Sugar's POV
Isang buwan na ang nakakalipas mula ng magkita kami ni Nanang. Mula din noon ay dito na ako tumira sa mansion ni Daddy Bernard. Daddy daw ang itawag ko sa kanya kasi ayaw niyang palitan sa puso ko si Tatang.. Mabuti siyang tao kaya hindi ko masisi si Nanang kung bakit siya nainlove dito. Nalaman ko din na si Nanang ang first love niya, nakakatuwa nga e. Sana ganoon din kami ni Pepper..
Pagkatapos din ng araw na 'yon, tuluyan na naming kinalimutan lahat ng nangyari sa nakaraan. Muli kaming nagsimula nang bagong buhay kasama ang bago kong pamilya pati sina Pepper. Maayos na ang samahan ng lahat, sana wala ng humadlang pa..
"Sugar anak tapos ka na ba magbihis? Bilisan mo baka hinihintay na nila tayo.."
Ays! Napapalatak ako ng sumigaw si Nanang. Aalis kasi kami ngayon, pupunta kami kila Pepper. Nag aya si Mommy Perry na duon kami ngayong weekend. Itinuturing na kasi naming iisa ang aming pamilya, pasaan daw ba at dun din naman ang punta namin ni Pepper. Depende na din siguro kung magiging kami talaga diba?
"Nandiyan na po!" Sigaw ko bago sumulyap ulit sa salamin. Nakasuot ako ng simpleng pink dress at white sandals. Lakas lang makadalaga, pero okay lang. Bukod kasi sa gusto nila na doon kami magspend ng weekend ay magcecelebrate din kami ni Pepper ng aming first monthsary. Akalain mo nakaisang buwan din naman kami..
'Yun nga lang hanggang ngayon hindi pa din namin napag uusapan ang tungkol sa nangyari. Tuwing gusto niya kasing sabihin ang tungkol doon iniiba ko ang usapan namin, nahihiya kais talaga ako pag naaalala ko 'yon. Nakakahiya naman kasi talaga di ba?.tsk!
Matapos kong magpulbos ng mukha ay bumaba na ako, baka sumigaw na naman si Nanang e. Nakakatawa kasi sa kabila ng lahat nang nangyari mas naging malapit kami ni Nanang. Dahil siguro sobrang tagal namin hindi nagkita. Kapwa kami bumabawi sa isa't-isa.
"Ang ganda mo anak.." Bungad ni Nanang matapos kong bumaba sa hagdan.
"Salamat Nang.. Mana lang ako sayo." Natatawa kong sabi, kasi totoo naman. Parang magkapatid nga lang kami ni Nanang, hiyang ata kay Daddy Bernard. Hihi
"Anak nga kita! Nako, halika na at kanina pa tayo inaantay ng Mommy Perry mo." Hinila na ako ni Nanang palabas ng bahay, nandoon na pala si Daddy Bernard. Nakakahiya kasi, ako nalang ang hinihintay.
"Ladies, you look gorgeous.." Ngumiti ako sa papuri ni Daddy Bernard. Masarap din palang masabihan ng maganda.
"Salamat Bernard, nasa lahi na namin ang pagiging maganda."
"I know." Nakangiting sagot niya at nagsimula ng magdrive.
Sa totoo lang sila ni Nanang at ang magulang ni Pepper ang inspirasyon ko pagdating sa pakikipagrelasyon. Gusto ko kapag nagkaroon na ako ng sariling pamilya kagaya din nila. Masaya, may respeto sa desisyon ng bawat isa. Kung sakali.. Kung sakali lang naman ha? Na maging kami nga ni Pepper at magkaroon ng pamilya sana kagaya ng sa kanila. Ang sarap siguro sa pakiramdam makita ang mga mumunting replica namin. Mini Pepper at mini Sugar.. Ang cute!
BINABASA MO ANG
Sugar coated Pepper (Completed)
RomanceHow can something sweet like Sugar can turn out to be something bitter and full of spice. Mababalik pa kaya ang sweetness?