang peg?"
"Jealous?" Nakakunot-noo kong tanong, "Why would I?"
"Hindi.. Hindi 'to pwede!" Okay! Hands up na ako sa pagiging OA ni Taroy. Kahit sila Chef Abel natatawa na din. "Bakit ka nag eenglish? Anong nakain mo?""Pfft! Hahahaha! Baliw ka talaga Taroy." Lumayo na ako sa kanila bago pa kung ano na naman masabi ni Taroy. Grabi kasi ang imagination, pero diko maiwasang hindi mapangiti dahil sa sinabi ko. Bakit nga ba ako nag english? Tsk! Nahawa ata ako kay Pepper..
"Hala! Hala! Iba na itooo.." Nakangiting humarap ako kay Taroy, samantalang siya naman ay nakataas ang kilay sa akin. Problema nito? "Kami nga wag mong pinagloloko Asukal ha?"
"Bakit ko naman kayo lolokohin?" Nagpipigil ng tawang tanong ko. Buti good mood ako, kung hindi nako! Nakatikim na 'tong si Taroy.
"Una, Good mood ka. Pangalawa! Nag english ka! And ang finale.. Ngumingiti kang mag isa!"
Napairap na lang ako, "ano naman? Ikaw talaga. Magtrabaho ka na lang, hindi kung anu-ano ang napapansin mo.."
"Tignan mo! Sungit mode ka bigla. Naku Asukal ka.. Malalaman ko din."
Pinagkibit-balikat ko na lang ang sinabi niya at nagsimula ng magtrabaho. Loka talaga, kung anu-ano napapansin. Hay.. Good mood ako, bawal masira 'yun!
"Chef Abel.. Favor naman daw sabi ni Ana."
"Ano 'yun?" Napalingon ako sa humahangos na si Jella, ang sinasabi niyang si Ana ay ang cashier namin.
"NagLBM siya, wala kasing papalit. Baka may pwede daw kahit saglit lang daw po."Kawawa naman, uso kasi LBM ngayon gawa ng panahon.
Wala pa naman mga amo namin ngayon kaya si Chef Abel muna ang in charge. Ewan kung bakit wala pa si Salt pati si Pepper wala pa din. Mga lalake talaga nako!
"Naku! Pano ba 'to. Hindi maalam sila Taroy at Anya e. Ikaw ba Jella ayaw mo?"
Nakikinig lang ako sa usapan nila,tapos na din naman ako sa niluluto ko. Wala pa naman pati bagong order. "E, Sir wala pa po 'yung kashift ko. Atsaka hindi din ako maalam magcashier." Napapakamot sa ulong sagot ni Jella.
Opening pa lang kasi kaya mamaya pa 'yung karelyebo niya. Saka hindi ko naman siya masisisi dahil mahirap talaga ang magcashier. Natry ko na dat-- oo nga pala! Maalam ako magcashier. "Chef! Ako nakapagcashier na dati.." Prisinta ko, baka kasi hindi na talaga kaya ni Ana. Kawawa naman di ba?
BINABASA MO ANG
Sugar coated Pepper (Completed)
RomanceHow can something sweet like Sugar can turn out to be something bitter and full of spice. Mababalik pa kaya ang sweetness?