A/N: Chapter 25 ready! Haha. Hope you'll like it! Enjoy reading!
Quote of the day:
• Don't depend too much on anyone in this world. Even your shadow leaves you when you're in darkness.
********
Pearl Danielle's POV:
Nandito kami ngayon ni Darren sa mall, nag-iikot-ikot para makahanap ng pwedeng suotin bukas ni Stanielle. Salamat naman at hindi na kami mahihirapan sa pag-aalaga sa manikang 'to. Akala ko masaya siyang project for one month, e kung ganito naman katanga ang ka-partner mo, baka makapatay ka ng wala sa oras.
"Yown! Heto! Heto! Heto! *pak* Aray!"
"Sige heto pa more, Darren. Ang ingay mo, bwiset. Pinagtitinginan tayo." Sabi ko pagkatapos siyang batukan.
"Ang sakit, napakasadista mo talagang babae ka. Aish, e kasi heto 'yung formal na damit para kay Baby Stanielle. Sakto sa laki niya oh." Sabi niya at itinapat sa manika 'yung magkapares na damit.
"Tama, sakto lang. Kumuha ka 'nung mas maayos na necktie." Sabi ko, "Yung kulay blue nalang Darren, lalaki naman siya eh."
"Okay sige. Ay, heto, bagay na bagay sa anak natin 'to. Alright, tara sa counter." Kinuha niya ang formal suit na napili namin at dumiretso sa counter.
"Ito na po ba lahat Sir, Ma'am?" Tanong ng babae.
"May nakikita ka pa ba?" Pamimilosopo ni Darren.
"Ah, wala na Ms. Yan na lahat. Pasensya kana ha? May saltik kasi 'tong kasama ko."
"Okay lang po, Ma'am." Sabi niya at ngumiti sakin.
"Magkano?" Tanong ni Darren.
"3, 999 pesos po lahat, Sir." Sagot nito.
"What!? E kapirasong tela lang 'to ah! Tapos ganyan kamahal!? Naku!" Reklamo niya.
"Heto ang bayad Ms. Keep the change." Inilapag ko ang 4, 000 pesos sa counter at kinuha na ang binili namin. Habang nagrereklamo si Darren kasi kumuha na 'ko ng pera. Walang mangyayari samin kung ganito ka-kuripot ang kasama ko. Jusme, baka gabihin pa kami dahil sa pakikipag-away niya. Nakakahiyang kasama!
"T-teka, Pearl! Baby girl! Teka lang!" Habol niya sakin. Wala 'kong naririnig! Lalalala~ "Pearl, sorry na. E kasi naman nagtaka lang ako eh. Uy, sorry na."
"Wala akong naririniiiig~" Pakanta kong sabi at tinakpan ang mga tenga ko habang nakatingin ng diretso sa harap.
"Uy, Pearl, look I'm sorry. Nagkamali ako, oo. Sorry na. Hindi ko sinasadyang magbiro ng ganon. Sorry na. Bati na tayo, please?" Napatigil ako nang bigla niya 'kong i-back hug.
"Darren! Nakakahiya!" Pabulong kong sabi at tinapik ang mga kamay niya na nakayakap sa bewang ko.
"Wala akong naririniiig~" Siya naman ang kumanta ngayon. Aish, gaya-gaya.
"Darren, pinagtitinginan tayo. Nakakahiya." Pulang-pula na siguro ang mukha ko ngayon sa ginagawa niya. Agaw eksena kami sa gitna ng mall. Iihhh.
"Akala ko ba wala kang naririnig? Ngayon nagsasalita ka na?" Tanong niya sakin.
"Wala kang pake, Darren naman kasi. Nakakahiya oh."
"Wala din akong pake sa kanila. Ayaw mo 'nun, naipapakita kong mahal na mahal kita?"
"Masyado na tayong PDA dito, jusme Darren, bitaw na kasi." Ang higpit kasi ng yakap niya.
"Kiss muna dali." Nilagay niya ang baba niya sa balikat ko habang nakayakap para mailapit ang mukha niya sakin.

BINABASA MO ANG
Memories of the Past (One Liter of Tears)
Novela JuvenilHow would he bring back all their memories of the past if he's the reason why she forgot everything? Does he deserve a second chance to make all his doings and decisions right? Would she give another chance? Would she accept his love again? Let's re...