Sugar's POV
Gising na ang diwa ko pero ayaw ko pang imulat ang aking mata. Pinakikiramdaman ko kasi ang paligid, alam kong wala ako sa bahay namin dahil malambot ang hinihigaan ko ngayon. Isa pa ang sakit ng ulo at katawan ko..
Nararamdaman kong may humahaplos sa buhok ko at maya-maya ay may humalik naman kaya pilit akong nagmulat.
"Hello sleeping beauty.."
Napamulagat ako ng makita ang nakangiting si Pepper. Baki-- shit! Naalala ko bigla 'yung mga nangyari kagabi. Totoo ba lahat 'yon? Ays! Ang tanga naman kasi Sugar.. Wala na! Wala na ang V-card ko!
"Hey.. are you okay?" Hinawakan niya ako sa mukha pero agad akong umiwas, nakaramdam na naman kasi ako ng kakaiba..
"Okay lang ako." Pinilit kong bumangon kahit na kumikirot pa din ang ulo ko. Napatingin naman ako sa sarili ko, may damit naman ako kaya lang.. Hindi sa akin! Jusko.. Totoo nga na may nangyari sa amin..
"I know you're not okay. Tell me, anong masakit sayo?"
Napatingin ako kay Pepper. Sa tingin ba niya magagawa kong masabi kung anong masakit sa akin pagkatapos ng nangyari kagabi? Jusko naman! Nahihiya kasi ako sa sarili ko..
"Uuwe na ako, ngayon nga pala aalis sila Tatay. Kailangan kong makuha 'yung mga gamit ko.." Naalala ko pa 'yun, ang galing ko lang talaga. Problema nga lang hindi ko alam kung saan ako titira ngayon.
"You don't have to." Pigil niya sa akin ng akma akong bababa ng kama.
"Bakit?" Wag niya sabihing may binabalak siya, nako lang! Tama na 'yung kagab-- ay! Ano ba pinag iisip ko. Nako naman talaga.
"Nakaalis na sila, and nakuha ko na din lahat ng gamit mo. Naayos ko na din sa cabinet.." Ngiting-ngiti siya habang nagkekwento. Edi siya na ang gwapo at cute!
"Paanong nakaalis na sila? Saka paano mo nakuha e hindi ko naman nasabi sayo ang tungkol doon?" Totoo naman kasi na hindi ko 'yon nababanggit sa kanya kaya paano niya nalaman di ba? "Saka bakit mo nilagay sa cabinet e hindi naman ako dito nakatira?"
"Pwedeng isa-isa?" Natatawa niyang tanong pero sinamaan ko lang siya ng tingin kaya nagpatuloy na s'ya.."Una, nakaalis na sila kaninang 8am. Hep! Ako muna.." Pinigilan niya ako sa pagsalita kaya napanguso na lang ako. Bwisit kasi! "Pangalawa nalaman ko kasi tinawagan ako ni Claire, remember hindi ka umuwi? Kaya ako na ang kumuha.And lastly, nilagay ko sa cabinet cause from now on dito ka na titira."
"Ano?! Ba..bakit?!" Sa lahat ng sinabi niya 'yan lang ang naging reaksyon ko. Paano ba naman kasi basta na lang siya nagdesisyon na dito ako titira. Okay lang naman kaso, wala akong ibabayad! Ang mahal kaya dito sa condo.
Umupo siya sa tabi ko at yumakap, "ayaw mo ba dito? But to tell you sweet Sugar wala kang choice." Bulong niya sa akin na nagbigay kilabot sa buong pagkatao ko.
"Anong wala akong choice? Saka pwede ba wag kang yumakap, naaalibadbaran ako." Kinalas ko ang pagkakayap namin, pero naguilty naman agad ako ng makitang nakasimangot siya. Nakakainis!
"Soon.. you'll be my wife kaya kailangan mo ng masanay na ako ang kasama."Ano daw? Hindi pa nga ako nakakarecover sa nangyari kagabi eto na naman may bago siyang pasabog. "Wife mo mukha mo. Masyado pa tayong bata para diyan. Saka.. May mga dapat pang ayusin.." Kasama na don ang pagkikita namin ni Nanang. Hindi ko maiwasang hindi malungkot pag naaalala ko ang nakita kahapon. Masakit kasi para sa akin, salamat na nga lang at nalimutan ko kahit papaano. Dahil 'yun kay Pepper.
BINABASA MO ANG
Sugar coated Pepper (Completed)
RomanceHow can something sweet like Sugar can turn out to be something bitter and full of spice. Mababalik pa kaya ang sweetness?