Sugar/Gary's POV
"Arrggh!" Sobrang sakit ng ulo ko paggising, nakatulog kasi ako ng walang kain. Hay.. Lumabas na ako para kumain at para makapagsimula na din maghanap ng trabaho, nakakapagtaka lang dahil hanggang ngayon ay wala pa din si Nanay. Saan kaya nagpunta 'yun?
Pinagsawalang bahala ko na lang dahil si tatay naman ang kasama niya. Sigurado naman na hindi niya pababayaan si nanay, basta kung nasaan man sila ngayon sana okay lang sila..
Matapos kong kumain ay naligo na ako at nagbihis dadaan muna ako kay Alice bago maghanap ng trabaho. Baka kasi may alam na siyang hiring edi hindi na ako mahihirapan maghanap di ba? Hindi ko din napansin si Claire baka kung saan na naman 'yun natulog.
*****
"Tao po!" Kanina pa ako tawag ng tawag dito sa tapat ng bahay nila Alice kaso walang sumasagot. Nasaan kaya ang bruha?
Aalis na sana ako ng may biglang tumawag sa akin. "Hoy Sugar!"
Leche! Lumingon ako para makita kung sinong tampalasan ang tumawag sakin at nakita ko ang mukhang bagong gising na si Alice. Magulo ang buhok at nakasuot ng malaking tshirt na panlalaki. Wag mo sabihing? "Bakit ganyan itsura mo ha?!"
"Pumasok ka na lang dito pwede?" Nagpalinga-linga pa siya sa paligid bago nagpatuloy, "Baka mamaya pagpyestahan na ang katawan ko pag lumabas ako. Dali!"
Dala na din ng kuryosidad kaya agad akong pumasok sa bahay nila. Bakit ba kasi ganoon ang itsura niya? Parang ano.. Parang.. Hay! Wag naman sana!"Pasok dali!"
"Eto na nga.." Pagkapasok ko ay naweywang na agad ako at nagtanong. "Bakit ganyan itsura mo?"
"Hehe.. May papakilala ako sayo." Sa sinabi niyang 'yun alam kong may iba na. Alam ko lumandi na talaga 'tong si Alice! Nako naman!
"Sino?!"
"Babe.. Labas ka dito pakilala kita sa friend ko." Ano daw?! Babe?! Ibang level na ito, pinatulog niya sa bahay.. Buti kung natulog nga sila? Ays!
Makalipas ang ilang sandali ay may lumabas na lalaking nakahubad at tanging pantalon lang ang suot. Napangiwi ako, macho naman siya kaya lang hindi ako sanay makakita ng lalaking nakahubad! Virgin pa ako noh! "Ano ba! Baka gusto mo magdamit!" Asik ko sa lalaking nakatayo na ngayon sa harap ko. Kabanas!
"Ay, sorry babe.. Nasuot ko 'tong damit mo, nagmamadali kasi ako." Malanding sagot ni Alice habang hinahampas ng mahina yung lalaking hubad.
"Sige Alice, kunyari wala ako dito.." Baka kasi nakakalimutan nila na nandito ako at mapunta kung saan ang harutan nila.
"Pasensya hehe. Nga pala Sugar eto si Kier boyfriend ko.. Kier siya si Sugar, bestfriend ko."
"Hi! Pleased to meet you Sugar." Bati niya sa akin habang nakangiti. Pansin ko mayaman 'to, halata sa kutis e.
"Gary.. Hindi Sugar." Tinignan ko ng masama si Alice bago nakipagkamay kay Kier. At dun ko napagtanto na mayaman talaga siya, ang lambot ng kamay! Mas malambot pa sa kamay ko! "Wala ba 'yang asawa?"
Napatda sila sa tanong ko. Parang hindi nila inaasahan ang magiging tanong ko. May problema ba dun? Natural lang naman na itanong 'yun di ba? "Okay lang kayo?" Tanong ko ng hindi pa din sila umiimik at halatang hindi mapakali.
BINABASA MO ANG
Sugar coated Pepper (Completed)
RomanceHow can something sweet like Sugar can turn out to be something bitter and full of spice. Mababalik pa kaya ang sweetness?