Epilogue

862 15 1
                                    

Someone's POV



"Are you guys ready?"

   

"Yes we are!" sabay nilang sagot at nag apir pa silang tatlo. Kapwa excited sa kung anumang binabalak.

  

"I'll call them, stay here okay." matapos sabihin 'yon ay lumabas siya para tumawag. Hindi din mapagkakakaila ang excitement niya ngayon. "Hello.. Where are you?"agad na bungad niya ng masagot ng nasa kabilang linya ang telepono. Pero agad din napalis ang ngiti niya ng marinig ang sinagot nito."What?! Where did she go?" mataman niyang pinakinggan ang sinasabi ng kausap."Okay then, i know where she is.." pagkasabi noon ay tinapos niya ang tawag at napangiti muli. Sa isip ay hindi na siya mahihirapang isakatuparan ang plano..

  
 

This is the day..

  

***

Sugar's POV

  

"Dito nalang ako Manong. Salamat." pagkatapos kong iabot ang bayad sa taxi driver ay umibis na ako nang sasakyan. Kailangan ko munang magpahangin ngayon kaya dito ako nagpunta. Sa lugar kung saan nahahanap ko ang katahimikan..

  

Habang naglalakad ay palinga-linga ako sa paligid at sa di kalayuan ay nakita ko ang napakamemorableng parte ng lugar na ito para sa akin. Lumapit ako doon at naupo sa bench. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti habang inaalala ang pangyayaring 'yon..

  

Dito kasi sa mismong lugar na 'to nagtapat si Pepper, dito ko din sinabi na mahal ko siya. Ang sarap balikan ng mga panahon na 'yon, kung saan malaya kami at masaya. Tanda ko pa ang sinabi niya na sobrang nagpataba ng puso ko ng mismong araw na sagutin ko siya..

   


"You know what, because of this i became a superhero." sabi niya habang nakangiti.

  

"Sinong superhero? Batman? Superman?" taka kong tanong dahil hindi ko alam kung bakit bigla napasok sa usapan ang superhero na 'yan. Pero dahil mahal ko siya, sinakyan ko na kang ang trip niya. Baka mapahiya e..

  

"Nah--uh. Im not Superman, nor Batman.." ngumiti siya ng nakakaloko, pero kahit ganon napakagwapo niya lalo na at natatamaan siya ng liwanag na nagmumula sa buwan, parang anghel ang tingin ko sa kanya.. Gwapong anghel." or kahit si Ironman."

   


"E sinong superhero ka?" naguguluhan kong tanong dahil wala akong masyadong kilala na superhero. Pero bago pa man ako makapagsalita muli ay nagulat ako sa ginawa niya.

 

  

Umakto siya na parang lilipad at tumitig sa akin nang may ngiti sa labi bago sinabi na.."I am..YOURMAN."
 

  

Natatawa talaga ako kapag naaalala ko 'yon. Biruin mo, ang batang ubod ng sungit at hindi maalam magtagalog noon ay tuwid ng magsalita ng tagalog at may kakornihan din pala sa katawan? Ibang klase talaga siya..

 

 

Pinaglaban ako ni Pepper, inunawa at minahal ng higit sa inaasahan ko. Napakaswerte ko dahil minahal niya ako at hindi lang 'yon! Biniyayaan pa kami ng anak. Hindi lang isa kundi dalawa, kaya wala na akong mahihiling pa.. Kundi katahimikan para sa pamilya ko at pamilya niya, at kung hanggang dito lang talaga kami ayos na din. Alam ko naman na hindi niya pababayaan si Cream at Cookie. Karapatan din naman niya kasing makahanap ng taong mamahalin siya ng totoo yung kaya siyang ipaglaban kahit gaano karami pang pagsubok ang dumating. 'Yung hindi siya susukuan kahit siya pa ang pinakamasamang tao sa mundo. At higit sa lahat 'yung hindi lang tutumbasan ang pag-ibig na kaya niyang ibigay, 'yung hihigitan pa.

 

Sugar coated Pepper (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon