Chapter 10: Best Liar Award Goes to...

83 2 2
                                    


Chapter 10

Nasa airport ako ngayon. kung itatanong niyo kung bakit, sinusundo ko ngayon ang bestfriend naming si Stefie na galing sa honeymoon nila ni Dela Peña. Ayoko sanang sunduin ang babaitang to dahil busy rin naman ako sa business ko no! Business ko na nga lang ang love life ko tapos mawawalan pa ko ng time.

Nang makita ko si Stefie na parating kumaway ako para makita niya ko.

"Hay nakakapagod ang byahe." sabi niya pagkalapit niya sakin.

"Ikaw lang mag-isa? Asan na asawa mo?"

"May training siya dun diba? Jusko, papangit asawa ko!" sabi ni Stefie habang naka-kunot ang noo sa inis.

"Eh, wala kang magagawa. Army asawa mo."

"Yeah. You're right."

Sumakay kami ng taxi papunta sa bahay ko. May sarili namang bahay si Stefie pero dito na lang daw muna siya. Okay lang naman sakin yun, atleast hindi na ko bored sa bahay.

"Menchi, malapit na birthday ni Jace di ba?" tanong ni Stefie pagkaupo niya sa stool.

"Oo, ang bakla 30 years old na rin." sabi ko.

"Its a tie na kayo. Hahaha. Wala ka bang balak mag-asawa?" tanong niya. Sabi ko na nga ba hindi ako makaka iwas sa tanong na yan.

"Meron naman. Kaya lang busy ako."

"Sus, busy. San ka naman naging busy aber?"

"Sa cafe ko. Sa sarili kong buhay."

"Hay nako gurl, hindi ka aantayin ng panahon. Tumatanda ka na kaya. Kailangan mo na mag asawa. Mahihirapan ka ng manganak."

Natawa na lang ako sa mga lumalabas sa bibig ni Stefie. Parang dati lang ayaw na ayaw niya sa mga usapang settle down, but look she speaks like an expert.

Tahimik kaming kumakain ng apple na dala niya, nang bigla niyang isingit ang nakaraan.

"Bakit kasi di mo na lang pagpatuloy ang 'mission' mo na gawing lalaki si Jace? Para kayo na lang. Total, crush mo naman siya... Ayieeee!"

"Buang ka talaga Stef! Ano tayo high-school? Wala na yung mission na yun. Failed na yun." sabi ko.

"Ooows? Di nga? Pero aminin mo crush mo pa din si Jace?" pangungulit pa niya.

"Hindi na noh!"

"Wew?"

"Oo nga."

"Eh bat nag-bablush ka? Ha? Ha?"

"Wala to! Mainit kasi!" palusot ko na lang.

"Wow naman ano ka mestisa? Tss. Wag ka na mag deny Menchi. Sa kabila ng kabaklaan ni Jace, irresistable pa rin naman siya, at kailangan mong aminin yun." sabi pa niya.

Napapailing na lang ako, at napapa hiling ako na sana di na lanh umuwi tong babaitang to. Daig pa showbiz kung magtanong.

"Wala akong pake." sabi ko.

"Okay." and she shrugged her shoulders. Sakto namang nag ring ang phone nya.

"Wait lang asawa ko tumatawag... Hello, hon?"

Lumayo si Stefie para makausap in private ang asawa niya. Ako na lang at ang apples ang natira sa kusina. Pinag pawisan ako sa mga pang iintriga ni Stefie sa totoo lang. Hindi ko kinaya ang pag dedeny. Bakit ba ang lakas makaramdam ni Stefie eh?

Pagdating ng alas-otso ng gabi nabulabog ang bahay ko ng mga tawanan at kabalastugang kwentuhan ng mga kaibigan ko. Bukas na kami babyahe papuntang Batangas para sa reunion namin with our classmates.

"Buti pinayagan kayo ng mga husbands niyo?" tanong ni Stefie.

"Well, yes. Yung mga anak ko lang hindi." sagot ni Jenny.

"Yung asawa ko dadaanan ako dun. Sweet talaga ni babe." sabi naman ni Zafara.

Ayan kasi nag-asawa pa. Hindi tuloy makalandi.

Nagkukwentuhan kami tungkol sa bakasyon ni Stefie sa Cebu kasama ang asawa niya, nang biglang napunta sakin ang usapan. Alam niyo na siguro kung ano.

"See? Masarap mag asawa Menchi!" sabi ni Zafara.

"Oo nga. Hindi ko ba kasi malaman jan sa pinsan ko kung may balak maging runner up ni Ms. Marquez." si Ms. Marquez yung matandang dalaga naming teacher noon sa TLE.

Nagtawanan sila.

"Masarap maging single. Aminin niyo din." sabi ko.

"Oo masarap noong mga high-school at college days. Pero pag-dating ng ganitong edad maiisip mo ng kailangan mo na ng partner. At yun ang aminin mo Menchi Atienza!" sagot naman ni Zafara.

Pinilit kong makipag talo sa kanila. Pero ang totoo tama lahat ng mga sinasabi nila. Hays. Saan naman kasi ako kukuha ng aasawahin? Wala naman akong jowa. Si Jerry sana kaya lang networking naman yung a-hole na yun.

"Menchi, bakit di mo na lang kasi ituloy na gawing lalaki si Jace?" sabi ni Stefie.

"Oo nga." sang-ayon naman ng mga gaga.

"Magpapakahirap pa kong gawin yun. Sayang oras." sabi ko sabay irap.

"Inlove ka pa rin naman sa kanya eh?" asar ni Zafara.

Pinigilan kong wag mahuli. Pusang gala naman kasi tong mga to. Daig pa ang mga psychologist kung mangbasa ng facial expressions.

"Hindi na." sagot ko.

"Okay." sabay sabay nilang sabi.

Haaaaaaay. Sana lang hindi nila nahalata na may gusto pa rin ako kay Jace. Ayokong mahalata nila. Idedeny ko muna ng bonggang-bongga. Hangga't bading pa rin ang balugang yun hindi ko aaminin sa kanila. Hindi sa lahat ng oras kailangan alam ng kaibigan mo ang detalye sa buhay mo.


Kinabukasan, naghanda na ako ng almusal para sa mga bwisita ko. Bandang alas-onse dumating pa ang iba naming kaibigan kaya riot nanaman ang bahay ko. Syempre ubos din ang laman ng ref ko. Pagpunta ko sa kusina naabutan kong may kausap si Jace sa cellphone.

"Mahal mo ko? Eh bakit magpapakasal ka na?" rinig kong sabi ni Jace.

"Rayniel ano ba? Tigilan na natin to... Hindi wala na tayong pag uusapan...No...Goodbye!" at natapos na ang pag uusap nila.

Hanggang ngayon pala magkachat pa rin sila ni Rayniel. Kaya pala ganun na lang siya nung nakaraan. Halos lunudin niya na yung sarili niya sa alak.

"Menchi, bat ka nandito?" biglang sulpot ni Jace sa harap ko.

"Huh?" lutang kong sagot.

"Sabi ko bat ka nandito?" ulit pa niya. Natauhan ako kaya nagpanggap ako na cool lang ako.

"Malamang bahay ko to! Alis nga jan! Mamaya inubos mo na yung mga chocolate ko!" sabi ko. Chineck ko yung ref ko at tama nga ko. Naubos nga niya. Sa kabila ng narinig ko hindi ko ata kayang makipag talo sa kanya.

"Papalitan ko na lang mamaya." sabi ni Jace habang nakatingin sa malayo.

"Ayos ka lang ba Jace?" tanong ko.

"Oo... Ayos lang ako." sagot niya pero bakas sa boses niya na maluluha na siya.

Kung sinungaling ako mas sinungaling si Jace. Mas kaya niyang magtago ng problema niya. Pano kaya sa reunion mamaya. Awkward nito panigurado.

The Single's ProblemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon