48: Sulat

587 13 0
                                    

Sugar's POV


Hinahanap ko kung saan ko ba nailagay 'yung sulat ng may marinig akong tumutunog. "Ano 'yun?" Nagtatakang hinahanap ko din kung saan ba nagmumula ang tunog ng may bigla akong maalala, agad kong hinalungkat ang bag ko at tama nga cellphone ang natunog. Tinignan ko ang screen.



Calling Sugar coated Pepper..



'Yun ang nakasulat sa screen, bakit ganoon ang nakasulat? Tapos ang background ay picture ni Pepper na nakangiti. Maalam na naman ako sumagot ng tawag, naturuan na din kasi ako ni Pepper kanina kaya sinagot ko, "Hello?" Nakakunot noo kong tanong.
 


["Hello too.. Asukal ng buhay ko."]

   
  

Kilalang kilala ko kung sino ang nasa kabilang linya pero gusto ko pa din itanong para sigurado, "Pepper?"


 

 
["Ofcourse! May inaantay ka bang iba na tatawag?"]


Natawa ako kasi parang nagtatampo siya, "wala naman. Naninigurado lang, bakit ka nga pala tumawag?" Magkasama lang kami kanina tumawag agad siya. Baka naman mabilis na siyang manawa nito sa akin.


["Nothing. Namiss lang kita and also i want to tell you that i'm home.."]


Para siyang bata, minsan napapaisip na ako kung sino ba ang lalaki o babae sa aming dalawa. Mas madalas kasi siyang sweet at makulit kaysa sa akin. "Nasa bahay niyo ka na?" I'm home daw di ba.


["Nope. I'm here in my condo. Hassle kasi kung uuwi pa ako kila Mommy.."]


Mayaman talaga, may condo pala siya. "Ganoon ba, may itatanong nga pala ako.."



["Go ahead sweetie.."] Hay! Ang sweet talaga hindi ba siya nauumay?


"Bakit ang pangalan mo dito sa cellphone 'Sugar coated Pepper'? Anong ibig sabihin non?" Nakakapagtaka naman kasi di ba? Pepper lang ang pangalan niya bakit may dinagdag pa siya? Narinig kong tumawa siya sa kabilang linya kaya lalo akong nagtaka..


["I thought you wouldn't notice.."] Tinapos niya muna ang pagtawa bago nagsalita ulit, naiinip na kasi ako pabitin pa masyado! ["That simply means i am Pepper coated by you.."]


"Ha?" Lalo lang akong naguluhan sa sinabi niya, minsan naiisip ko sa sobrang talino ata ni Pepper nagiging wala ng kwenta ang sinasabi niya, "ano bang ibig mo sabihin? Di ko maintindihan."


["Paminta at asukal, imposibleng mapagsama. Parang tayo we're worlds apart but love do some magic trick for us to continue what we started.."] Unti-unti ko ng naiintindihan ang sinasabi niya pero hindi pa din ako umimik. ["Now, i am this Pepper na binalutan ng asukal, i became sweet but still with spice. You filled my world, my life with sweetness since we met . I am what i am right now because of you.. Remember how snob and harsh i am when we first met?"]

Sugar coated Pepper (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon