21: Back Again

756 17 1
                                    

Someone's POV

Sa wakas, makalipas ang matagal na panahon. Nakabalik din ako dito, ang lugar kung saan nagsimula ang lahat..

"Are you sure about this?"
 

I smirked. Matagal kong pinagplanuhan 'to, "I've never been this sure dear.. Ito na ang simula."

  

"Im just worried. We still don't know the truth.."

  


I saw his worried face, alam ko na masaya na ang buhay namin. Pero hindi kaya ng konsensya ko na habang ako ay masaya may isang taong nagdudusa dahil sa kasakiman ng iba.. "Kailangan kong itama ang lahat. At sisimulan ko 'yun sa pag alam ng katotohanan.."


"Okay then. I'll just support you."


I kissed him and start walking palabas ng airport.. This it, magbabayad ang dapat magbayad.

 



*****

Sugar's POV



Pagkatapos namin kumain kahapon ay bumalik din agad kami sa cafè, kataka-taka nga na hindi man lang umimik si Tebong.. Ang bilis niya magbago ng mood, daig pa ako.


Natapos ang araw ko sa PepperMint Cafè na panay pagbake at pagluluto ang inatupag ko. Halos lahat nga daw ay naituro na sa akin ng mag asawa. Nakuha ko naman agad lahat ng tinuro nila, sana lang pag dumating ang may ari ay magustuhan niya ang luto ko..


Bago din ako umalis ay pinaalala pa ng ilang ulit ni Chef Liza ang tungkol sa turon niya, kaya eto ako papasok na may dalang turon. Dinamihan ko na baka kasi mapasarap siya pati 'yung iba.. Pasasalamat ko na din.'to sa magandang pakikitungo nilang lahat sa akin. Sobra kong naenjoy ang magtrabaho doon.



"Nay, alis na po ako.." Humalik ako kay Nanay na mukhang masaya din simula kagabi ng umuwi sila ni Tatay. Hindi na naman ako nagtanong kung saan sila nagpunta ang mahalaga ay masaya at ligtas sila..


"Ingat ka anak.."



Ngumiti na ako at kumaway kay Nanay habang dala ko ang isang paper bag na naglalaman ng iba't-ibang flavor ng turon. Nang madaanan ko ang bahay nila Alice ay wala pa din tao, nasaan kaya 'yung bruha na 'yun? Kagabi pa kasi wala sa kanila.. Iba talaga pag may Lovelife. Tsk.tsk




Sumakay na ako ng jeep papunta sa cafè, syempre pasosyal din minsan. Pag naglakad kasi ako hindi na mainit 'tong turon e. "Para po!" Thank you Manong! Sa loob-loob ko ng saktong huminto siya sa tapat ng cafè, iba talaga pag nasa mood ka. Walang nakakasira haha!


Dumiretso na ako sa kitchen at agad ko naman silang nakita, hindi pa kasi nagbubukas ang cafè kaya wala pang customer. "Goodmorning!" Bati ko at ipinakita ko sa kanila ang dala kong paper bag.



"Oh my God! Yan na ba 'yun Sugar?" Nakangiti akong tumango kay Chef  Liza na agad namang hinablot ang dala ko.

  

"Sino sila?" Tanong ko ng mapansing may ibang tao dito bukod sa mga nakasama ko kahapon. Wala pa din si Tebong..

  

 

"Ay! Sila nga pala si Anya at Taroy.. Makakasama mo sila dito sa kitchen, wala sila kahapon kasi off nila." Pakilala ni Chef Liza sa isang babae na mahaba ang buhok at bakla? Tama.. Bakla nga si Taroy, pilantik pa lang ng daliri confirm na.

Sugar coated Pepper (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon