Someone's POV
"Ano?! Seryoso ka ba?"Tsk! Nagpanting ang tenga ko sa sigaw ni Alice, ang lapit lapit lang sumisigaw pa.. "May balak ka bang bingihin ako ha?"
"Pasensya naman.. Binigla mo kasi ako e."
"Anong nakakabigla don?" Nanlalaki ang matang balik tanong ko.
"Yung sinabi mo na may trabaho ka mamayang gabi. Aba babae! Hindi ka robot.. Hindi masamang magpahinga minsan."
Napairap na lang ako sa kanya, kahit naman kasi gustuhin ko magpahinga hindi pa din pwede. Mas kailangan namin ng pera lalo na at may sakit si Nanay..
"Alam mo ba na ang pinaka pinagbabawal sa mga kagaya ko ay ang pahinga. Pag nagpahinga ako hindi kami makakain.."
"Aba! Hindi lang naman ikaw ang anak ng Nanay mo no! Bakit hindi niyo pagtrabahuhin si Claire? Hindi 'yung maghapon lang lumalandi kung saan-saan.."
"Ilang beses ko ng sinubukan isuggest 'yan, pero wala e." Nagkibit balikat ako bago nagpatuloy. "Nagagalit lang siya, tapos kakampihan ni tatay ayun! Ako pa ang masama.."
"Hay! Ano ba naman 'yan. Wala talagang kwenta tatay at kapatid mo.."
I agree sa sinabi ni Alice, pero kagaya nga ng sinabi ko kanina wala naman akong choice. Kesa mapagsalitaan ng kung anu-ano, magtatrabaho na lang ako. Pagod man atleast malayo sa kanila..
"Wag ka na manermon diyan, nandito ako para makitulog hindi makinig sa sermon mo." Nagpunta kasi ako dito para naman makapagpahinga bago magsimula sa trabaho mamayang gabi.
Kapag kasi sa bahay ako nagstay nako! Hindi ako makakapagpahinga dun, uutusan lang ako ni Claire. Napakatamad naman kasi ng kapatid kong 'yun. Siya pa naman mas matanda sa akin.
"O s'ya.. Matulog kana pero kung ako talaga nasa kalagayan mo, baka napatay ko na 'yung tatay at malandi mong kapatid.."
"E kaso, wala ka sa posisyon ko. Kaya wala kang magagawa." I smirked at agad ng humiga sa sofa niya para matulog. Kailangan ko ng mahabang tulog, nightshift kasi ako sa napasukan kong trabaho..
****
8:50pm
Anak ng kabayong malandi! Late na ako nito, wala pa din masakyan. Kung bakit kasi hindi ako ginising ni Alice kanina, 10pm ang time ko. Isang 24hours coffee shop ang pagtatrabahuhan ko.. At pangatlong gabi ko pa lang, mamaya matanggal ako nito. Pano na ang kabuhayan diba?
"Para! Para!" Yes! Napasuntok ako sa hangin ng huminto 'yung jeep kaya lang puno na.. Pero dahil late na ako keri na kahit 1/4 lang ng pwet ang nakaupo. May choice ba ako?
Maya't maya akong tumitingin sa relo ko baka kasi malate ako, ang bagal pa naman magdrive ng driver! Kapag minalas ka talaga sunod-sunod e.. Kabwisit!
Pag talaga natuluyan akong malate, ipapakulam ko 'tong driver! Peksman! Hays. Nakakainit ng ulo..
Ilang minuto pa ang lumipas at 20 minutes na lang 10 na! Laking tuwa ko ng makita na malapit na ako sa cafè salamat naman po.. "Manong para!" Sigaw ko, naeexcite na ako e. Kaya lang hindi ata narinig ni Manong kaya dretso pa din siya, "Manong para!" Sigaw ko ulit pero parang wala pa din siya narinig, "putcha! Sabi ng para e. Bingi ka ba?!"
BINABASA MO ANG
Sugar coated Pepper (Completed)
RomanceHow can something sweet like Sugar can turn out to be something bitter and full of spice. Mababalik pa kaya ang sweetness?