Cecilia's POV
Kanina pa ako paikot-ikot dito sa kwarto habang si Bernard ay nakahiga na. Hindi ako makatulog, pakiramdam ko may mangyayaring hindi maganda.. Hindi ko alam, pero wag naman sana.
Panginoon sana maayos lang ang anak ko..
Huminga ako ng malalim. Dalawang linggo na, dalawang linggo mula ng malaman kong pumanaw na ang babaeng nag ampon kay Sugar pero hanggang ngayon hindi pa din pumunta dito ang anak ko.
Naaalala ko pa noong may biglang magpunta ditong mag asawa akala ko magpapatulong lang silang ipagamot ang asawa niya pero nagulat ako sa rebelasyon nila..
"Ano po ang kailangan nila?" Tanong ko sa mag asawang pumunta dito kahit hindi ko naman inimbita. Mula din naman ako sa hirap kaya hindi ko minamaliit ang kagaya nila.
"Kayo po ba si Cecilia Briones?" Nagulat ako sa tanong niya, dahil sa nakalipas na labinlimang taon, Williams na ang ginagamit kong apelyido dahil sa asawa ko na si Bernard.
"Ako nga.. Anong kailangan niyo sa akin?" Hindi ko sila kilala kaya imposibleng naging magkaibigan kami noon.
"Nakita ko po sa internet na hinahanap niyo ang batang nagngangalang Sugar Briones.."
Napaupo ako ng tuwid dahil sa sinabi niya. Mula ng bumalik kami ni Bernard dito sa Pilipinas at magkaharap kami ni Peregrine hindi na ako tumigil sa paghahanap sa anak ko. Hanggang sa humantong na nga kami sa desisyong iyon na ilathala sa internet ang paghahanap kay Sugar. At sa unang pagkakataon may lumapit sa amin para magtanong tungkol doon.
"A--alam mo ba kung nasaan siya?" Mababakas ang pagmamakawa sa tono ko, lahat gagawin ko mahanap lang siya..
"Cardo.. Iwan mo muna kami." Tumingin sa akin ang tinawag na Cardo bago umalis. Hinarap ko na siya ulit pagkaalis ng lalaki. "Ako po si Carlotta.. At alam ko po kung nasaan siya."
"Pa..paano? Saan? Nasaan ang anak ko!" Hindi ko na napigilan ang mga luha na kusang bumuhos mula sa mga mata ko. Masaya ako na malalaman ko kung nasaan si Sugar! Ibig sabihin buhay ang anak ko. Ligtas siya!
"Ako po ang nakakuha sa kanya noong nawala siya sa bayan. Gutom na gutom siya noon at takot na takot. Naawa ako kaya kinuha ko siya at inalagaan. Minahal ko siya na parang tunay na anak.."
Mas lalo akong napaluha dahil sa sinabi niya. Naaawa ako sa sinapit ng anak ko.. Napakabata pa niya para maranasan ang ganoon. Hindi ko mapapatawad ang gumawa noon sa kanya.. Sisiguruhin ko na pagbabayaran nila ang pagpapahirap sa aming mag ina.
"Nasaan ang anak ko? Gusto ko siyang makita.."Bigla siyang natigilan dahil sa sinabi ko, nagsisinungaling ba siya?
"Ma'am.. Alam ko po na mahal niyo si Sugar, pero mahal ko din po siya."
"A--anong ibig mo sabihin? Nasaan ba ang anak ko?" Hindi ko na mapigilan ang pagtaas ng aking boses. Ano bang sinasabi niya? Nasaan ba ang anak ko?
"Ma'am.. Nandito po ako para sabihin na lumaking maayos si Sugar. Mabuti at mapagmahal siyang tao, pero napuno ang puso niya ng galit dahil sa nakaraan.."
BINABASA MO ANG
Sugar coated Pepper (Completed)
RomantizmHow can something sweet like Sugar can turn out to be something bitter and full of spice. Mababalik pa kaya ang sweetness?