Chapter 28: Emptiness

48 1 2
                                    

Chapter 28

-Menchi's POV-

This is one of the ordinary days. This is one of the days that I woke up with no one to greet and no one to laugh with in the dining table. This is one of the ordinary days where, I'am used to. Limang taon na kong naninirahan mag isa. Sanay na ako.

Routines: dressed up, eat well, take vitamins, straight to the café , serve the customers, and go back home.

Never give yourself any kinds of distraction and focus... Focus on your career.

"Good morning!" Bati ko sa pumasok na customer. Iniangat ko ang ulo ko para maging sincere ang pagbati ko sa customer. Pagka angat ko ng ulo, si Ian ang nakita ko. I give my best smile to him and he did the same.

"You look good." Bati niya. Umupo siya sa counter at binuksan ang menu.

"Thank you." Nakangiti kong sagot sa kanya.

"May I take your order, please?"

"The usual and your answer to this question." Sabi niya. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Pwede ka ba mamayang 7:00 pm? Let's have a movie date." Yaya niya.

"Siguraduhin mong movie date yan ha, hindi networking." Biro ko at natawa naman siya.

"No, no. This is a movie date. So what?"

"One hot choco milk drink, one oatmeal cookie and a yes to a movie date." Ngumiti ako at ngumiti din siya.

Matagal na rin naman akong di nakaka labas. Ilang araw na rin akong kinukulit ni Ian na umalis. Wala naman akong gagawin, kaya pumayag na ko.

"Ma'am dapat mag ayos ka na. Wag ka ng magtagal sa store." Sabi ni Lexa.    Ang head of waiter ko at siya ring pinag kakatiwalaan ko.

Tinignan ko siya ng masama. Malamang narinig niya yung sinabi ko kay Ian.

"Maayos naman ang itsura ko ha?" sabi ko sa kanya.

"Hay nako naman, ma'am! Si sir Ian lang ang lalaking nakita kong nakapansin ng ganda mo, kaya dapat handa ka!"

"Loko ka talaga, Lexa."

"Ma'am naman kasi. Tumatanda na tayo kaya kapag may chances na ganyan wag mo nang pakawalan!" Bigla kong binatukan si Lexa.

"Aray ko naman ma'am!" Sigaw niya.

"Mga iniisip mo naman kasi eh. Wag kang mag alalala, mag aayos ako." Sabay ngiti ko.

"Tignan mo to si ma'am. Binatukan pa ko mag aayos din naman pala."Reklamo niya. Nginitian ko na lang siya sabay abot sa kanya ng order ni Ian.

Mga bandang alas-dose ng tanghali, umalis na ako sa café. Umuwi ako para mag pahinga. Narealize ko kasi na tama si Lexa. Kailangan ko ng mag ayos. Nanlalaki na ang eye bags ko, pagod na pagod na yung itsura ko. Wala pa kong anak pero mukhang isandamukal na ang problema ko.

May ibubuga din naman ako. Mahaba ang buhok ko, hindi ako mataba, makinis ang mukha at balat ko, isa pa, hindi ako gaanong pango. Maliit man ang height ko, bumagay naman sa itsura ko. Dapat na nga sigurong ilabas ko ang ganda ko. Wala namang masama sa gagawin ko.

Wala namang lalaking na-iinlove sa mga babaeng plain lang. Kung meron man, bandang huli din, sasabihan nila ang mga girlfriend nila na mag ayos.

Pagkarating ng alas singko, nag ayos na ko. Pinlantsa ko ang buhok ko, naglagay ng kaunting make up, nag suot ako ng navy blue na dress na hindi gaanong maiksi. Mga 6:30 pa lang nasa harap na ng bahay ko ang sasakyan ni Ian. Sinilip ko siya at napaka gwapo niya sa kulay puti niyang polo shirt at khaki na pantalon.

Bigla akong nakaramdam ng kaba sa dibdib habang papalapit siya sa gate ko at lalong lumakas pa ang kabog nito ng nag door bell na siya. Nagpabebe muna ko ng ilang sandali bago ko binuksan ang gate.

"Wow. Grabe! Hindi ko akalain na mag aayos ka ng ganyan." Sabi niya habang naglalakad ako papunta sa gate para pag buksan siya.

"Hay nako. Wag kang mang bola!" Biro ko. Pumasok muna kami sa loob habang inaayos ko pa ang mga gamit ko sa bahay bago umalis.

Nang matapos ako, sumakay na kami sa sasakyan niya. Tahimik lang akong naka upo habang nagamaneho siya.

"Patugtog tayo ha." Paalam ko sa kanya habang namimili ako ng CD.

Kaya lang, parang ayoko na lang magpatugtog ng makita kong pareho sila ng taste ng music ni Jace. Well, magkaibigan nga pala sila so malaki talaga ang chance na pareho sila ng pinapakinggan na banda.

Nilapag ko na lang ang mga CD ulit. "Wala akong mapili." Sabi ko pa.

"Ganun ba. Okay lang ba sayo kung ako ang mamili?" Sabi niya naman. Kinuha niya yung mga CD habang naka tigil kami sa stop light.

Kinuha ni Ian yung album ng Maroon 5 at pinatugtog. Hindi na  ako umangal. Kotse niya to, treat niya to, at higit sa lahat ayokong sirain ang gabi na ito. I will own the night and I will not let my emotions and memories to ruin it.

But that's what I think will happen. Not until Maps by Maroon 5 played. It sank deep down my heart. It tore something. Memories flashed. Nararamdaman ko na ang luha ko. Papatak na sila isa-isa.

Isa pa. Hindi dapat ako umiyak.

But I wonder where were you when I was on my worst down on my knees
And you said you have my back
So I wonder where were you when all the words you took came back to me
So I'm following the maps that leads to you

He's not worth of anything.

Not one drop of tears.

Not one heart beat.

Nothing.

Kaya kong mabuhay ng wala siya. Hindi dapat ako maapektuhan ng sobra.

Natapos ang kanta at nabalik ako sa ulirat.

Kasabay ng pag palit ng red light sa green, dapat ganun din kabilis ang pag momove on ko sa kanya. We've been together in a solid friendship. I even hoped that we can change how the world revolve. How this world revolves. But in the end, I'm wrong.

Kaya pala, maling umasa. Ngayon alam ko na.

The Single's ProblemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon