Parang asidong lumabas sa bibig ko ang mga salitang 'yun. Pagod na ako, pagod na pagod na akong patunayan sa kanila ang sarili ko. At higit sa lahat pagod na akong makarinig ng panlalait mula sa kanila..
"Bitiwan mo ako!" Padaskol kung inalis pag kakapit sa kanya, bitawan daw e! "pasalamat ka babae ka! Kung hindi talagang sasaktan kita. Wala kang kwenta!"
Mangha ko siyang tinignan, "Ako?" Tinuro ko ang sarili ko at nagsalita, "ako pa ang walang kwenta? Para sabihin ko sayo itong tinatawag niyo na walang kwenta at ampon, ito lang naman ang bumubuhay sa inyo! Kaya kung sasabihin niyo na wala akong utang na loob.." Tumigil ako at huminga ng malalim, dahil parang kahit anong oras sasabog na talaga ako, "para sabihin ko sayo matagal na ho akong bayad sa lintik na utang na loob na sinasabi niyo!"
"Bastos ka talaga! Hindi ko akalain na nag alaga kami ng walanghiyang kagaya mo!"
Napangisi ako sinabi niya, "Nag alaga kami?" Tanong ko habang nakataas ang kilay, "baka nakakalimutan mo si Nanay lang ang nag alaga sa akin. Wag mong akuin ang mga bagay na hindi mo naman ginawa.."
Pagkasabi nun ay lumapit na ako kay Nanay at inalalayan siyang tumayo para pumasok sa kwarto, wala ng patutunguhan pa ang usapan namin. Sarado na ang isip nila, kahit anong sabihin ko ako lang ang lalabas na masama.. Nakakasawa.
Pasalamat na lang ako at hindi na umimik si Tatay Cardo kahit ng makapasok kami sa kwarto. Nakakapanlambot palang makipagtalo, pero masaya ako na kahit papaano ay nailabas ko ang mga kinikimkim ko..
"Anak.. Pasensya ka na sa tatay mo."
Matamlay akong ngumiti kay Nanay.. "Wala ho iyon. Hindi ka pa nga pala kumakain at umiinom ng gamot, paghahan--"
"Wag na." Pigil niya sa akin. "Tapos na ako, ipagluluto lang talaga kita kanina. Napapansin ko kasi wala kang tigil sa pagtatrabaho hindi mo naiintindi ang sarili mo. Lagi ka pang ginagabi ng uwi...""Hayaan mo Nay, hindi na ako gagabihin ng uwi simula ngayon."
"Bakit naman?"
Napangiwi ako ng maalala ko 'yung nangyari kagabi, badtrip kasi 'yung maarte na babae! "Natanggal po ako sa trabaho.."
"Ganoon ba? E di ba marami ka pang trabaho?"
Tatlo kasi trabaho ko, kaso sa cafè talaga malaki ang sahod, dun ako umaasa ng panggastos araw-araw. Kaya lang natanggal ako, no choice tuloy ako ngayon kundi maghanap ng ibang mapapasukan. Yung dalawa ko pang trabaho sa umaga lang at may schedule pa. Isang MWF at TTHS, magkano lang ang kinikita ko doon. Kulang pa pambili ng gamot ni Nanay.. Hay, pano na kaya?
"Okay lang Nay. Hahanap na lang ako ng iba, 'yung malaki po ang sahod para sa gamot mo.." Napabuntung-hininga ako, ang hirap kasi maghanap ng trabaho dito sa Maynila. Ang aarte ng mga employer.
"Pasensya ka na talaga at pabigat pa ako.."
"Nay ha?" Pabiro ko siyang pinalo, "ayokong iniisip mo na pabigat ka. Alam mo naman na gagawin ko kahit ano para sayo.." Sorry nga lang Nay kasi hindi na kita mapapagaling pa..
BINABASA MO ANG
Sugar coated Pepper (Completed)
RomanceHow can something sweet like Sugar can turn out to be something bitter and full of spice. Mababalik pa kaya ang sweetness?