3: Thankful

931 24 0
                                    

Cecilia's POV

"Hindi 'yan pwede dito!"
 

Pinaghalong kaba at takot ang nararamdaman ko lalo pa ng nagsumiksik sa akin si Gareng. Pa'no na kami nito? Hindi ako papayag na mapalayo sa akin si Gareng.


"Ba-baka naman mapakiusapan pa sila ma'am? Hindi ko kasi pwedeng iwan 'tong anak ko.." Nagbabakasakali kong saad kay Sally, sana naman magawan pa ng paraan. Panginoon tulungan mo kami..


"Nanang.." Humihikbing nagsalita si Gareng habang nakasubsob pa din sa akin. Pinatahan ko naman siya sa pamamagitan ng paghaplos sa likod.



"Nako! Alam naman na trabaho ang pupuntahan, kung bakit magsama ng bata!"

 

"Wala na kasi akong mapag iiwan sa anak ko. Kakamatay lang ng asawa ko nung isang buwan.."

 
   

"Wala akong paki kung namatay ang asawa mo! Kagaya ng wala din akong pake kung mawalan ka ng trabaho!"

Napalunok na lang ako sa sinabi niya, nasasaktan ako sa mga sinabi ni Sally. Pero kailangan kong tatagan ang loob ko para sa amin ni Gareng.

"Diyan na nga kayo, sasabihin ko kay Madam na nandito ka na."

  

Tinignan ko na lang si Sally habang papalayo, at ng mawala na siya sa paningin ko ay hinarap ko naman ang umiiyak na si Gareng, "Anak, wag ka nang umiyak. Andito lang si Nanang.. Hindi kita pababayaan."


"Na--nang.. Bawal po ako dihito di ba? Baka mawalan ka po ng trabaho dahil sa akin." Muling bumuhos ang luha niya na agad ko namang pinahid. Ayokong makita na umiiyak ang anak ko.



"Magagawan 'to ng paraan ni Nanang anak. Pangako, walang makakapaghiwalay sa atin."


"Natatakot po ako Nanang.."


"Sshhh.  Wag kang matakot, nandito lang si Nanag. Di kita pababayaan ha?" Tumango lang siya at ngumiti ng tipid.


Buti naman at tumigil na si Gareng sa pag iyak. Mas nakakadagdag kasi sa kaba ko kung ganito siya. Huminga ako ng malalim at nagdasal..

Panginoon.. Alam ko po na naririnig niyo ang dalangin ko. Sana po pumayag ang magiging amo ko na dito nalang din si Gareng.. Alam niyo naman po na hindi ko kayang malayo sa anak ko di ba?

Nakikiusap po ako sa inyo na dinggin ang panalangin ng isang ina na kagaya ko. Isang ina na gagawin ang lahat wag lamang mawalay sa pinamamahal na anak.. Amen.


"Pinapatawag kayo ni Madam. Isama mo daw 'yang anak mo."


Napatulala ako sa sinabi ni Sally. Panginoon ito na po ba? Papaalisin na po ba ulit kami? Tinignan ko si Gareng na kakikitaan ng takot.


"Ano? Tatanga na lang ba kayo diyan? Aba! Hindi pinag iintay si Madam." Natauhan ako ng bigla ulit magsalita si Sally.


"O--oo eto na. Halika na anak.." Tumayo na ako at inayos ko din ang itsura naming mag ina.

"Arte-arte masyado.."

Narinig ko pa na sinabi 'yun ni Sally habang pabalik ulit sa pinanggalingan niya. Agad naman kaming sumunod, nginitian ko si Gareng para huwag siyang matakot. Kahit na punong-puno ako ng pangamba ngayon, naniniwala pa din ako na pagbibigyan kami ng panginoon. Jose gabayan mo kami.. Nawa ay gabayan nga kami ng aking asawa.

Sugar coated Pepper (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon