Chapter 21Nagulat ako ng makita ko ang mukha ni Rayniel sa harapan ko.
"Welcome to my stag party, babe." Sabi pa niya. Napalaki ang mata ko ng sabihin niya ang mga linyang yan. Bakit naman hindi?! Hello dim lights dancing whores on the couch, drinks, and a loud music. It's definitely his stag party and not a client meeting.
Agad akong tumalikod para umalis dahil ayoko namang pumunta dito. Nakakainis lang kasi dahil napagtripan nanaman ako! Naglalakad ako ng biglang pinigilan ako ni Rayniel. Automatic na tumigil ang mga paa ko sa pag-alis, kasabay ng pagdating ng milyung-milyong boltahe ng kuryente sa katawan ko. Ngayon ko na lang ulit naramdaman ang mga hawak niya. Ten years ago to be exact.
Matagal ko ng hinihintay ang pagkakataon na mahawakan at maramdaman ang totoong presensya niya. Wala ng computer screen sa pagitan namin. Wala ng dagat ang dapat pang tawirin para lang makita siya. Nandito na siya sa harap ko. Hawak niya ako sa braso. Ramdam na ramdam ko siya ngayong oras na ito. I hate to stay, but I want to.
"Wag ka munang umalis. Ngayon na nga lang tayo nagkita in the flesh eh?" Sabi niya habang nay naughty smile sa mga labi niya. Omg! Pwede bang mag CR muna?! Naiihi na ako sa kilig.
"Oo na hindi na ako aalis." Sabi ko. Inakbayan niya naman ako.
"Thank you, ah!" Sabi pa niya.
"Hindi mo naman kasi ako kagaya na nang iiwan..." Bulong ko.
"May sinasabi ka ba?"
"Wala! Baliw to."
And so the party was so wild. They bring the ambiance of the bars outside here. Nakakainis lang dahil may mga hipon pa silang inarkila, nag abala pa silang bigyan ako ng back up. Ako lang naman kasi ang dyosa dito noh?! Ano sila? Bisugo! Uminom kami ng uminom. First time ko lang gawin to kasama siya kaya dapat ko ng sulitin dahil huli na'to panigurado.
Medyo umiikot na yung paningin ko ng akbayan ako ni Rayniel habang may dala-dala siyang isang bote ng Jack Daniel's.
"Jace, sorry kung pinaasa kita ha?" Sabi niya. Alam kong medyo malakas na rin ang tama ng alak sa kanya kaya hindi na ako mag-aaksayang paniwalaan na sincere ang apology niya.
"Oo na. Past is past." Sagot ko habang tinutulungan ko siyang mag-lakad papunta sa kama. Party is over. Hindi ko naman siya maiwanan na makalat at naka-handusay lang sa sahig. Tapos na rin siyang molestyahin ng mga hipon na sumayaw sa stag party niya.
And besides, I still care for him. Bigla niya naman akong hinila pahiga sa tabi niya. Jusko! Para akong hihimatayin na ewan dahil kahit na amoy alak na siya, amoy na amoy ko pa rin ang pabango niya. Plus, the pinkish cheeks of him caused by the alcohol.
Hindi ko rin maalis ang mga braso niyang nakapolupot sa akin. Hindi na ko makahinga sa kilig, sa kaba, at sa init ng katawan niya. Ramdam na ramdam ko na rin ang bawat paghinga niya. Ang intense na ng atmosphere! Omg!
"Rayniel, bitiwan mo ko. Kukuha kita ng mapreskong damit, nasan na ba yung maleta mo or something-"
"Shh... Maghuhubad na lang ako." Pagputol niya sa sinasabi ko. Bigla akong nakaramdam ng kuryente sa katawan ko dahil sa mga sinabi niya. Kahit na hirap na siya sa pag-mulat ng mata dahil sa kalasingan, pinilit niya pa rin para makipag titigan saakin.
"Gusto mo ba ituloy natin yung naudlot nating sex sa L.A.?" Sabi niya sabay tawa niya ng nakakaloko.
Gosh. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Alam kong imoral at makasalanan ang gusto niya na any minute ay gugustuhin ko na rin. Ayokong mag-panggap. Ito ang bagay na inaantay kong mangyari saamin ten years ago. Ito ang bagay na inaantay ko, in the flesh, without the seas in our midst, without the cameras and computer screens. He's in here right beside me.
BINABASA MO ANG
The Single's Problems
RomantiekMalaya. Ayan lang ang magandang naidudulot ng pagiging single. Pero pagkatapos ng araw, maiisip mo na ikaw ay nag iisa. Meet Menchi. Ang running for Matandang Dalaga. Kayanin niya pa kaya ang buhay single kung ang lahat na lang ng kaibigan niya ay k...