Chapter 1Masaya akong nagbukas ng shop ko. Kinabukasan na kasi ang first aniversarry nito. Hindi ko mapigilang mapangiti dahil naging successful ang business ko! High school pa lang, pangarap ko na kasi to.
By the way, my name is Menchi Atienza, from Quezon City, 30 years old, and I'm single. Wala akong asawa. Yung aso ko meron. May anak na nga sila eh?
Matapos kong ayusin ang tables and chairs sa loob ng cafe ko, biglang bumukas ang pinto. Babatiin ko sana siya ng good morning pero naunahan niya na ko.
He's not an ordinary customer.
"Hi Menchi." bati niya pa sakin.
"H-hi." I replied.
"Sabi nila dito daw kita makikita." sabi niya pa habang nag lalakad siya papalapit sakin.
"Oo. Hindi ko kasi kayang ipagkatiwala sa iba tong cafe ko. So, why you're here?" cool kong sabi para di niya mahalata na nanginginig ako.
He cleared his throat.
"Magpapagawa kasi ako ng cake." sabi niya.
"Oh, what kind of cake?" tanong ko habang kinukuha ko yung album ng mga cakes.
"Wedding cake." sagot niya. Bigla kong nabitawan yung album na hawak ko sa harap niya.
Wedding cake. Ikakasal na siya?
"Here." pag-abot niya sakin nung album. Fuck. Wedding cake! Nagpapagawa ng wedding cake yung ex ko! Oo, ex ko siya!
Siya ang huling boyfriend ko nung high-school. Siya ang boyfriend ko na nagpaniwala sakin na pwedeng mangyari ang fairytale sa totoong buhay. Tama nga siya. Natutupad nga sa totoong buhay ang fairytale, pero hindi yung mga magagandang bagay. Panay negative ang nagiging totoo.
Siya si Kenrich Asis. Hindi naman kami umabot ng taon, but it feels like it was. He's so gentleman, sweet, caring, kahit na di naman siya kapogian pero hindi naman siya panget.
"So, wedding cake... Uhm, pumili ka na lang ng design dito tapos pag-usapan natin kung ano yung mga details." sabi ko sa kanya. Umupo siya sa upuan at sinimulan ng tumingin ng mga design.
"Ang hirap palang mamili." sabi niya sabay hawak sa baba niya. Hindi ko siya pinansin. Ginawa ko na lang busy ang sarili ko sa kung ano-anong bagay.
"Uhm... Babalik na lang ako dito ha? Hindi kasi ako makapili." sabi niya.
"Okay sige."
Biglang dumating si Zafara sa shop at nagkamustahan sila ni Kenrich.
"Asensado ka na Ken ha?" sabi pa ni Zafara.
"Hindi naman masyado." sagot ni Ken.
"Oh? Engaged ka na?" tanong ni Zafara sabay hablot ng kamay ni Kenrich.
"Uhm... Oo..." nahihiyang sagot ni Kenrich sa kanya.
"Wow... Kaya ka ba nandito kasi magpapagawa ka ng cake?" usisa pa ni Zafara. Kanina pa tong babaita na to ah? Parang walang ibang tao!
"Yes."
"Oh... I see..."
Nag usap pa sila ng iba pang detalye sa buhay buhay nila hanggang sa nagpaalam na si Kenrich.
Habang papalapit si Zafara, tinititigan ko siya. Kasi naman, kung makangiti alam ko na ang sasabihin niya.
"Hay Mench, may ikakasal nanaman." sabi niya sabay bukas ng istante.
"So?" sabi ko.
"Single ka pa rin."
"Masaya na ko."
"Talaga ba?"
"Oo."
"Pero umamin ka, ang pogi na ni Kenrich ha? Infairness di na siya mukang baluga di kagaya nung high-school tayo." sabay kagat niya sa red velvet.
High school. Sabi nila ito na daw ang pinaka masayang stage sa buhay ng isang tao. Tama sila. Naalala ko nung nag pakasal kami sa marriage booth noon ni Ken, napaka saya. Pero di ko naman akalain na siya rin ang bibitaw.
"Haaaay..." paghinga ko ng malalim. Tinapik naman ni Zafara yung likod ko.
"Okay lang yan... Pwede ka namang sumigaw ng itigil ang kasal eh?" napakunoot ang noo ko.
"Praning ka talaga!"
"Hahahaha! Menchi, alam kong isang malaking sampal sayo na si Ken ang huli mong ex na nagpakasal for the past years! At ikaw, nandito sa cafe mo na kuntento na sa sweetness ng fondant at asukal!" sermon niya. Sabi ko na nga ba. Ayan nanaman ang iboboka niya sakin.
Sige na. Aamin na ko. Ako na lang ang di pa kasal samin. Ay hinde. Dalawa pala kami. Pero tama yung sinabi ni Zafara, isang malaking sampal sakin na malaman na may mga asawa na ang mga ex ko. At ako, wala pa rin.
Hindi naman ako panget. Sa totoo nga, may mga nanliligaw naman sakin. Kaya lang wala sa kanila ang mga tipo ko. Hanggang sa tamadin na kong mag entertain ng mga manliligaw at nag focus na lang sa business ko.
Natapos na ang buong araw at umuwi ako sa bahay ko. Naiisip ko pa rin kung pano kami nag hiwalay ni Ken, pano ko siya inisnob nung sinuyo niya ko ulit.
Kawalan ko ba yun?
Natatanong ko na lang yan sa isipan ko. Kapag ganitong nalulungkot ako, naiisip ko kung ano ang mangyayari sakin kapag wala pa rin akong asawa. Trenta-anyos na ko. Mahirap ng makahanap pa ng sasalba sakin.
Anniversary na ng cafe shop ko ngayon. Inimbitahan ko lahat ng kaibigan ko kahit na alam kong sila ang uubos ng paninda at pasensya ko.
Isa-isa silang dumating. May mga kasama pa silang asawa't anak nila.
Nagtatawanan na kaming lahat nang biglang may dumating pang isa.
Nakasuot siya ng red na polo shirt at naka jeans. Naka shades pa na akala mo naman artista. Action star. Yung ganun?
"Baklaaaa!" sigaw ni Zafara nang makita niya si JLo. Ooops. Hindi si Jennifer Lopez ha. JLo as in Jacinto Lorenzo. Opo. Bading po siya.
Bigla naman akong siniko ng pinsan ko na si Jenny.
"Ang pogi ni Jace, aminin..." sabi pa niya.
And I just scoffed.
As he walk, I just feel my heart beat so fast. Fuck.
BINABASA MO ANG
The Single's Problems
RomanceMalaya. Ayan lang ang magandang naidudulot ng pagiging single. Pero pagkatapos ng araw, maiisip mo na ikaw ay nag iisa. Meet Menchi. Ang running for Matandang Dalaga. Kayanin niya pa kaya ang buhay single kung ang lahat na lang ng kaibigan niya ay k...