Chapter 4Linggo ngayon. Dati palagi kaming nagsisimba ng mga kaibigan ko ng sabay. Yung simba na nauuwi sa aurahan. Lalo na kapaga kasama namin si Ernie. Mga wala kasing pinipiling lugar ang mga landi horemones ng mga kaibigan ko. May motto nga sila eh?
Hangga't may pogi, may landi.
Love the rhyming? Yeah. Matatalino sa ganyan ang mga kaibigan ko.
Matapos kong magsimba dumiretso ako sa bahay ng mama ko.
"Aba si Kulet umuwi din. Naghirap ka na no?" biro sakin ng nanay ko.
Yumakap ako sa kanila na very unusual kong ginagawa. Haha. Tipikal na pamilya lang kami noon. Nakakakain ng tatlong beses nagkaka utang din naman minsan pero masaya.
Nanood kami ng movie, pero nang makaramdam ako ng antok pumasok ako sa kwarto ko. Nawala nga lang yung antok ko nung makita ko yung pina drawing ko kay Jace na anime character na nakalagay sa illustration board.
Napalibot pa ang mata ko sa pader. Mula sa pader, nakita ko ang graduation picture ko nung high-school na nakasabit sa pader. Ang masama kasi nun, sa gilid nung frame ay yung maliit na picture ni Jace nung graduation.
"Tangina nanjan pa pala yang picture na yan." sabi ko na lang. Hindi ko alam kung napamura ako sa inis or sa kilig. Hahahays!
Imbis na matulog ako, nagbuklat na lang ako ng album na ginawa ko nung high school.
Panay picture pala namin ni Jace to. Tangina. Nadidiri naman ako. Naaalala ko yung mga panahong baliw na baliw ako sa kanya, na kahit na alam kong hotdog ang gusto niya at hindi papaya, okay lang sakin. Bwisit yan.
Biglang kumatok si mama tapos pinagbuksan ko siya.
"Sumunod yung buntot mo!" sabi niya sakin. Which she refers to the shitty specimen beside me in the picture.
Seno pe be? Ede se koya mo Jacento -___- tanginis talaga ng mga paang gala niyang hayop na yan.
Lumabas ako at nakaupo na siya sa sofa namin na akala mo nasa bahay niya lang. Nakikipag laro pa siya kay Kyle na pamangkin ko.
"Bat andito ka?" bungad na tanong ko.
"Wala akong magawa sa bahay. Pinuntahan kita dun sa bahay mo, wala ka dun kaya tinignan ko kung andito ka." sagot niya tapos nakipag laro ulit sa pamangkin ko.
"Baklang JLo pwede bang ninang na kita?" tanong bigla ni Kyle.
"Hoy abnormal ka talaga. Kuripot yan wag yan ang gawin mong ninang!" sabay layo ko sa pamangkin ko.
"Ako kuripot? Hmp! Magkasubukan na tayo ngayon." hamon niya.
"Kyle, gusto mo bang mag Enchanted Kingdom?" tanong niya kay Kyle. Mabilis namang tumungo si Kyle na may excitement pa sa mata niya.
Tss. Ang lakas magyaya ng gala ng hayup na'to. Singilin ko kaya siya sa mga pang buburaot niya? Malamang mayaman na agad ako sa dami!
Nagpa-alam si Jace kung pwedeng ilabas niya si Kyle. Pumayag naman ang ate ko pati na si mama. Ako naman ang nag bihis kay Kyle.
"Tara na." yaya sakin ni Jace.
"Kasama ako?" tanong ko.
"Ay ang gaga naman talaga. Malamang." sabay hila niya sakin.
Hawak ni Kyle ang kamay ko at kamay ni Jace. Yung tipong nasa gitna si Kyle?
"Aba, may gala sila. Happy family!" sabi nung kapit bahay namin.
Nanlaki yung mata ko. Putspa -__- ngayon ko lang narealize yun ah?
Gusto ko sanang bitawan yung kamay ni Kyle kaya lang wala akong tiwala sa pagmumuka ni Jace dahil balasubas yan. Mamaya ano pang mangyari sa pamangkin ko. Wala akong pamalit jan!
Hanggang sa nakarating kami sa EK. Hinila kami ni Kyle kaagad sa entrance. Ang hyper niya nga eh?
Natanggal yung sintas ng sapatos ko kaya naiwan ako habang sila naunang pumasok sa loob. Napatingala ako ng kaunti at nakita ko si Jace na tuwang tuwang kasama si Kyle. Parang ngayon lang siya nakarating dito.
Hindi ko pinalagpas ang ngiti nilang dalawa kaya pinicturan ko.
Para silang mag tatay.
Kung saan-saan kami sumakay. Nang mapagod sila kumain muna kami.
"Patingin nga ng mga pictures. Baka mamaya kasi hindi pwedeng pang IG yung kuha mo!" sabi ni Jace sabay irap.
"Huh?! Baka maging famous ka kapag pinost mo yang mga kuha ko!"
Inisa-isa niyang tinignan yung mga pictures.
"Ang cute naman namin dito!" sabi niya sabay pinakita niya yung kinuha kong picture nila ni Kyle.
"Hays. Gusto ko na magka anak." sabi niya. Sa sobrang gulat ko kamuntik ko nang maisuka ang kinakain ko.
"Magpapalagay nga ako ng matres. Ay hindi. Akin na lang yang kepuks mo tutal di mo naman ginagamit!" sabi niya.
"Mag ayos ka nga ng salita mo! May bata tayong kasama!" sabay bato ko ng crampled tissue sa kanya.
"Pero seryoso ako Mench, gusto ko magka anak." sabi niya.
Tumibok yung puso ko. Omg. I shouldnt feel this. Not again.
"Naalala ko tuloy yung hula sakin dati nung college. Kemberlu, magkaka girl daw akong junakis." sabi niya with nangingintab na mata.
"Kaloka, kung baby girl yun ay nako! Mana sa kagandahan ko yun!"
Bat ganun? Wala akong masabi? Ang masama pa, naiisip ko pa na kasunod nung mga pictures namin nung high school ay picture ng pamilya namin.
And what? I'm having a thought of being a wife to a gay! Thats insane!
"Hay nako! Tama na yang pagpapantasya mo! Forever mo nga di na dumating magkaron pa kaya ng matres! Tara na uwi na tayo!"
- - - - - -
Inuwi namin si Kyle sa bahay. Tumambay naman kami sa kwarto ko at nagsimula ng mangalkal ng picture si Jace.
"Ang landi mo!" sabay batok niya sakin.
"Ano nanaman yon!" sabi ko.
"Bat may picture kayo ni Rayniel!"
"Hahahahahaha! Ako pa ba? Inggit ka nanaman!" asar ko. Sabay simangot ni Jace.
"Alam mo Mench, napapagod na ko maging ganito. Napapagod na kong maging mag isa." sabi niya.
Wala nanaman akong masabi.
"Wala akong kasama sa buhay. Mabuti pa si Ernie ikakasal na." sabi niya pa.
"Malay mo naman kasi hindi ka dapat ganyan. Malay mo hindi lalaki ang kailangan mo." sabi ko.
"Baka nga... Pero nandidiri kasi talaga ko sa mga kepubels eh?! Eeewie!" sabay tawa naming dalawa.
Mga ilang sandali pa, umuwi na si Jace. Nang nakauwi siya, pina print ko kaagad ung picture ni Jace at Kyle. Sinulatan ko sa likod yun.
September 2, 2015 Ang araw na nalungkot si Jace sa pagiging bakla niya.
Nilagay ko yun sa album namin. Bawat picture na nakalagay dito may mga note na nakalagay. Note na nagsasabing masaya si Jace, malungkot siya, nang dahil sa pagiging bakla niya. Kapag naging lalaking ganap si Jace ibibigay ko sa kanya to. Sa kasal niya.
Kahit noon pa man gusto ko siyang mabago. At alam kong ito na ang tamang panahon na mababago ko siya.
Sana.
BINABASA MO ANG
The Single's Problems
RomanceMalaya. Ayan lang ang magandang naidudulot ng pagiging single. Pero pagkatapos ng araw, maiisip mo na ikaw ay nag iisa. Meet Menchi. Ang running for Matandang Dalaga. Kayanin niya pa kaya ang buhay single kung ang lahat na lang ng kaibigan niya ay k...