Chapter 11: The Conversation, the Hug, and the Kiss

76 2 0
                                    


Chapter 11

Buong byahe tahimik lang si Jace. Ang tanging maingay lang ay si Zafara (always) at si Jenny. Hindi ako sanay na ganyan katahimik si Jace. Pero sa sobrang seryoso ng problema niya malayong mangyari na makamove on ng mabilis yan.

"Anong nangyari dun?" bulong sakin ni Stefie.

"Hindi ko alam." sagot ko.

Nilingon ko si Jace sa likod, matamlay siya. Nakatingin sa malayo.

"Ooooh. Ang hot! Bakla look oh?!" sabi ni Zafara nang makakita ng isang grupo ng mga lalaki. I must admit pogi at hot nga. Pero si Jace wala lang reaksyon. Tinignan niya lang atsaka balik sa pag tingin sa cellphone niya.

"Wow, lalaki na ata si Jace at di na kinikilig sa mga papables!" biro ni Dan na may hawak ng manibela. Nagtawanan naman silang lahat sa loob ng kotse, habang patay malisya lang si Jace.

Affected na affected siguro si Jacinto.

Matapos ang isang oras na byahe nakarating na kami sa resort. Ilang beses nang nagtatagpo yung tingin ni Jace at Rayniel. Habang busy naman ang lahat sa pag aasikaso ng pagkain, nakita kong nagpunta si Jace sa tabing dagat. Sinundan ko siya ng palihim. Nako naman wag naman sanang magpakamatay tong baklang to. Mapopolute ang dagat!

Nakita kong naglalakad na si Jace sa dagat. Kaya di na ko nagpabebe at sinigawan na siya.

"Hoooy Jacinto! Wag kang magpakamatay!" sigaw ko. Lumingon naman siya na parang what-the-hell-are-you-talking-about.

Lumapit ako sa kanya ng patakbo. Ang hirap naman kasing tumakbo sa buhangin no!

"Anong sabi mo? Wag akong magpakamatay?!" sabi ni Jace. Hinihingal naman akong tumango sa kanya at siya tumawa ng tumawa.

"Anong nakakatawa?" tanong ko.

"Gaga! Mahal ko pa buhay ko! Hindi ako magpapakamatay!" sabi niya.

"Eh anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

"Kukuha ng picture pang IG!" sabay labas niya ng cellphone at pinicturan ang dagat. Jusko! Nakahinga na ko ng maayos. Akala ko naman mag papakamatay na siya.

"Hay." pagbuntong hininga ni Jace.

"Mabuti pa yung dagat, walang pakiramdam kahit na gaano kalakas yung hampas ng alon sa mga bangka, barko, at mga bato. Samantalang ako bumangga sa isang gwapo pagbalik wasak... Nasaktan ko nanaman ang sarili ko." habang sinasabi ni Jace ang mga yan, unti-unting bumabagsak yung luha niya.

"Ang sakit lang dahil akala ko mahal niya talaga ko... na kuntento na siya sakin!" hindi ko alam ang gagawin ko kaya hinagod ko na lang ang likod niya.

"Shhhh... Tahan na bakla. Hindi niya lang alam kung gaano ka kasarap mag-mahal." sabi ko.

"Pano niya naman kasi malalaman na masarap ako mag-mahal kung panay cam to cam lang kami. Huhuhu! Walang live?!" iyak pa niya.

Hay nako... May problema na nga kabalastugan pa rin ang nasa isip. Kapag si Jace talaga ang kausap mo kailangan maingat ka sa choice of words mo.

"Pang cam to cam ka na lang yata talaga eh?" Pang asar ko. Tinignan niya ko ng masama at nagsumimangot ng pagmumukha. I tried my best to reach his shoulder para maakbayan ko siya.

"Okay lang yan Jace, nakareserve ang beauty mo para sa isang tao na deserving sa yummyness mo!"

"Hay nako Lord, ngayon na po please?" naka sara yung kamay niyang sabi at saka tumingin sa langit. Natawa na lang ako sa ginagawa niya.

The Single's ProblemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon