Chapter 29: Missing You

61 1 0
                                    

Chapter 29

-Jace's POV-

I'm looking at the window with my mind flying somewhere. I'm not in the mood to do anything. I lose everything. I lose my friend. I lose him, even though he was not totally mine. And I gave myself to someone that I know from the start would never be mine.

"Anak kumain ka na." Pagkatok ni Mama sa kwarto ko.

"Bababa na lang po ako." Sigaw ko sa kanya. Narinig ko namang umalis siya kaya bumalik ako sa pag mumuni muni.

Sobrang daming pumapasok sa isip ko. Puro tanong na alam ko namang sarili ko lang ang makakasagot. Pero natatakot na kong pag katiwalaan ang sarili ko. Hindi ako sanay na wala siya. Hindi ako sanay na wala ang mabungangang si Menchi. Hindi ako sanay na may boses na bakla ako, 50% lang ang chance na mahalin ako ng taong gusto ko (especially kay Rayniel).

If most of the people doesn't know where the tiny voices in their mind comin' from, I'm lucky because I know that, the annoying tiny voice that reminding me of all the things is her voice.

She's my friend, my sister, my soulmate, my conscience, my everything. How could I lose someone like Menchi? She's the kindest person I've ever met.

Tears. Tears cannot bring her back, it can't bring back our friendship. Gusto ko mang ayusin to, pero tama na. Masyado ko na siyang naabala.

I sighed hard as I watched the skies. If she was here, she would remind me about the beauty of life and how I should enjoy it after all the mess. She always wants me to be happy.

I'm going to build myself again. Maybe in some town that no one can recognize me. Or maybe to another country? Hongkong? Singapore? Italy? I can go anywhere else to start my life again. I will be back here when I already find myself again. I will boast to her that, 'hey. It is you who changed me til the end.'

And to start it, I'm going to wipe these tears away, and stand up.

"For Menchi, I will change." Words came out of my mouth automatically, surprisingly, I never felt any regrets. Truly, this is for her.

• • •

I packed everything. Ilang araw lang simula nang pinlano ko ang pag alis na to, nakahanap na kaagad ako ng mapapusakan sa Canada. Sa Hongkong sana ako pupunta kaya lang, wala akong mahanapan na Structural firms na kailangan ng architecture. And, I want to leave as soon as possible.

"Anak naman, wala na nga ang papa pati ba naman ikaw aalis ka na rin?" Iyak ni Mama. Niyakap ko siya at pinunasan ang luha.

"Madir, hindi naman ako mag tatagal dun. Wag kang mag alala, pag uwi ko dito Dyosa na ko!" Bigla akong hinampas ni Mama sa dibdib.

"Mother! Kapag ako nagka breast cancer ha?!" Pabiro kong sabi. Pero lalo lang siyang umiyak.

Sumakay na ako ng taxi papuntang airport, ibinilin ko kay Mama na mag palit na kami ng home telephone number. Baka kasi biglang tumawag ang mga kaibigan ko sa kanila. Ayoko munang magkaroon kami ng komunikasyon. Pati mga kapatid ko inutusan kong magpalit ng number at i-unfriend sila sa FB at sa kung saan-saang social media sites.

Mamimiss ko silang lahat. Pero kailangan kong gawin ang mga ganitong bagay para sa sarili ko. Hindi ko naman kaya na palagi na kang akong pabigat sa kanila. Babalik din naman ako, kapag kaya ko ng harapin lahat ng pag kakamali ko. Yung tipong hindi na ako mahihiya sa sarili ko kapag na alala ko yung mga nangyari? Lalo na ang mga alaala namin ni Rayniel.

Habang papalapit kami sa airport, nagbabadya nanaman ang luha. Mamimiss ko lahat ng kaibigan ko. Sila lang ang mga taong nagtagal sa ugali ko. Pero may dulo nga ang langit.

Before I stepped in to the airplane, I mouthed good bye to the old Jace.

• • •

-Menchi's POV-

Five months later

"Congratulations!" Sabay cheers namin ng mga wine glass. Hindi ko aakalain na makakapag tayo ako ng isa pang branch ng cafe ko. Dumami pa ang mga customer ko online.

"Ayun na si Ian!" Sigaw ni Zafara.

"Hey, sorry kung na late ako. May tinapos pa kong meeting." Pagpapaliwanag niya.

"Okay lang. Kumain ka na muna." Nakangiti kong sabi sa kanya.

Bigla naman akong biniro ng mga kaibigan ko. Nakunwari silang lahat na nasasamid.

"My god! Baka mapa anak ako nito sa kilig ha?" Sabi ni Zafara at nagtawanan lang kami habang hinihimas niya ang bilog na bilog niyang tiyan.

Five months without Jace. Hindi ko namalayan na limang buwan na pala ang nakalipas. Wala akong balita sa kanya, kahit sino saaming lahat. Maayos naman ang naging takbo ng buhay ko. Salamat kay Ian na palaging nasa tabi ko, at syempre ang mga kaibigan ko na hindi ako pinababayaan.

"Congratulations, Menchi. I'm so proud of you." Sabi ni Ian,
Habang sinamahan ko siyang kumuha ng pagkain.

"Thank you. Hindi ko naman magagawa to kung wala kayong mga kaibigan ko." Sagot ko sa kanya.

Matapos ang maikling pag uusap dumiretso kami sa table kung saan nandun silang lahat. Magkatabi kaming umupo ni Ian at hindi ko alam kung anong meron sa mga abnormal kong kaibigan kung bakit sila nakatitig saming dalawa.

"Grabe ha. Tunaw na us." Biro ko.

"Hay nako. Sigurado ba kayong hindi kayo mag jowa?" Tanong ni Yna.

"Baliw nanaman kayo. Friends lang kami ni Ian." Sagot ko. "Di ba?"

"Oo, friends pa lang kami." Paglilinaw ni Ian. Bigla namang na hiyawan ang mga lokoloko kong kaibigan.

Oo na, maliligaw ko na si Ian for two months. Hindi ko rin alam kung anong nakita saakin ni Ian at bigla niya akong niligawan. Nung una, hindi ko siya pinapaniwalaan. Pero nakita ko ang sinseridad niya nang mag punta siya sa bahay ng mga magulang ko at doon pormal na nag paalam na manliligaw siya saakin.

Boto sa kanya ang buong angkan namin. Sa tagal ko ba namang single, hindi na sila mag iinarte. Ang sakanila lang, basta maayos na lalaki, magalang, at higit sa lahat may takot sa diyos.

Nakita ko naman ang lahat ng iyon kay Ian. Pero may iba pa akong hinahanap sa kanya.

Hindi ko alam kung ano yun. Basta nararamdaman ko na may kulang pa sa kanya. Kung tutuusin nga, tama ang ang sinabi ng mga kapatid ko. Wala ng dapat pang hanapin kay Ian, pero para saakin meron pa.

Habang busy silang lahat, biglang tumawid sa isip ko si Jace. Kamusta na kaya siya? Wala talaga kaming idea kung nasaan siya. Wala na kasi sila sa dati nilang bahay. Iba na rin ang number nila pati na ng mama niya. Higit sa lahat, naka block kami sa lahat ng accounts ng mga kapatid niya.

In that way, we thought that its a cue, by that I mean, gusto niya na talagang putulin ang lahat ng koneksyon niya saamin. Oo nagalit ako nung una, I feel like its too much. Pero baka nga tamang wala nalang kaming communication, para wala ng sisihan na mangyari.

But to tell you, and to be honest with you, I miss him.

The Single's ProblemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon