44: Asukal&Paminta

772 16 0
                                    

Sugar's POV


"LaLaLa.." Napapakanta ako habang nag aayos, hindi kasi mawala sa isip ko ang nangyari kagabi. Ang saya ko sobra! Lalo na pag naalala ko ang kakornihan ni Pepper,nakakatawa talaga kasi di ko akalain na masasabi niya ang mga 'yon.


Biruin mo ha, siya si Pepper James Andrade. Mayaman, mabait at kagaya nga ng sabi niya gwapo lang siya. "Pfft!." Nakakatawa talaga, at higit sa lahat nakakakilig.


Tinignan ko ang sarili ko sa salamin, mababakas ang saya sa mukha ko. Hindi ko akalain na pagkatapos ng pinagdaanan kong sakit ganoon nalang kadali 'yun naalis ni Pepper. Ang swerte ko talaga kasi ako ang minahal niya, hindi naman siguro masama kung sinagot ko agad siya di ba? Mahal ko naman e.. Bakit pahihirapan ko pa?



"Sugar! Nandiyan na sundo mo."



"Ah-- susunod na ako!" Nagrambulan na ang kung ano sa tiyan ko, pati puso ko nagtatalon na ata sa tuwa. May date kasi kami ngayon, nakakakaba talaga..


Sinuot ko na ang rubber shoes ko at pinasadahan ng kamay ang nakalugay kong buhok. Pede na siguro 'to. Huminga ako ng malalim bago lumabas, nakita ko naman siyang nakaupo at busy sa cellphone. Nagkaroon tuloy ako ng pagkakataon na titigan siya..


Nakasuot siya ng puting tshirt, maong pants at pulang rubber shoes. Ang simple pero malakas ang dating sa akin.. Ang buhok niya na parang sa bagong gising lang pero bakit parang mas gwapo tignan? Hay.. Inlove na nga ako..




"Hey.." Dahan-dahan siyang lumalapit sa akin habang nakangiti. Ang gwapo.. Kung totoo lang ang kasabihan na makalaglag panty baka 'yun na ang nangyari sa akin..



"Bakit ang gwapo mo?" Dreamy kong sinabi, totoo naman kasi..



"I don't know.. Ito lang ang meron ako e. Pasensya ka na ha.." Ngumisi siya kaya bigla akong natauhan. Nasabi ko ba 'yun? Nakakahiya! Baka isipin niya patay na patay ako sa kanya!



"Ah.. Ano--" natataranta ako ano bang dapat sabihin? "Alis na tayo. Dali." Hinila ko na siya palabas ng bahay, base kasi sa itsura ng ngiti niya mukhang may balak siya na asarin ako e.



"Pero gwapo ako?"



"Oo.. Ay hindi! Basta halika na sayang ang araw." Nakakahiya talaga! Kung pwede lang matunaw ginawa ko na jusko.



"So.."



"Magdrive ka na bilis.." Utos ko ng makasakay kami sa kotse niya, baka ungkatin na naman 'yung nasabi ko kanina. Ay nako!



"Okay. Defensive. Pfft."



Hindi na ako umimik hanggang sa magdrive na siya, hindi ko din alam kung saan kami pupunta basta ang sabi niya may date daw kami kasi Officialy in a relationship na kami. May tiwala naman ako sa kanya, alam ko na hindi siya gagawa ng ikapapahamak ko..
  


"Ah.. Siya nga pala hindi ko naman restday ngayon di ba?" Basag ko sa katahimikan. Hindi na din kasi siya umimik, at saka hindi ko naman talaga restday ngayon kasi wala akong restday!



"Pinagrestday kita.."



"Ha? Bakit mo ginawa 'yun?" Siya lang pala nag imbento ng restday ko. Kawawa naman sila Taroy, saka kakapasok ko pa lang restday agad.



"I want to be with you.. Besides baka nakakalimutan mo, i'm the boss."



"Haha. Oo nga pala.." Siya nga pala ang may ari ng cafè kaya magagawa niya kung ano ang naisin.



Sugar coated Pepper (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon