19: Tebong

755 16 0
                                    

Sugar/Gary's POV

Matagal ko pang tinitigan ang buong cafè, grabe ang ganda talaga! Nakita ko din 'yung mga sineserve nila mukhang mamahalin talaga. Makapasok kaya ako dito?

"Miss.. Excuse me." Kinuhit ko 'yung crew na dumaan sa harap ko, baka kasi magmukha na akong tanga kapag tumunganga pa din ako dito di ba.?


"Ano po 'yun Ma'am?"


Ang galang ha? Yun ang naisip ko, bihira kasi ang mga crew na ganiyan. "Uh-- mag aapply kasi ako. Kanino ba pwede ipasa 'to?" Pinakita ko sa kanya 'yung resume na hawak ko.




"Ay.. Wait upo ka po muna dun Ma'am, iserve ko lang 'to tapos tawagin ko po Manager."



"Sige. Salamat.." Ngumiti lang siya sa akin at nagserve na, pagkatapos ay sumenyas siya sa akin ng wait lang at pumasok siya sa pinto. Tingin ko ay kitchen 'yun.


Woo! Kaya mo 'to Gary! Kailangan ko palakasin ang loob ko, mukhang bigatin kasi ang mga tao dito..


"Sir siya po 'yun.." Napatayo naman ako bigla ng makita ko 'yung babae na sinabihan ko kanina pero may kasama na siya ngayong matangkad na lalake, gwapo infairness..


"Goo--goodmorning po!" Kandautal kong bati, Manager ba naman kasi!



"Same here. Have a sit, uh-- Jella you can go now."


Yumuko lang 'yung tinawag ni Sir na Jella at umalis na agad. Ako naman ito hindi malaman kung anong gagawin, nakakakaba! Syet!


"So.. Why are you here?" Tanong sa akin ni Manager. English?! Nak ng oo!


"Uh-- i'm here to.. Ano, uhm.. To apply?" Nakakahiya! Hindi naman kasi ako magaling mag english e!


"You can speak tagalog, kung doon ka kumportable."


"Thank you Sir!" Nakahinga ako ng maluwag dun! Thank you Lord ang bait niyo talaga sa akin!


"Welcome." Ngumiti siya sa akin, ang cute niya lang talaga! "Introduce yourself.."


Introduce agad? Hindi ba pwedeng painom muna ng tubig? Ays! Wala naman ako magagawa kaya magpapakilala na ako. "Uh-- i'm Sugar but you can call me Gary.. 24years old, i li--"


"You're name is Sugar?!" Bigla siyang sumabat kaya napatigil ako, pero mukhang gulat na gulat siya.


"Opo Sugar po tunay na pangalan ko, may problema po ba?" Takang tanong ko kasi tulala pa din siya.


"Sugar? As in Sugar Briones?"


"Tumpak Sir!" Ngumiti ako sa kanya, "pero pano niyo po nalaman?"


"Jesus! You're alive!" Nagulat nalang ako ng bigla niya akong niyakap? Problema ba nito? Manyak ba siya?!

Nang kumalas siya sa pagkakayakap sa akin ay nakitang kong may tumulong luha sa mata niya, bakit siya umiiyak? "Sir? Okay ka lang po ba?"

Pinunasan niya 'yung luha at ngumiti ulit sa akin, hindi ko tuloy maiwasan hindi mapangiwi. Baka kasi baliw 'to? Sayang cute pa naman.. Pero hindi siya mukhang baliw, kaya lang bakit iiyak siya tas biglang ngingiti? Ay nako! Ako ata mababaliw nito!


Sugar coated Pepper (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon