Chapter 17Ernie got a chance to know Ian more when he went to my cafe one time. And Jace was their topic. Simula nung nangyari sa restaurant, hindi pa kami nakakapag usap ulit ni Jace. Half of me was pushing me to make the first move, but my other half is keeping on sending back all the words that he said.
"Ate kanina ka pa tulala. Nakikinig ka ba sa sinasabi ko?" Nabalik ako sa katinuan nang alugin ako ni Melisa sa braso.
"Ah... Oo naman, narinig kita." Sabi ko.
"Sabihin mo kay Jace siya ang partner mo ha?"
"Hah?! H-hindi pwede!" Agad kong sagot.
"Sabi ko na nga ba hindi ka nakikinig. Kanina ang sabi mo sakin payag ka na partner si bakla, ano bang nangyayari sayo? Okyupado masyado yang isip mo."
"Kulang lang ako sa tulog. Wag na lang si Jace ang partner ko, busy yun sa trabaho hindi ka mapagbibigyan non."
Nakumbinsi ko si Melisa na kamag anak na lang ng mapapangasawa niya ang gawin kong kapartner. Kahit sino, wag lang si Jace. Masasaktan lang ako lalo. Iniisip ko pa lang na mauuna ng ikasal amg bunso kong kapatid sakin, masakit na, ayun pa kayang isipin na naglalakad nga ako papuntang altar kasama ang mahal ko, abay lang naman kami.
Ngayong araw na ang alis namin papuntang Las Vegas para sa kasal ni Ernie. Nauna na sila ng fiance niya doon, para ayusin ang ilang bagay. Nagpunta muna kami sa simabahn bago kami pumuntang airport.
Nasa magkabilang dulo kami ng uouan ni Jace. Tinitigan ko siya habang nagdadasal siya. Hay... Masokista mode on nanaman kaming mga single. Alam kong pangarap ko ang magkaroon ng pamilya, pero kada nagpupunta ako sa kasal, parang unti-unting nag lalaho ang pangarap na yon.
Pero hindi pa rin ako tumitigil sa pagdadasal. Imbis na sa pag-iingat ang dasal ko, nauwi sa buhay pagibig ko.
Lord, tulungan niyo sana akong tanggapin ang katotohanan na hindi ako kasama sa bilyung-bilyong tao na binigyan mo ng jowakels. At sana, matanggap din ni Jace na hindi pantay ang buhay. Bigyan niyo na lang sana siya ng taong makakasama nang matigil na ang pag dadrama sa buhay ng baklang yan.
Alam ko naman na iiyak nanaman yang si Jace at sasabihin niyang mas maganda naman siya sa mga kaibigan namin pero siya ang walang love life. Magpapantasya nanaman siya na kawalan ni Rayniel ang iwan siya kahit na, hindi naman talaga sila nagkaroon ng relasyon.
Kahit na anong gawin kong iwas kay Jace buong byahe, wala ring nagawa dahil magkatabi kami sa eroplano. Bullshit lang dahil ilang oras kaming babyahe at kailangan kong tiisin yun nang katabi siya. Hindi pa rin kami nagkaka-ayos ni Jace. Malabong mangyari yun dahil mataas ang prideng baklang yan.
Hindi kami magkakaayos hangga't hindi niya sinasabi kung anong problema niya kay Ian. Wala naman siguro dahil magkaibigan sila. Pero bakit kaya ganun na lang kung kumulo ang dugo niya dun sa tao?!
Sobrang taas talaga ng pride ni Jace. Hanggang sa nakarating kami sa Las Vegas, hindu niya talaga ako kinakausap. Edi okay! Medyo maganda na rin yan para wala akong responsibilidad na patahanin ang insecure na bakla na yan. Hay nako! Pagod na kong maging stress sa kakaisip kung anong problema nila.
x x x
Nag-ayos na ako ng sarili ko para sa pinaka importanteng araw ni Ernie. Ayoko sanang pumunta dahil may business ako, but he's my friend, we promised each other that we should prioritize our friendship over our stuff, kaya walang choice. Saka first time ko sa America, ayun na lang ang iniisip ko sa oras na to.
Paglabas ko ng kwarto, nakita kong kalalabas lang din ni Jace. Gosh, I almost drool at him. Hindi naman ito ang unang beses na nagsuot siya ng formal attire pero parang bago lang sa paningin ko ang itsura niya ngayon. Nahuli niya akona nakatitig sa kanya kaya inalis ko kaagad ang tingin ko. Mabuti na lang at nakalabas kaagad ang mga taken kong kaibigan.
BINABASA MO ANG
The Single's Problems
RomantikMalaya. Ayan lang ang magandang naidudulot ng pagiging single. Pero pagkatapos ng araw, maiisip mo na ikaw ay nag iisa. Meet Menchi. Ang running for Matandang Dalaga. Kayanin niya pa kaya ang buhay single kung ang lahat na lang ng kaibigan niya ay k...