Sugar's POV
"Ang ganda mo talaga Ma'am.." Tipid lang akong ngumiti sa aking make up artist, hindi kasi ako makapaniwala na ako talaga ito. Akalain mo may igaganda pa pala ako?"suotin mo na 'to ma'am baka mainip na asawa mo sa simbahan." Itinaas niya sa harap ko ang aking wedding dress. Agad naman akong nakaramdam ng kaba pagkakita pa lamang doon. Jusko eto na talaga! Ikakasal na ako!
Tinulungan ako ng make up artist na magsuot ng gown, saktong matapos ko isuot ay biglang pumasok si Nanang.."anak.. Ang ganda mo."Ngumiti ako ng tipid sa kanya, bakit pakiramdam ko maiiyak ako."Salamat Nanang.. Maganda ka din po." Nagmukhang bata si Nanag sa ayos niya. Para ngang magkapatid kami.
"Anak.. Tandaan mo, kahit anong mangyari nandito lang kami para sayo. Alam ko na hindi ka pababayaan ni Pepper, kaya wag mo din siyang pababayaan." Tama si Nanang.. Alam ko na hindi ako pababayaan ni Pepper kaya ibabalik ko sa kanya ang lahat ng pagmamahal at kabutihang ibinibigay niya sa akin.
"Nanang naman! Syempre hindi ko pababayaan ang magiging asawa ko. Baka iwan pa ako non." Natatawa kong biro, ayoko kasi umiyak, sayang naman ang effort ng make up artist.
"Sinasabi ko lang, lagi mo tatandaan na ang relasyon ay binubuo ng pagmamahal at tiwala. Kung wala ang dalawa, walang kwenta ang relasyon at ang pagsasama ninyo."
"Salamat Nanang.. Tatandaan ko po 'yan." Nagyakap kami ni Nanang pagkatapos ay nagpaalam na siyang mauuna papunta sa simbahan. Napabuntung hininga ako. Eto na talaga!
"Ma'am tara na po?" Nginitian ko lang ang make up artist at naglakad na ako palabas ng kwarto. Natanaw ko pa ang pag alis ng sasakyan nila Nanang habang pababa ako ng hagdan.
Di ko maiwasang hindi mangamba, ang hirap kasi maglakad. Ang haba ng wedding gown ko, at nahihirapan din ako dahil sa belo na tumatabing sa mukha ko. Wala din nagawa ang pagtanggi ko para hindi magsuot ng high heels. Masaya ako kasi ngayon ko lang 'to mararanasan at higit sa lahat pangarap ng bawat kababaihan ang maikasal. Kaya sino pa ba ako para umangal? Panigurado napakagwapo din ng magiging asawa ko..
"Goodluck and best wishes Ma'am.."
"Salamat.." Nakangiti kong sagot sa make up artist bago sumakay sa bridal car. Ni hindi ko man lang natanong ang pangalan niya, masyado kasi akong kabado e.
Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko ng magsimula ng magmaneho ang driver, hindi naman ganoon kalayo ang simbahan na pagdarausan ng kasal namin. Pero laking taka ko ng biglang huminto ang kotse."Manong may problema po ba?" Hindi pa man kasi kami nakakalayo ay bigla na siyang huminto.
"E may nakaharang po sa daan Ma'am. Sandali lamang po at aking titignan baka mapagalitan ako kapag nahuli kayo sa kasal.."
"Sige Manong, pakibilisan na lang." Kinabahan ako lalo dahil sa nangyayari. Ayokong malate sa kasal ko, baka akalain ni Pepper na tinakasan ko siya. Pero bakit parang pakiramdam ko may ibang mangyayari..
Habang busy si Manong sa pakikiusyoso kung ano ang nangyayari ay itinuon ko na lang ang pansin ko sa paligid. Kita ko ang mga sasakyan na pawang nakatigil dahil sa kaguluhan na nangyayari. Marami na ang napeperwisyo, nagtingin-tingin lang ako sa paligid ng may mahagip ang mata ko na isang babae. Pinaliit ko ang mata ko para mas mapagsino ang babae, alam kong pamilyar siya pero dahil hindi siya nakaharap sa akin ay hindi ko agad malaman kung sino at kung saan ko siya nakita.
BINABASA MO ANG
Sugar coated Pepper (Completed)
RomanceHow can something sweet like Sugar can turn out to be something bitter and full of spice. Mababalik pa kaya ang sweetness?