Chapter 31: Choices

45 2 0
                                    

Chapter 31

-Jace-

One year later

I check my emails like I always do. Panay emails galing sa mga kaibigan ko. They were all asking if I'm okay. Akala ko nga kapag nag tagal mag-sasawa din silang padalhan ng email pero nagkamali ako. Halos araw araw ata akong may natatanggap. Ang pinaka marami atang email saakin ay si Zafara. Kinukulit niya akong umuwi bago siya manganak. At eto nga ang laman ng latest niyang email. Picture ng anak niya. Inedit niya pa at nilagyan ng 'Hi, ninong! Kailangan ko ng sponsor umuwi ka na.' Natawa naman ako ng sobra. Hindi pa rin kasi nag babago si Zafara. Makulit pa rin siya.

Palagi din akong nakaka receive ng email galing sa website ng café ni Menchi. Natutuwa ako dahil dalawa na ang branch ng business niya.

Being alone makes me stronger than before. I learned how to stand for my own, I learned how to be happy to the things that I have, and I learned how to be contented. Mahirap man pero kailangan maging tama na ang mga decision at mga pag pili ko.

Maraming nang yari sa isang taon, sobrang daming ups and down. With thr help of my family and some new friends that I make here in New York, nakayanan ko.

"So kailan ang flight mo?" Tanong ni Maggie sakin.

"Sa susunod na miyerkules." Sagot ko sa kanya.

I can't wait to go home. Panahon na para humingi ako ng tawad sa mga taong nasaktan ko, lalo na kay Menchi. May isang e-mail siya saakin na nagpabago ng buhay ko. That was five months ago. Masasabi ko na isa ang email ni Menchi sa mga dahilan kung bakit ako nag bago. I'm so excited to tell her that I changed.

"Alam mo mamimiss ka namin dito, bakit ba kasi kailangan mo pang gumorabels?" Tanong ni Rica.

"Namimiss ko na ang Pilipinas. Ang lamig lamig kasi dito gusto ko na ulit maranasan ang init ng araw." Sagot ko sa kanila. Sumang ayon naman silang lahat.

"Anong oras ba ang flight mo?" Tanong saakin ni Alvin. "Baka magkasabay pa tayo."

"Ano? Aalis ka din papa Alvin?" Tanong ni Martha.

"Yes. Sorry for the short notice guys. Kailangan eh? Nasa ospital ang tatay." Paliwanag niya. "Mga 7:30 PM ang flight ko may time pa tayo para makapag lunch." Sabi pa niya.

"Huh? Sabay tayo ng flight!" Excited kong sabi.

"Tamang tama. Hindi ako mabobored sa byahe." Sabi ni Alvin.

Pagkatapos namin mag dinner pumunta ako sa terrace at tinignan ang mga picture ng mga kaibigan ko na naka post sa instagram. Gumamit ako ng dummy account para maging updated sa mga pang yayari ng buhay nila.

"Pare, kape tayo." Sabi ni Alvin habang umuupo sa couch.

"Sige, thank you." Sagot ko.

Alvin, Maggie, Martha, and Rica are my friends here in New York. We live in the same roof. They are the one who helped me in making choices to be ready in facing my ghost. Rica was Ricardo before. Yes, she was a transgender. Like me, she loved but she was never loved back. She gave everything but she got nothing. Maggie and Martha is the best twins I ever met. They were both divorced with their American husbands. Alvin was also like me. He was a bisexual before but after realization, he chose to find a girl that will make him happy and a girl who'll love and accept his past.

Those people's stories helped me to rise up and build myself up. Lalo na si Rica at Alvin. They gave me all the possible things that would happen if I listen to my heart all the time. Rica sacrificed her whole personality for the man she once loved but the end he left. She taught me, never give all your efforts to the person you think perfect, based on her own experience.

Si Alvin naman, tinulungan akong magpaka lalaki. He was always taking me to gyms and go for a run. He keeps on giving me doctrines about life and how good to be a man.

Utang ko sa kanilang lahat ang mga pagbabago sa buhay ko. Isang taon lang kami nagkasama sa iisang bubong pero pakiramdam ko napaka tagal na naming magkaka kakilala. Sigurado akong mamimiss ko sila.

"Bat napaka lalim naman ata ng iniisip mo?" Tanong sakin ni Alvin.

"Naalala ko kasi yung mga araw na nag sisimula ako dito, tapos yung mga araw na nalilito ako sa feelings at pagkatao ko. Basta madami akong iniisip!" Natatawa kong sabi.

"Ano ka ba, kaya mo yan. Para naman yan sa mga taong mahal mo. Alam ko na, hindi mo kakayanin ang lahat ng bagay na ito kung wala kang inspirasyon, kaya Jace, sana pagbalik natin dito sa New York o kung mag kita man tayo sa Pinas dapat lalaki ka pa rin. Kung hindi, isang oras kitang patatakbuhin sa buong Luneta Park!" Pag babanta ni Alvin sakin at natawa lang ako.

Natahimik kaming dalawa at biglang lumabas din sa terrace si Martha at Maggie. Si Martha naka simangot ang mukha habang naka harap sa kanyang cellphone.

"Bakit ka nanaman naka simangot dyan, Martha?" Tanong ni Alvin.

"Yung ex husband ko kasi, masyadong makapal ang mukha. He wants me back, ew." Sabi niya. Natawa naman kamk sa facial expression ni Martha.

"Buti ka pa, gusto niyang bumalik sayo..." Sabi naman ni Maggie sa kambal niya. Binatukan naman ni Martha ang kambal niya sa narinig niya.

"Aray naman!" Reklamo niya. "Nag bibiro lang naman ako, noh! Why would I go back to hell when I had a little taste of heaven?" Dagdag pa ni Maggie.

"Tama, hindi na dapat balikan ang mga nakaraan pati na ang mga tao na nainvolve!" Sigaw naman ni Rica na kararating lang sa terrace at may dala dalang bote ng wine at limang goblet glass.

"What's that for?" Asked Alvin.

"For us, choosing to forget all the past memories and the fucks and down." Sagot ni Rica sa kanya.

"Ups and down yun di ba?" Komento ni Martha.

"Wag kang basag trip, kambal ha?!" At saka kami nag tawanan.

These people never failed to make me laugh as they never failed to smile in the middle of the catastrophe of their own lives. I'm so happy that I met them and become a family.

Totoong mahirap mag move on, pero totoong nagiging madali iyon kung may mga tao kang kasama na magpapalakas sayo at mga taong dumadaan din sa kaparehong sitwasyon mon. I feel so relief. After all these years, naka move on na ko sa lahat ng bagay. Lalo na sa naging relasyon, kung yun man ang maitatawag sa nangyari saamin ni Rayniel.

Wala na akong balita sa kanya, ang huling balita ko, hindi na pinayagan ang fiance niya na magpakasal sa kanya matapos ng nangyaring pagkalat ng sex video namin. Isang malaking kahihiyan ang video na yun, lalo na kay Rayniel na ikakasal na dapat. Serves him right.

Nang matapos naming maubos ang isang boteng wine, bumalik na kami sa kanya kanya naming kwarto. Agad kong binuksan ang laptop ko at nag bukas ng email. Binasa ko ng paulit ulit ang email ni Menchi.

Jace, kasalanan mo to! Hindi ko magawang mahalin si Ian kahit na nasa kanya na ang lahat. Ikaw at ikaw at ikaw at ikaw pa rin ang gusto ko. Oo, crush kita noon pa. Simula pa high school tayo! Kita mo, ganyan ka kamanhid! Mahal na mahal kita pero higit pa sa kaibigan. Pero alam ko naman na hindi mo ko mamahalin dahil hindi ako ang tipo mo. Ang mga gaya ni Rayniel ang gusto mo... Jace, bumalik ka na, kahit hindi ka maging sakin, kahit maging mag kaibigan tayo habang buhay, bumalik ka lang... I miss you so much...

Nung una, natakot ako sa nabasa ko. Hindi ko alam kung bakit ako natakot pero isa siguro sa dahilan, ay hindi pa ko handa ng mga panahon na yan. Takot ako na makapag salita nanaman ng hindi maganda, o makapangako nanaman ako ng hindi ko kayang tuparin. Sobrang gulo ng isipan ko. Pero hanggang ngayon, habang binabasa ko ang email ni Menchi, napapa ngiti ako.

Sana lang pagpabalik ko, siya pa rin si Menchi na dakilang single. Sana siya pa rin si Menchi na sisigawan ako kapag nangupit ako ng cookies sa cookie bar niya. Sana siya pa rin si Menchi na walang sawa sa pakikinig ng lahat ng kabaklaan ko. Sana siya pa rin si Menchi na bestfriend ko, na minahal ako kahit na hindi ako karapat dapat. Sana kapag minahal ko siya ng lubos, hindi pa sila ni Ian.

Alam ko na ang pagkakaiba ng dikta ng puso at isip. Sa oras na ito, alam ko na para kay Menchi ang lahat ng ginawa kong pag babago. I make myself worthy enough for her love. I will be a man for her.

The Single's ProblemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon