Chapter 6Walang katao-tao sa cafe ngayon. Twelve o'clock na ng tanghali pero yung benta ko waley pa rin. Dumadating talaga sa point na ganito ang nangyayari, kaya nagdesisyon ako na aliwin muna ang sarili ko ngayon. Ilolock ko na sana ang pinto kaya lang may nagsalita.
"Close na? Maaga pa ha?" natigilan ako sa boses na narinig ko.
Dahan-dahan pa kong lumingon na.parang suspense ang peg.
"Kamusta?" sabay ngiti niya.
"Jerry?" halos pabulong kong sambit sa pangalan niya.
Oh my god... Ang pogi mo pa rin... Halos sigaw naman ng utak ko.
Binuksan ko ulit ang cafe ko para makapasok kaming dalawa pero hindi ako tumatanggap ng customer para masolo namin ni Jerry ang buong lugar.
"Sabi sakin ng mama mo mayaman ka na daw, totoo nga..." sabi niya pagkalagpag ko ng iced tea at isang slice sa isa sa mga best seller na cake sa cafe.
"Hindi naman. Maliit na business lang to para may pagkaabalahan ako." sabi ko sabay ngiti.
Hindi ko mapigilan ang sarili kong di tumingin sa kanya. As in parang hindi nagbago ang mukha niya. Para pang walang pores ang pagmumukha nito dahil walang bakas ng tigyawat! Napunta lang ng America rich kid na ang balat?! Hustisya naman sa nasa Pilipinas uuy!
"Sabi mo wala kang ginagawa."
"Uhm... Wala naman. Itong cafe lang."
"Oh?! Edi pwedeng pwede kang sumali sa networking namin?"
"Networking?"
"Oo. Yayaman ka pa lalo Menchi."
"Networking talaga ang iniaalok mo sakin?"
"Oo ano ba sa tingin mo? Hindi ako nag A-Avon o Natasha eh?!"
"So pumunta ka talaga dito para lang sa networking? Bakit sa networking na ba yan mapapaltan na ang civil status ko ha?!?! May business na ko! Mayaman na ko! Kaya layas!"
"Pero Me---"
"Tangina ingungudngod ko sa icing yang mukha mo!"
Sabay kamot niya sa ulo at saka umalis.
Nanghihina akong umupo sa upuan ko. Networking? Mukha ba kong mahirap sa kanya? Akala ko ba galing siyang America? Wag niyong sabihing pumunta siya sa US para sa networking??!!!!!
Itinuloy ko na ang naudlot kong plano sa pag punta sa mall.
Kung tinatanong niyo kung bakit ganun ako kabeastmode kay Jerry eh dahil matagal ko na siyang crush. There's some rumors na crush din daw ako ni Jerry. Minsan lang kami magkita noon kaya kapag nagkikita kami talagang quality time. Until he received a call from his aunt who migrated in US. Inampon siya para makapag aral.
Sweet-sweetan kami kapag magkachat kami. Medyo nag laho lang nung maka tatlong taon na siya doon. At ngayong bumalik siya, inaamin ko umasa ako na ang iaalok niya sakin ay ang maging girlfriend niya ako. Alam niyo namang matanda na ko. Desperada na. Hay, oo na desperada na ko.
Mga ilang sandali pa, tumutulo na ang luha ko. Napaharap ako sa salamin.
"Tangina maganda naman ako ah?" sabi ko pa, then I brush away my tears.
=====
Hindi ko ugali mamili mg damit at nang kung ano-ano pa. Sabi ko nga sa inyo matipid akong tao. At isa pa kapag maayos pa ang mga damit ko hindi pa ko nabili. Nakakatamad din kasing maglaba ng marami (roll eyes)
With a frappucino from Starbucks in my hand, I stroll around the river park of the mall and then I saw a wishing well.
Napatigil ako nang ilang segundo sa tapat nun. Maraming naghahagis ng barya doon, mostly mga teen ager. Nagbabalak akong mag wish. Kaya lang parang nakakahiya. Una dahil sa matanda na ko, at desperada na kaya kahit wishing well pinapatos ko na. Pangalawa, panay bata ang nandito. Pagchismisan pa ko niyan na matanda na ko pero naniniwala pa rin ako sa mga bullshit na'to!
Kumuha ako ng sampung piso na barya, mas malaking barya mas mabilis na bisa! Kating-kati na ko magkalovelife simula nung alukin ako ni Jerry ng networking!
Pumikit ako gaya ng mga nakikita ko sa palabas at pinagdikit ang palad na parang nanalangin.
"Sana, dumating na yung taong mamahalin ko, pakakasalan ko, at bibigyan ako ng magandang buhay. Ang sign na dumating na siya gusto ko pagmulat ko makita ko siya magkarong ng spark at heart shape sa paligid, mag slow motion ang buong lugar at higit sa lahat ilibre niya ko sa isang mahal na restaurant!"
Sabay bato ko ng barya sa well.
Pagmulat ko yung fountain ang nakita ko. Pero nung lumingon ako...
Dug.dug.dug.dug
"Paksht. Bakit siya?" sabi ko na may halong dismaya at gulat.
Sana pala hindi na lang ako nanghingi ng sign... (*sigh*)
BINABASA MO ANG
The Single's Problems
RomanceMalaya. Ayan lang ang magandang naidudulot ng pagiging single. Pero pagkatapos ng araw, maiisip mo na ikaw ay nag iisa. Meet Menchi. Ang running for Matandang Dalaga. Kayanin niya pa kaya ang buhay single kung ang lahat na lang ng kaibigan niya ay k...