Chapter 12: Just You and Me

66 2 0
                                    


Chapter 12

Sobrang bilis ng araw matapos ang mga kantyawan simula nung nag reunion. Sobrang pinag piyestahan lahat ng mga stolen shots naming lahat pati yung event organizer hindi nila pinalagpas. Mabuti na lang at mailap ang appearance ko nung reunion kaya wala akong nakakahiyang picture.

"My god! Sobra talagang enjoy nung reunion! Ayun ang pinaka the best!" Comment ni Zafara habang nilalantakan ang oatmeal cookie na kalalabas lang ng kitchen.

"Hay nako hindi ako nag-enjoy." Sabi ko naman.

"Nako, ikaw talantutay ka nga jam dahil nakapartner mo si Ken at si Jace sa stop dance. I'm sure na literal na nag stop ang mundo mo sa lips to forehead!" Kung may sukatan ng volume ang boses ni Zafara siguro naka 100 ang lakas. Napaka hyper niya kasi. Dapat siguro patigilin ko na siya sa paglantak ng cakes ko.

"Tumigil ka nga Zaf!" Sigaw ko sa kanya. Mabuti na lang wala masyadong tao sa cafe kaya ayos lang na mag sigawan kami. Nabaling naman ang mata ko sa kalendaryo. Isang linggo na pala at birthday na ni Jace.

Simula nung natuto akong mag bake, palagi kong pinag bebake si Jace ng paborito niyang chocolate cake. Gustong gusto niya yun kapag tama lang ang tamis ng cake at pati ng vanilla frosting. Pero dahil sa 30 years old na siya, I want to make something special, after all he's my best friend, he deserves a memorable birthday party.

"Shocks. Malapit na mag October!" Exaggerated na sabi ni Zafara habang nakalingon sa kalendaryo.

"Yeah, mag bibirthday nanaman si Jace." Sabi ko.

"Yeah I know. Thats why I'm super excited. Alam ko naman kasing romansa nanaman ang peg niyo. Alam naman naming lahat na walang pwedeng umistorbo sa moment of truth niyo!" Inirapan ko lang si Zafara sa sinabi niya. Lokaloka talaga yang batang yan.

Tandang-tanda ko pa ang lahat ng ginagawa namin ni Jace tuwing birthday niya. Wala naman kaming problema sa pera pang gala dahil yung tatay niya nag eeffort talagang magpadala ng pera para icelebrate ang birthday niya... With me.

Sa nangyari kay Jace ngayon, parang napaka imposibleng makapag celebrate kami ng birthday niya kagaya dati. Sabi kasi sakin ni Jace, gusto niya naman daw icelebrate ang birthday niya kasama si Rayniel. Pero sobrang nahihirapan kaming ibigay sa kanya ang wish niya dahil nasa ibang bansa yung tao. Ngayong abot kamay na namin si Rayniel hindi naman namin magawa dahil ikakasal na siya at nagkalinawagan na si Jace at si Rayniel doon. Nasa process na ng moving on si Jace, kaya hindi na dapat ipaalala ang lahat sa kanya.

I just shrugged my shoulders and served my customers with a smile.

The next day is the same, may tatlong customer ako na nag celebrate ng monthsary at anniversary sa cafe ko. Sobra akong natutuwa kapag dito sa cafe ko napipili ng mga tao mag celebrate ng masasayang event sa buhay nila. Kagaya nalang ni Ashley. Speaking of her, tinawagan niya ko para sa isang kontrata na ako ang gagawa ng souvenir which is cupcakes para daw sa isang event ng kumpanya nila.

Balik sa mga nagdedate sa pinaka mamahal kong cafe, natutuwa na naiinggit, na ewan ako sa kanila. Alam niyo naman ang lola niyo, trenta anyos na jowa-less pa rin. Pero ang gabing to ay isang history. Napaka eye catcher ng isang napaka kisig na lalaki na tumayo sa harap ng babae na may dala-dalang mga flash cards. Bawat cards ay may nakasulat.

"I wanna be with you for the rest of my life, just you and me, with our future kids, Grace, marry me please."

Ayan ang sinabi sa mga flash cards na isa-isa niyang binabasa habang pinapakita ito sa mga tao. Grace (the lucky girl) cried in so much joy and she almost scream her sweetest 'yes' to her future husband. Sobra silang sweet tignan. Hindi ko nanaman tuloy mapigilan ang sarili kong mainggit.

Kailan ko kaya maririnig ang mga salitang kagaya nun? It was so sweet that I could remember those til I die. Its a big word to say just the two of you forevermore. As in walang third party!

Third party. It echoed on my brain. Naalala ko nanaman kasi ang pinaka kadiring sinabi sakin ni Ken. Sweet sana kung hindi pa siya kasal. But duh, he's married! Hindi ba siya naawa sa wife niya! Nakita ko kung gaano ka-inlove yung babae sa kanya tapos nawala lang siya sa tabi non ng ilang araw kung ano-ano ng kalokohan ang pinag-gagagawa niya. Gago siya.

"Anong meron dito?" Hindi ko namalayang andito na pala si Jace sa tabi ko at may hawak na siyang moist chocolate cake.

"Ayun, nag proprose yung guy sa girl. At wow, ang bilis ng kamay mo sa istante ko ha?! Goodness! Malulugi ako sa inyo ni Zafara!" Inirapan ko siya pero pang-asar siyang kumain ng cake. Napaka talaga nila!

"Sarap kasi eh?! Susunod, wag mong sasarapan?!" Sabi niya pa. Walangya napasama pa ang inosente kong cakes.

And speaking of Zafara the Cake Monster, dumating sa cafe ko at ngiting-ngiti ang loka-loka. Pagkalapit niya samin, agad siyang kumagat ng cake sa hawak ni Jace na moist cake.

"Last na yang cake na yan ha?!" Saway ko sa kanya.

"Ipang babayad ko na lang to." Sabay pinatingin niya sakin ang dalawang ticket ng concert ni Sam Smith. Lately naging favorite naming lahat ang mga kanta niya dahil relate na relate kami lalo na ang baklang katabi ko na naluluhang kinuha sa kamay ni Zafara ang two VIP tickets sa concert ni Sam Smith.

"Huhuhu. Lay me down tonight!" Maemosyon niyang pag kanta ng linya ng Lay Me Down. "Infairness Zafara ngayon mo lang ako niregaluhan after 10 years of our friendship!" Aniya pa.

Umirap lang si Zafara at natawa lang ako. Totoo naman kasi. Kaming magkakaibigan kasi, hanggang plano lang lahat ng pag reregalo. At yung budget para sa regalo, nauuwi sa food trip.

Tinulungan nila kong mag serve sa mga customer ngayon. Friday kasi, kaya maraming tao. Sobra pa kong natutuwa dahil maraming couples sa paligid. Isa lang ang ibig sabihin niyan, na-achieve ko ang goal ko na gawing romantic place ang cafe ko for the couples. Nang makapag sara na ko, nag kwentuhan pa kami saglit with our favorite french fries for snacks.

Wala ng masakyan kaya naglakad na lang kami ni Jace. Si Zafara kasi sinundo ng asawa niya. Palagi naman eh? Tahimik lang kaming nag lalakad ni Jace. Nilalasap ang hangin na sa ilang araw pa, mas lalamig dahil 'ber' months na. Wala ng maraming tao sa paligid. Kaunti na lang ang mga sasakyang nagdadaanan, pero hindi ko malaman kung bakit pareho kaming tahimik ni Jace. Which is... So so so so WEIRD!

"How does it feel, na isang linggo na lang 30 years old ka na?" Tanong ko para naman may mapag usapan kami at hindi mapanis ang lawa namin pareho.

"May dapat ba kong maramdaman? Wala naman siguro? Marami na kong naramdaman at halo-halong mga emosyon yun na sobrang nag occupy sa buong sistema ko. Halos makalimutan ko na ngang birthday ko na pala." Hindi niya makapaniwalang sabi habang palipat lipat ang tingin niya sakin at sa buwan na sobrang bilog at sobrang liwanag.

"So, any plans?" Tanong ko.

"Well, same old plan. Celebrate my birthday. Just you and me inside the arena with Sam Smith!"

Pang ilang taon ko ng ginagawang icelebrate ang birthday ni Jace. But this one is different. Sana hindi lang ako ang nakakaramdam ng ganito.

Dahil sa sinabing yon ni Jace, okupado nito ang isip ko. Lahat ng waiters ko nag aalala na sakin dahil wala ako sa sarili. Turilo. Sino bang hindi?

So he loves it... Just the two of us... Heaven.

The Single's ProblemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon