Chapter 20: Trouble

63 3 0
                                    


Chapter 20

Matapos ang kasal ng kapatid kong si Melisa, kasal naman ni Rayniel ang next project ko. Rayniel's soon to be wife wants a five layer cake dahil limang taon silang nagsama bilang mag girlfriend at boyfriend. The girl looks so happy and lucky to have a "loyal" fiance. Hindi lang alam ng babae na yun na namamakla ang lalaking pinaka mamahal niya, and that gay happens to be my bestfriend. Actually, nagpasalamat saakin si Rayniel dahil hindi ko sinabi sa mapapangasawa niya ang ginagawa niya behind her back. Wala naman kasi akong mapapala kung mangingi-alam ako sa problema nila, hindi ba? Kapag sinabi ko naman yun, hindi naman sila magbabalikan ni Jace. Yun ay kung may babalikan ba talaga sila.

"All set na pala para sa kasal ni Rayniel no?" Sabi ni Zafara sabay inom ng orange juice.

"Oo nga eh? At ang ganda ng jowa ng kuya mo!" Sabi pa ni Jenny.

"Hay nako napaka insensitive niyo naman para pag usapan ang kasal niya. Kasama natin si Jace oh?" Asar naman ni Stefie kay Jace. Inirapan lang ni Jace si Stefue at saka kami nag tawanan.

"Affected ka pa rin ba, Jace? Akala ko nag move on ka na?" Tanong ni Yna.

"Wow naman uy! Perslab ko yun oy!" Sagot ni Jace.

"Hay nako Jace, alam naman namin na kayang-kaya mo siyang kalimutan." Sabi naman ni Yna habang hinahaplos ang kanyang likod.

"Oo naman no, in fact, client ko sila para itayo ang dream house nila. And that's how I start my move-on plan." Proud na sabi ni Jace habang nakatingin pa sa langit.

"For move-on plan!" Iniangat ni Zafara ang baso ng orange juice niya at nag cheers kami.

Nagkwentuhan pa kami ng nagkwentuhan. Mostly ay tungkol sa high-school days namin na sampung taon na naming inaalala. Napaka bilis ng panahon. Parang kahapon lang ang lahat. Habang nag tatawanan kami bigla namang dumating si Dan.

"San ka galing, bakla?" Tanong ni Yna sa asawa niya habang hinahalikan siya nito sa noo.

"Uh, kasama ko sila Philip kanina saka si James. Namili kami para sa stag party ni Rayniel." Sagot ni Dan, pagkatapos kumuha siya ng cookies at kinagatan.

"Hoy hindi ka pwedeng pumunta sa party right?!" Sigaw ni Yna kay Dan.

"Love! You said yes last night!" Reklamo ni Dan kay Yna. Natatawa na lang kaming lahat dahil sa inaasal ni Yna. She's always like that to her husband.

"Hindi mo naman sinabing stag party eh?" She pouted like a kid. Dan gently stroke Yna's hair and she rest her head to his shoulder.

"Hay nako Yna, long lasting yung binigay kong gayuma sayo kaya hindi mangbababae yang si Dan!" Sabi ni Jace. Tumawa lang kami ng tumawa sa sinabi niya. For as far as I know, he was so envious seeing our friends happy with their married life. Ako din naman eh?

Nang mag-gagabi na, isa-isa na silang nagsipag uwian. Niligpit ko naman ang mga pinagkainan namin habang inaayos naman ni Stefie ang mga upuan sa bakuran ko.

"Mench, ewan ko ha... Pero para akong kinakabahan." Sabi ni Stefie. Nagkatinginan kaming dalawa. Alam niyo kasi yang si Stefie, may pagka-alien yan eh? Kapag nakakaramdam yan na may masamang mangyayari kailangan mo ng mag-ingat kasi totoong may nangyayari. Nakakatakot di'ba?

"Wala naman sanang may mangyaring masama. Mag-papasko na kaya." Sabi ko.

Nagpatuloy na lang kami ng paglilinis. Pero pati ako kinakabahan. Ewan ko ba. Baka napaparanoid lang ako dahil sa nararamdaman ni Stefie.

The Single's ProblemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon