34: I Remember

687 17 0
                                    

"Im finding my way back to you and everything we used to be. And waiting is all that i can do until you find you're way back to me.."

*Find my way back by Michelle Branch*


*****

Sugar's POV

Sinamantala ko na ang pananahimik niya para magpatuloy. "Kilala kita, ikaw si Pepper. 'Yung batang hindi maalam magtagalog. Batang ang lakas ng topak lalo pag hindi nasunod ang gusto." Napangiti ako sa alaalang 'yun. Nung panahon na bigla siyang pumasok sa kwarto namin ni Nanang, napagkamalan ko pa nga siyang multo. "Ikaw 'yung bata na gustong matuto magluto kasi naiinggit dahil ako maalam magluto." Saglit ko siyang tinignan, ganoon padin ang reaksyon niya. Gulat na gulat..


"Ikaw 'yung bata na walang sawa akong pinagtatanggol sa batang babae na lagi akong nila--lait." Hindi ko maiwasang maiyak sa pag alala sa nakaraan. Masakit pa din, sobrang sakit..


"You.. You knew all along?" Hindi makapaniwalang tanong niya.


"Oo.. Mula ng unang araw na magkita tayo sa cafè kilala na kita.." Direkta kong sagot, pansin ko  na nagsisialisan na ang mga tao pero hindi ako tumayo sa kinauupuan namin.

 

"But-- why.. I mean bakit itinanggi mo?"


"I have my reasons.." Hindi ko alam kung dapat ko na bang sabihin sa kanya ang nangyari..


"Bakit ka nawala?" His face is now serious, walang mababakas na emosyon.

"Gusto mo ba talagang malaman?"


"Ofcourse! You don't know what i feel ng umuwi kami pero wala kayo ng Nanay mo.." Naikuyom ko ang kamay ko ng marinig ang sinabi niya, Nanay ko..


"May mga bagay na mas mabuti pang wag mo ng malaman. Wala na din naman tayong magagawa pa.. Ang gusto mo lang naman ay maalala kita di ba? Ayan na." Pagpupunto ko dahil 'yun lang naman ang gusto niya di ba? Ah.. May isa pa pala, gusto din pala niya akong maging kaibigan.


"It's a part yes. But the real thing here is, i want to know the reason why you left. Even if i told you to wait for me.. Bakit hindi mo ako hinintay Sugar? Bakit?"


Sinusumbatan niya ba ako? "I didn't owe you any explanation Pepper."


"But-- God! For 15 years we didn't stop Sugar, hinanap ka namin. Hindi pa ba sapat 'yun para sabihin mo kung ano ang nangyari sayo?"


Hindi ako makapaniwala, hinanap talaga nila ako? "Bakit? Ba--bakit niyo ako hinanap?"


"Because we care for you! You're not just my friend Sugar, we treated you as a family.."


Dahil sa sinabi niya unti-unting bumuhos ang luha na kanina ko pa pilit pinipigilan. Ito ba 'yung sinasabi ni Nanay? Na may tatanggap pa din sa akin? Na may magmamahal pa sa akin? Parang ang hirap maniwala..



"Ssshh.. Don't cry please, it hurts me seeing you like this. Kung  ay--ayaw mo talaga sabihin i won't force you.. Just-- just stop crying please.."


Mas lalo pa akong naiyak ng niyakap niya ako. Alam ko na mabuti siyang tao simula pa lang, pero hindi ko akalain na aabot siya sa ganito. Siguro nga dapat na akong magtiwala ngayon.. At sisimulan ko 'yun kay Pepper.

Pinunasan ko ang mga luha ko at kumalas sa pagkakayakap niya, makikita naman ang pagtatanong sa mata niya pero nginitian ko lang siya at humiga sa damuhan."Hindi ako nawala.."paninimula ko, naramdaman ko naman na humiga din siya sa tabi ko. Minabuti kong tumingin sa mga bituin bago nagpatuloy, "winala ako. Iniwan ako, sa hindi ko alam na kadahilanan.."


Sugar coated Pepper (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon